NAGING masaya ang mga sumunod pang araw ni Rita kasama ang kaniyang ama at ang bago nitong pamilya. Kahit na mahirap ang buhay sa bundok ngunit hindi iyon naging dahilan upang maramdam niya ang saya kasama ng kaniyang ama na matagal niya nang pinapangarap. Malugod din siyang tinanggap ng bagong asawa ng kaniyang ama. Naging mas malapit na rin silang dalawa ni Cris sa isa't isa at nasabi niya na rin ang totoo niyang pangalan sa dalawang matanda. Naging malapit din siya sa kambal niyang kapatid. "Ano ang pakiramdam at nakasama mo na ang iyong tatay?" tanong ni Cris sa kaniya habang tinutulungan siya nitong magbanlaw ng kanilang mga damit sa ilog kasama ng kambal. "Sobrang saya siyempre. Akala ko kasi hindi na magkakatotoo na makakasama ko ulit si tatay. Hindi na ako maiinggit dahil may

