NANG mabalitaan ni Dennis na dumating si Zandro sa birthday party ng ina nito kung kaya't nag-abang siya sa labas ng mansion upang subaybayan ang kilos nito. Ngunit wala pang isang oras ay napansin ni Dennis ang papalabas na sasakyan at napansin niyang kay Zandro nga ito kung kaya't maingat na sinundan niya ito. Nang mapagtanto niyang papunta ang sasakyan ni Zandro sa bahay nito ay agad na tinawagan niya ang kaniyang tauhan na nag-aabang hindi kalayuan sa labas ng bahay nito, habang siya ay nag-iba ng rota nang sa ganoon ay hindi siya mahalata na sumusunod siya sa mga ito. Dahil sa kagustuhan niyang malaman kung kasama nga nito si Rita ay muli siyang bumalik upang sundan ang sasakyan ni Zandro. Nang malapit na ang sasakyan ni Zandro sa bahay niya ay tumigil si Dennis sa gilid ng daan

