TANGHALI na nang magising si Rita. Nakatitig lamang siya sa kisame habang inaalala ang huling pangyayari kanina bago siya nakatulog habang nakasandal sa balikat ni Dennis dahil sa sobrang pagod na kaniyang nararamdaman. Sobrang bigat din kaniyang pakiramdam dahil sa pagod at pakiramdam niya namanhid ang kaniyang mga paa. Ngunit bigla siyang kinabahan nang maalala niyang nakahiga na siya sa malambot na kama kung kaya't inikot ng kaniyang paningin ang kabuuan ng kuwarto. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita niya si Dennis na nakaupo sa sofa habang nakatutok ang mga mata nito sa laptop. Nang mapansin ni Dennis na nagising na si Rita ay agad na binitawan nito ang hawak-hawak nitong laptop at lumapit dito. "Kumusta ang tulog mo?" tanong ni Dennis nang makalapit siya kay Rita sabay hal

