PAGKALIPAS ng dalawang buwan napagpasyahan ni Dennis ang bumaba ng bundok sapagkat gusto niyang alamin kung itinigil na ba ni si Zandro ang pagpapahanap kay Rita. Dahil ayun kay Cris sa tuwing bumababa ito tila wala na itong napapansin na kakaiba at hindi na rin nito napapansin ang sasakyang palagi nitong nakikita na nakaparada sa malayo kung saan sila dapat unang magkikita ni Dennis noon. Ngunit ayaw pumayag ni Rita dahil nangangamba siya na baka may mangyaring masama kay Dennis sa pagbaba nito. "Huwag ka na lang kaya bumaba baka kung ano pa mangyari sa iyo ro'n. Ikaw na ang nagsabi na hindi titigil si Zandro hangga't hindi niya nakukuha ang kaniyang gusto. Paano kung makita ka ng mga tao niya? Natatakot ako na baka kung ano ang gagawin nila sa'yo." Pigil ni Rita kay Dennis baka sakalin

