ILANG oras ang lumipas nang makarinig si Rita ng boses sa labas ng pinto kung kaya't lumapit siya ro'n upang pakinggan ito. Mahina lamang ngunit dinig niya ito. Maya maya ay bumukas ng pinto. Nagulat pa siya nang mamukhaan kung sino ang taong pumasok sa loob ng kuwarto at tumawag sa pangalan niya. Ang taxi driver noon sa Nightlight. "Halika na at itatakas kita rito!" mahinang wika nito sakto lang na marinig niya. "Ho? Paano? Madaming mga tao na nakabantay sa labas paano niyo po ako itatakas?" nagtataka niyang tanong sa taong iyon sapagkat alam niyang mahihirapan silang makalabas sa bahay na iyon. "Basta sumunod ka lang sa akin ako ang bahala." Pagkasabi nito ay agad na hinila ni Romeo ang kamay ni Rita at dahan-dahang lumabas ng bahay. Napansin ni Rita ang mga walang malay na bantay

