DAHIL nalaman na ni Rita na ang tumulong sa kaniya ay ang kaniyang ama kung kaya't nagmadali siyang lumabas ng bahay at hinanap ito. Nakita niya itong nagsisibak ng kahoy kung kaya't lumapit siya rito. " 'Tay?" tawag niya rito habang panay pa rin ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Kaagad namang natigilan si Romeo sa pagsisibak ng kahoy nang marinig niya ang boses ni Rita. Napalingon siya rito habang tagaktak ang kaniyang mga pawis na agad naman niyang pinunasan gamit ang likod ng kaniya kamay. Tinakbo ni Rita ang maliit na distansiya sa pagitan niya at ng kaniyang ama upang yakapin ito. Mahigpit ang kaniyang pagkakayakap dito dahil sa loob ng labin-walong taon na pangulila sa kaniyang ama, ngayon ay natagpuan niya na rin ito. Umiyak si Rita nang umiyak habang nakayakap sa kaniyang ama

