Ilang araw na at pabalik-balik pa rin sa pagpunta si Dennis sa apartment unit ni Rita, ngunit wala pa rin siyang makitang Rita na umuuwi roon. Hindi pa rin matunton ng taong inutusan niya upang hanapin ang dalaga. Minsan napapaisip siya kung ano ang kaniyang nagawang mali kung bakit ganoon na lang ang pagtataboy ng dalaga sa kaniya. Hindi na rin siya makapag-focus sa trabaho dahil sa pag-iisip kay Rita, sapagkat sobra-sobra ang kaniyang pag-aalala rito. Habang malalim ang kaniyang iniisip habang nakaupo siya sa swivel chair sa loob ng kaniyang opisina nang biglang may kumatok sa pinto nito at agad naman niyang pinapasok. "Come in!" "Sir, Mr. Sanchez is here," ani ng sekretarya niya. "Let him in." "Yes, sir." Kaagad naman na pumasok ang panauhin niya. "Good morning, sir. I have a

