PAGKATAPOS ng isang linggo muling ibinalik ni Trace si Rita sa hotel kung saan niya ito sinundo. Pakiramdam ni Rita nabugbog siya ng maraming beses sapagkat hindi lang si Trace ang gumamit sa kaniya kun'di pati ang mga kaibigan nito. At iyon na rin ang una't huli na muli siyang magpapagamit dahil ipinapangako niya sa kaniyang sarili na titigil na siya upang maumpisahan niya na ang bagong buhay na kaniyang tatahakin. Na sana ay makayanan niya. Sa ngayon kailangan muna niyang magpahinga sapagkat simula nang dumating siya sa isla ay halos wala na siyang pahinga. Nais nga sana niyang umatras sa usapan nilang dalawa ni Trace, 'yon nga lang at huli na ang naging desisyon niya sapagkat naisakay na siya nito sa yate at alam niyang mahihirapan na siyang bumalik kung kaya't itinuloy niya na lang

