SAMANTALA hindi pa rin tumitigil si Dennis sa kakahanap kay Rita. Muli siyang nagpatulong sa mga pulis upang hanapin ang nobya ngunit hindi pa rin nila matagpu-tagpuan ito. Pabalik-balik din siya sa bahay ni Zandro upang magmanman at alamin kung nandoon ito, ngunit kahit anino ng kaibigan niya ay hindi niya rin makita sa bahay nito. Sapagkat nagbabakasakali siyang baka doon nito dinala si Rita kung ito nga ang unang nakatagpo sa nobya. Halos mabaliw na sa kakaisip si Dennis kung saang lugar pa ang posibleng pagdalhan ni Zandro kay Rita, dahil malakas ang kutob niya na nasa kamay na ng kaibigan niya ang kaniyang nobya. Ayaw niya ring lumapit sa pamilya ni Zandro upang alamin kung nasaan ito sapagkat alam na ng mga ito ang totoong nangyayari sa pagitan niya at ni Zandro. At naramdaman

