HABANG lulan ng sasakyan si Rita, hindi niya maintindihan ang kaba na kaniyang nararamdaman sapagkat alam niyang walang kasiguraduhan ang kaniyang kaligtasan sa kamay ng mga taong dumukot sa kaniya. Hindi niya rin alam kung saan siya dadalhin ng mga ito. Pigil ang kaniyang pag-iyak sapagkat hindi siya puwedeng maging mahina lalo na ngayon at hindi niya alam kung sino ang nagpapadukot sa kaniya. At kahit anong pagsigaw at tanong niya sa mga taong dumukot sa kaniya ay hindi ang mga ito nagsasalita na tila mga pipi at bingi. Mahigit tatlong oras ang itinakbo ng sasakyan bago sila nakarating sa isang lugar at hindi pamilyar sa kaniya. Malawak ang kapaligiran at maraming kakahuyan at may malaking bahay ang nakatayo sa gitna nito. Napansin niya rin na may iilang kalalakihan ang nakabantay sa

