Forty Five

1584 Words

ISANG linggo na ang matuling lumipas at nanatili pa rin sa bundok si Dennis kasama ni Rita. Natapos na rin ang bahay na ginagawa nila at puwede ng tirhan. Dahil walang kagamit-gamit si Dennis kung kaya't pinahiram siya ni Cris ng mga damit nito na hindi na gaanong ginagamit at ang iba ay sa tatay naman ni Rita. Hindi naman mapili si Dennis dahil alam niya ang buhay na walang-wala at naghihikahos sa hirap. Madiskarte lamang siya noon kung kaya't naging maayos at maganda ang buhay niya sa siyudad. Dalawang metro lamang ang pagitan ng tatlong bahay. Maliit lamang ang bahay ngunit komportable naman silang nakatira roon kahit na ang dingding nito ay yari sa pinagdikit-dikit na kawayan at pinalibutan ito ng pawid nang sa ganoon ay hindi kaagad sila masisilip sa loob. Mayroon ding kusinang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD