---------- ***Arabella’s POV*** - Mahigpit kong hinawakan ang wet tissue na dala ko, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking mga daliri habang nakatayo sa loob ng cubicle ng banyo. Napalunok ako nang marinig ko ang dalawang boses mula sa labas—mahina ngunit malinaw na malinaw, sapat upang palamigin ang aking sikmura. "Narinig mo na ba tungkol kay Arabella at kay Sir Harold?" bulong ng isa. "Oo naman! Pinag-uusapan na ‘yan ng lahat. Diyos ko, kahit super handsome at hot ni Mr. Harold, parang tatay na niya ‘yon! At ang alam ko, may fiancé na siya, ‘di ba?" Kumakabog ang dibdib ko, para bang gusto nitong sumabog sa sobrang inis. Ano na namang kalokohan ito? Madiin kong kinuyom ang aking kamao, pilit pinipigilan ang nag-uumapaw na emosyon. "Alam mo naman... Hindi basta-basta nakaka

