------------ ***Arabella’s POV*** - Napalunok ako, hindi makapagsalita. Napaawang ang aking mga labi, hinihintay kung ano ang nais niyang iparating. Bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin, dahilan upang manlaki ang aking mga mata. "Do you know that Andrew proudly told me that you’re still a v*rgin?" Malamig at mabagal ang kanyang bigkas sa bawat salita, na para bang sinadya niyang idiin ang bawat pantig upang tumatak sa aking isipan. "He said that you plan to give that to him only after your wedding. Hmmm..." Mula sa aking ulo pababa sa aking katawan, hinagod niya ako ng tingin—isang titig na may halong panunukso at pagsusuri. Pakiramdam ko'y para akong hinubaran ng kanyang mapanuring paningin. I suddenly felt an intense heat, though I couldn’t tell if it was from embarrass

