------ ***Arabella's POV*** - Inis na inis ako kay Harold. Inimungkahi ba naman niya na isang medical examination lang ang makapagsasabi kung totoong ginahasa nga ni Andrew si Jodi. At ang mas ikinagalit ko, sumang-ayon naman ang lahat—pati na rin si Jodi. Nanindigan talaga siya na totoo ang mga sinabi niya, na ginahasa siya ni Andrew. "Galit ka na naman ba sa akin?" tanong ni Harold sa akin. Katatapos lang namin kumain ng hapunan, at simula pa kanina, hindi na talaga ako nagsasalita. Masama ang loob ko sa kanya, at kahit anong pilit kong magpakahinahon, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpahayag ng nararamdaman ko. "Hindi ko maintindihan, Harold. Sinabi mo na magkakampi tayong dalawa, pero bakit pakiramdam ko ay lagi ka na lang gumagawa ng mga bagay na tila pabor kay Andrew? Hind

