------ ***Arabella's POV*** - Nananatili akong nakaupo sa sofa, ngunit ang isip ko ay abala sa mga salitang binitiwan ni Trice kanina. Para iyong lason na unti-unting kumalat sa sistema ko, nakakapaso, nakakasakal. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang epekto niya sa akin—bakit parang may bigat ang bawat bitiw niya ng salita, na parang may alam siyang hindi ko alam. Napapikit ako, sinusubukang itapon sa kawalan ang inis at pag-aalala. Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng kung anumang negatibong emosyon, isang mabangong halimuyak ang sumingit sa aking isipan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Tumayo ako at humakbang papunta sa dining area. Sa dining area, nakita ko si Harold—nakasuot ng itim na polo, bahagyang nakatupi ang manggas, at abala sa paghahanda ng mesa. Mula sa ma

