-------- ***Arabella's POV*** - Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko tuluyang napagpasyahan na pindutin ang doorbell ng bahay ni Harold. Habang nakatayo ako sa harapan ng kanyang pintuan, hindi ko mapigilan ang mabilis na pagdagsa ng kaba sa aking dibdib. Umaasa akong nasa loob siya—na hindi masasayang ang lakas ng loob na tinipon ko upang humarap sa kanya ngayon. Alam kong wala nang atrasan ito. Narito na ako, at hindi na ako dapat pang umatras sa plano ko. Kailangang makuha ko ang trust fund ko. Gusto kong malaman kung totoo nga ang mga sinasabi ni Harold tungkol dito. Kung totoo man, hindi ako mag-aatubiling gawin ang lahat upang makuha ito. Hindi lang dahil kailangan ko ng pera, kundi dahil gusto kong buksan muli ang imbestigasyon sa aksidenteng nangyari sa a

