--------- ***Arabella's POV*** - "Tinatakot mo ba ako, Arabella? Alam kong mas ikaw ang mawawalan kaysa sa akin kapag hindi kita pinakasalan. My family is still wealthy, and I can always rely on my parents’ support bilang nag-iisang anak nila. May mamanahin ako mula sa kanila bukod pa sa makukuha ko sa Inspire." Tumunog ang kanyang boses na puno ng pagmamalaki, mistulang ipinagmamalaki ang lahat ng meron siya. "At saka, aanhin ko pa ang kayamanan ng mga magulang ko kung magiging bilyonaryo rin naman ako balang araw? Tulad ng sinabi ko, ako ang magiging tagapagmana ng ninong Harold ko. In fact, we were just discussing the gift he plans to give me for my graduation. He said it’s to encourage me to be more dedicated to my studies. He promised to give me a share of Starlight—the company wh

