---------- ***Arabella’s POV*** - Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko, bigla akong napaurong. Napansin ko kasi si Jodi na nakatayo sa labas ng pinto, halatang matagal na akong hinihintay. Hindi ko man marinig ang kanyang iniisip, sapat na ang ekspresyon ng kanyang mukha upang maunawaan ko na galit na galit siya. Nang magtama ang aming mga mata, agad siyang nagsalita. “Hindi ko alam kung anong meron sa'yo at bakit lahat na lang ng tao sa paligid natin ay nagkakagulo dahil sa'yo.” Matigas at punong-puno ng galit ang kanyang tinig, kasabay ng matalim niyang titig sa akin. “Ikaw ang dahilan kung bakit hindi nagkaintindihan sina Ate Eryiel at Daddy, at ikaw din ang dahilan kay nag-away sina Mommy at Daddy. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi ka na lang kinakampihan nina Mommy at A

