-+*-+*-+*
"hon, pano kung mawala ako bigla? Ano mararamdaman mo?" tanong niya saken
"Ewan. Di yun nangyari kaya di ko alam."
"So gusto mo mangyari yun??"
"Syempre hindi! Kaya nga di ko alam kasi maliban sa di ko pa naranasan ay syempre kasi di ko naman hahayaang mawala ka."
"Naku naku! Ewan ko lang."
"Totoo nga!"
"Okay, Sabi mo e. Haha"
-+*-+*-+*
Nagising ako na nakaharap ke Miya. And for some reason, di man lang ako nagtaka sa panaginip ko. Di ko alam kung bakit, but instead napangiti ako.
Tatayo na sana ako ngunit di ako makatayo. Nang tignan ko ay nakayakap pala sya saken na lalong ikinangiti ko.
Tf is happening to me?!
Miya's POV
Nagising ako nang nakayakap kay Van.
WAIT!
NAKAYAKAP?!
NO NO NO!
Bumitaw ako agad at napaupo.
Buti nauna na akong nagising.
"How's sleep while hugging me?"
Hindi pala.
===___===
Paglingon ko sa gawi niya ay ngumisi siya ng nakakaloko.
"Kanina ka pa gising?"
Nagstretch muna siya at umupo bago sumagot.
"Yeah. Di lang ako tumayo kasi baka magising kita. Himbing na himbing pa naman ang pagtulog mo." Sabi niya at napangisi ulit kaya nahampas ko siya ng unan sa braso.
"Buang!"
"Ahh... Pillow Fight pala gusto mo ahh."
Agad siyang kumuha ng unan at hinampas din saken. Halos lumabas na ang cotton sa loob ng unan sa kaka-pillow fight namin.
"Ang saya ahh!"
Kaya sabay kaming napalingon ni Van sa pinto.
Si Jan.
"Halina kayo! Kain na!" Sabi niya ng nakangiti at lumabas na.
Inayos ko yung mga kalat.
"Ako na." sabi niya.
"Ok lang."
"Sige na ako na." pagpupumilit niya
"Para di tayo mag-away ulit dito, tulungan mo nalang ako."
"Good idea." he agreed
At inayos na namin yung kwarto tapos nagmumog at bumaba na.
"Ang tagal ahh! Malapit na akong matapos sa kinakain ko ohh!" Sabi agad ni Jan pagdating namin dun at tinuro ang plato.
Napasimangot kaming dalawa ni Van.
"Wag kang magsinungaling! Oo naniniwala ako na isip bata ka minsan pero di mo naman siguro kakainin yang plato?" Sabi ni Van.
"Di lang gud ta mangasuko gud! Sige na! Upo na kayo dito!" At umupo na nga kami
Matapos kumain ay tumayo na si Van.
"Hon, magbihis ka na. Since di kita nadala kahapon sa opisina ngayon nalang kita dadalhin dun. Hurry up. We're late already." Seryoso niyang sabi at umalis.
So pabibihisin niya lang ako at di paliliguin?
Ok! Common Sense Miya! Common Sense!
At saka...
Bat ba ang galing niyang umacting?!
Mag audition kaya sya sa ABS-CBN? Siguradong tatanggapin to! At siguradong may award na agad to sa unang teleserye niya!
Tumayo na ako at humingi ng tawad kay Jan kasi di ko siya matutulungan sa paghugas ng pinggan.
"Ok lng Te May! Sanay naman na akong iniiwanan."
"Ayy? Humugot? Kala mo may pinaghuhugutan?" He just chuckled.
"Pero Jan wala ka bang pasok?" dagdag ko.
"Meron."
"So bakit ka pa nandito?"
"Exam kasi namin! Mamayang 1 pm pa magsisimula."
"Ahh ok... Sige maliligo muna 'ko"
At iniwan na siya doon.
Pagpasok ko sa kwarto ay walang tao kaya agad akong kumuha ng damit at tuwalya tsaka binuksan ang pinto ng cr.
"The fck!" napatakip agad ako ng mata. Syet. Minsan bobo ko rin ano?
"What are you doing here?!"
"Bat ba kasi di mo ni lock ang pinto. Aysh!"
"Get out just get out!"
"Oo na!" Isasarado ko na sana ang pinto nang magsalita sya.
"Lock the fkn door!" Like tch. Siya pa galit sya naman di nag lock in the first place!
Tinakpan ko ang mata ko saka sinubukang abutin ang lock ng pinto bago ito sinarado.
Bababa na sana ako nang mapansing di ko dala ang damit ko.
Putcha naman self oh! Gusto mo talaga mapagalitan no?
I knocked the bathroom door. Medyo natagalan pa nung binuksan nya ito.
"What?" he said nang buksan nya ng konti ang pinto at sumilip.
"Hehe pakiabot nung damit ko. Naiwan ko sa loob e." he sighed tsaka sinarado muli ang pinto at nang binuksan nya ito ay lumabas na sya.
He's half n***d gurl! Or ewan kung half paba yan, malay ko ba kung nag brief man lang sya.
Deputcha! Yung pandesal mga bes! Di ko kinaya!
"Ano tinatayo-tayo mo jan? Dyan ka nalang maligo. Tapos narin naman na ako." napalunok pa 'ko bago pumasok sa cr tsaka sinarado ang pinto. As in sinigurado ko talagang naka-lock yun.
Matapos maligo ay lumabas na' ko.
Tamang-tama at tapos na syang mag-ayos.
"Tara na?"
"Sandali lang. Ilalagay ko lang tong mga damit ko sa lalabhan."
Pagkatapos kong malagay sa lalabhan at hinanger ang towel ay akmang lalabas na ako ng hinawakan ni Van ang braso ko.
"Di ka pa nagsuklay?" Tanong niya.
Tumango lang ako bilang sagot.
He sighed at hinila ako papasok ng banyo.
"Di tayo pwedeng umalis ng di ka nagsusuklay. May suklay at blower naman dun sa banyo. Mag-ayos ka kahit minsan." Sabi niya sabay plug ng wire ng blower at kinuha ang suklay.
"A-ako na."
"Im sure dika marunong nito. Kaya ako na."
Well tama siya. Di ako marunong gumamit ng blower kasi di naman ako mahilig dun kaya pinabayaan ko nalang.
Matapos nya kong suklayan ay umalis na kami.
Pagpasok palang ng building ay marami nang nakatingin sa amin.
Uhh... Di na nga ako komportable na magkahawak kamay kami, titingin pa kayo? Jusko
Marami ang bumati sa kanya roon at tinatanguan niya lang iyon at nginingitian.
Nung papasok na sana kami sa opisina niya ay nagsalita ako.
"Uhm pwede dito na lang muna ako."
"Why?"
"Wala lang. Titingin tingin lang. Ang boring naman kasi kapag dun ako sa opisina mo at uupo lang."
Tumango siya. "Ok fine. Just don't go too far. Baka mawala ka pa. Malaki pa naman tong building na to."
Whew! Kung makapagsabi saken ng ganun parang bata ang sinasabihan niya ahh!
Nginitian ko lang siya at tuluyan na siyang pumasok. Nilingon ko yung likuran ko at nakikita kong sobrang busy ng mga emplyees niya. Mukhang tama nga si Dad na he focuses a lot when there's work assigned. Alam niyo yung boss na parang kung ano ang dapat gawin ngayon araw ay dapat matapos ngayong araw lang? Yung ganun.
Halos mapatalon ako at napahawak sa dibdib ko nung may biglang nagsalita sa bandang kanan ko.
"Uhh hi ma'am!"
Tiningnan ko siya.
"Hi." At ngumiti ako.
"Uhh ma'am you want some coffee? I'll buy one for you ma'am."
"Naku wag na! At saka wag mo akong tawaging ma'am! Para akong matanda pakinggan nun! Miya nalang. At saka wag ka na masyadong mag english! Baka ma nose bleed pa 'ko. hehe"
"Ayy! Hehe sige po ma'am Miya. Hehe. Akala ko kasi ma'am Miya na englishera ka din kagaya ni sir!" ang kulit nya haha "Ahh nga pala ma'am, Im Sweetie. But you can call me Sweet po." dagdag niya pa.
Tumango tango ako bago nagsalita. "Ohh... Hi Swe—"
"Hoy! Sweet!" Bulong nung bakla kay Sweet
"Ayan kananaman ha! Diba sabi ko sayo wag ka masyado FC!" Sabi nung bakla ng pabulong parin
Mukhang strikta.
O strikto ba? Ah ewan! Ito mahirap pag may bakla kang nakilala e. Di mo alam kung she o he ba tawag.
"Ok lang! Actually mas ok yung ginawa niya. Some companies ay may malalaking kita kasi nakikihalubilo sila sa maraming tao. Kaya dapat lang na makihalubilo kayo." Nakangiti kong sabi
"Ok po ma'am. Sorry po."
"Uhh... Ikaw? Ano naman pangalan mo?"
"Uhh Chris po ma'am. Im the assistant of sir Ivan po."
"Ahh... So ikaw yung katawag ko kahapon?"
"Yes po ma'am."
"Hi! Nice to meet you!" Sabi ko at inilahad ko ang kamay ko.
Nakayuko lang siya nakatingin sa kamay ko.
"Wag kang mag-alala! Walang germs yan! Pramis!" Nakangiti kong sabi.
"Nice to meet you ma'am!" Sabi ni Sweet at tinanggap ang kamay ko at napatawa ako ng mahina.
"Ang kulit mo din pala. Im sure magiging close tayo! Pareho tayo ehh! Hehe." Sabi ko.
"Ayy? Talaga ma'am?" Tumango lang ako bilang sagot.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Van.
"Chris, what's my schedule for today?"
Napalingon kami tatlo sa kanya.
"Uhhh... Y-yes sir. Mamaya 3 pm po you have a meeting with Mr. Santos and your meeting with Mr. Jonas was rescheduled tomorrow because you we're not here yesterday po."
"Ok thanks." Sabi niya at tumingin saken. Tinanguan niya lang ako at ngumiti bago pumasok ulit ng opisina.
"Uhh Sweet? Anong oras na?" Tanong ni Chris kaya napatingin naman kami dalawa ni Sweet sa kanya
"1:57 pm."
"Ok thanks" Sabi niya at umalis.
"Pagpasensyahan niyo na po si Chris, ma'am!" paghingi ng tawad ni Sweet.
"Hehe. Ok lang!" at ngumiti, "Nga pala. Kanina pa ba kayo rito?" dagdag ko pa.
"Yes ma'am."
"Mga anong oras?"
"6:30 am po."
6:30 am?!
"6:30 am po kami pupunta dito pag busy! Nakikita ko sa reaksyon niyo! Hehe!" dagdag niya.
Ahh... Kaya pala.
"Kumain na ba kayo?"
"Di pa po."
"As in?" Gulat kong sabi
"Yes ma'am."
"malapit nang mag 2PM na di pa din kayo kumakain?"
"Kapag kasi ganito ma'am 6:30 am papasok at 3:00 pm kakain ng lunch. 9:00 pm naman kakain ng dinner at uuwi ng 10:00 pm."
O.O
Sacrifices?
Napakurap-kurap at napatingin ako sa iba pa niyang kasama.
"Uhm... Sweet, pag maghahanap si Van saken, sabihin mo umalis ako saglit ahh?"
"Yes ma'am. Pero ma'am saan ka po pupunta?"
"Sandali lang. May bibilhin lang ako sa labas."
"Ok po ma'am."
Umalis na ako dun matapos niyang sabihin yon.
~ff~
Pagbalik ko ay 2:40 pa. Malapit lang kasi ang pinuntahan ko rito. 5 minutes lang ang lalakarin ko.
Pagdating ko ay sinalubong agad ako nina Chris at Sweet.
"Uhh Chris, Sweet pwede patulong?"
"Para san yan ma'am?" Tanong ni Chris
"Para sa inyo to! Sabi kasi ni Sweet na di pa kayo kumakain!"
"Di na po kailangan ma'am!" sabi niya pa
"Naku! Kailangan to! Kailangan na kailangan! Lalo na't busy kayo! Work is best when you're full!" pagpupumilit ko na tanggapin nila
"Ahh ma'am tulungan ka na namin! Lika Chris! Ibigay natin to sa kanila." Ani ni Sweet.
"Uhh... Ok. Thank you po ma'am." pagpasalamat ni Chris saken
"Welcome!" Nakangiti kong sabi at nagsimula na silang magbigay ng pagkain sa mga kasamahan nila.
Spaghetti, burger at McFreeze lang naman yun.
Umalis na ko at pumasok sa opisina ni Van.
Pagpasok ko ay saka naman papalapit na siya sa pintuan.
"Where have you been? Hahanapin na sana kita. Ang sabi ni Sweet umalis ka daw kasi may bibilhin ka? Diba sabi ko sayo wag kang lalayo? Ano namang binili mo? Naglakad ka lang? Ok ka lang? Di ka ba nahihilo habang naglalakad? Hoy ano na!"
"Buang ka din! Makakasagot ba ako kung tanong ka nang tanong? Pwede isa-isa lang? Hayy... Pumunta lang ako sa McDo at oo umalis ako kasi may bibilhin ako oo alam kong sinabi mo na wag akong lalayo pero di pa nakakakain yung mga employees mo. Binilhan ko lang sila ng spaghetti, burger at mcfreeze. Binilhan na rin kita. Oo naglakad lang ako kasi malapit lang naman yun dito. Oo ok lang ako. At di naman ako nahihilo. Kaya wag kang OA!"
"Hayy... Buti naman."
"Pero... Bakit ka pa bumili niyan ehh di na kailangan!" dagdag niya.
"Pareho lang kayo ng assistant niyo noh? kailangan yan oiee! Work is best when you're full!"
"Hayy... Kahit kelan talaga ang kulet mo! Oh cya! Sige na! Kailangan na! Pero ikaw? Kumain ka na?"
"Di pa."
"Lika sabay na tayong kumain."
"Ok lang!"
"Sige na!" pinilit niya 'ko kaya pumayag nalang ako.
"Ok fine!"
Nang tignan niya ay isa lang ang nandun.
"Share nalang tayo."
"Sabi sayo wag na e!"
"lika na, wag na matigas ang ulo." kaya nakinig nalang ako.
Di ko naman plano na di na bumili ng saken kasi gusto kong makipag-share kay Van. Nagkulang lang talaga ako sa pera.
Matapos kumain ay tatayo na sana ako nang pinigilan ako ni Van.
"Magpahinga ka muna. May kwarto ako dun! May cable TV, Kama, Wifi at Laptop dun. Mamaya ka nalang lumabas ulit."
"May kwarto ka dito?"
"Yeah. Ginagamit yan kapag mago-over time o kaya ay kailangan maaga kami rito. Sige na. Magpahinga ka na muna."
"Sige. Salamat." Sabi ko at pumunta na roon.
Simple lang ang design niya. Black and white. At gaya nga ng sabi niya ay may cable Tv, syempre kama kasi kwarto nga diba? Wifi at Laptop. May mga notebook na di pa nagamit, lapis, ballpen, eraser, papel, sticky notes at kung ano-ano pa doon.
Lahat naka-arrange ng maayos. Like in fairness! Kala mo di lalaki ang may-ari e no? Minsan talaga na a-amaze ako sakanya e. Edi sana all ganito.
Humiga ako sa kama tsaka nanood nalang ako ng TV nang di ko namalayang nakatulog na pala ako.