Miya's POV
Papunta na kaming mall ni Jan, nagkakantahan at sayawan kahit nag dadrive HAHA. Nakakamiss kasi e. Antagal na kaya naming di nagkita kasi nga busy sila ng kapatid ko. "Group Study" raw kasi.
Nung nakarating na kami sa parking lot ng mall........
O.O
Lam niyo ba kung ano ang nakita ko nung nasa may parking lot na?
Si Ivan at yung babaeng kasama niya dun sa birthday party.
HEP!
Di pa ako tapos!
BES! Naglalambingan sila or should i say... Naghaharutan!
"Uhm Jan pwede sa iba nalang tayo?" Palusot ko agad
"Bakit naman?" Tanong niya habang naghahanap ng mapagpark ng sasakyan... nasa 1st floor palang kami.
"Uhm ayaw ko kasi dito." Sabi ko habang iniiwasan na tumingin dun sa dalawa
"Ehh? Di ba dito naman tayo nagshoshopping noon kasama si Cha?" Nagtatakang tanong niya saken
"Uhh... Sige na nga lang." Sabi ko
UGHHHH!!! Isip ka pa ng paraan Miya!!!! Baka makita niya!!!
AHA!
"Uhh... Jan... Wala atang mapapark ang sasakyan natin dito. Dun nalang tayo sa 2nd floor."
"Oo nga. Sige." Buti nalang at wala talagang mapag park-an netong sasakyan.
Sana pauwi na sila Van!
At dun na nga kami nagpark sa taas.
Lumabas na kami ng sasakyan at nagsimula nang mag ikot ikot sa mall.
Nanood muna kami ng sine pero...
Nandito sila! Akala ko pauwi na sila? Waaaahhhh!!! Nagpapanic na 'ko shuta bawal saken to hoi. Van umayos ka baka mamatay ako ng maaga sayo!
Nasa pinakahuli kami at nandun sila sa 3rd row. Para di makita ni Jan na may kasamang ibang babae si Van.
Sa totoo lang, iniisip ko na baliktad ata ang sitwasyon namin ngayon. Diba dapat si Jan ang nasa sitwasyon ko ngayon? Kasi kapatid niya yun. Ah ewan basta yun na yun!
Matapos ang pelikula ay hinila ko agad si Jan palabas bago pa bumukas ang ilaw.
"Oh? Bakit te May?"
Uhh.... Reason?! Ano reason?!
"Naiihi na kasi ako sa sobrang ginaw!"
"Ahh... Sige. Parang naiihi na rin ako ehh! Haha!" natatawa nyang sabi
Nakikitawa nalang rin ako para di halata.
Pumasok na ko sa Women's CR.
Di ako umihi. Naghilamos nalang ako. Naiistress na 'ko sa nangyayari. Jusko kalma kalang gurl. No need to worry with makeup. Di naman ako nag gaganun. Di ako mahilig dun!
Naghintay muna ako ng 30 seconds dun, nag inhale exhale bago lumabas.
Paglabas ko nakita ko si Jan na naghihintay sa isang bench malapit sa CR.
"Tara na? Uwi na tayo!" sabi ko at kunyaring na bobored na.
Gusto ko na talagang umuwi! Di ko na kaya to!
"Ehh? Uwi agad? Di pa nga tayo nakakapag shopping, uwi agad?"
Naaaahhh!!!! Jan kasiiiiii! Makinig ka!
"Uhh sige. Magshopping na tayo. Tara na! Para makauwi na agad tayo."
"Hayy... Kumain muna tayo bago magshopping! Eto talaga si Te May oh! Sobrang excited makita si kuya! Yiiiieeee!!!" pang aasar nya pa
Kung alam mo lang na...
DI AKO EXCITED MAKITA ANG KUYA MO! GUSTO KO LANG UMUWI DAHIL AYOKONG MAKITA MO SIYA! Aaaaaa!
Papasok na sana kami nang may nakita ulit akong BAD LUCK.
FOR THE THIRD TIME! MY SHUTANGBELLS!
"Uhh Jan, pwede sa iba nalang tayo kumain?"
"Ehh paborito ko dito ehh!" pagpupumilit nya.
"Sige na! Ayoko kasi dito!" Kahit paborito ko din dito. Kailangan kong isacrifice. Shuta. Pasalamat ka mamaya saken Van.
"Oh cya! Sige na nga!"
At sa iba na nga kami kumain.
Omay. Salamat at naniwala siya.
Matapos kumain ay nagshopping na kami.
Busy ako sa pagpipili nang magsalita si Jan.
"Te May hanap ako ng bagay sayo ahh? Dito ka lang."
Tumango lang ako at nagpatuloy sa aking ginagawa. Ang gaganda ng mga damit dito.
Jan's POV
Naghahanap ako ng mga damit na babagay kay Ate May nang makita ko si...
"Kuya?!" Nagtataka kong sabi sa aking sarili.
Lumapit ako sa kanya na sobrang busy naman sa pagpili ng mga PAMBABAENG DAMIT.
Bakla ba to si kuya?
Ahh! Baka para kay Ate May! Luhh! Ang weird pakinggan pero kinikilig ako.
Nung malapit na ako sa kanya ay nagsalita ako para makuha ang atensyon niya.
"Kuya."
Napalingon siya saken at nakita kong bahagya pa siyang nagulat.
"Jan? What are you doing here? Sino kasama mo?"
"Uhh babe maganda ba?" Nagulat ako sa sinabi nung babaeng kakalapit lang samen, si Jasmine. Ex ni kuya na pinaka ayaw ko sa lahat. Mas ayaw ko sakanya kesa sa nagbully saken kung meron man.
Mas matanda pa yun kesa saken pero asa siyang tawagin ko siyang ate! Kapal niya!
"Babe?!" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Jan!" Rinig kong sigaw ni Ate May sa likuran ko at tumabi saken.
"Kuya bat kasama mo si Jasmine at bat tinawag ka niyang babe? Kayo pa rin ba? May third party ka? No way!"
Nakita kong tumingin si kuya kay Ate May.
Miya's POV
Naahh!
Im too late! Naku po! Mukhang wala nga akong salamat na matatanggap mamaya ke Van.
Matapos tanungin ni Jan si Van ay tumingin saken si Van.
Bumuntong hininga ako at sinisipat sipat ko si Van sinyles na kailangan niyang magsinungling.
"Uhh.. nagpapasama lang si Jas saken. Tinawag niya akong babe kasi nagfavor siya saken na tawagin niya ko ng ganun kahit ngayong araw lang ngayong engaged na ako kaya no ang answer sa last and second to the last question mo." Explain ni Van habang nakatingin saken.
"Well that's good to hear." Sabi ni Jan at tumingin dun kay Jasmine ba yun? "At sana sa susunod ay wag ka nang magfavor kay kuya ng gamun kundi patay ka saken!" Dagdag niya pa.
O.o
"Jan!" Sigaw ko sakanya at tumingin naman siya saken. Tinarayan ko siya.
Nakita kong bumuntong hininga siya at tumingin ulit kay Jasmine.
"Pasalamat ka mabait si Te May. Kung hindi baka masampal ka pa neto ng ubod lakas. Sya pa sana dapat magagalit sayo e." sabi pa ni Jan
Sa totoo lang...
Mapa mabait o hindi ,Jan ay di ko talaga kayang masampal yang babaeng yan! Di pwede ehh!
"Uhh Jan tara na. Uwi na tayo." Sabi ko kay Jan at hinila siya sa braso. Pero sa sobrang lakas niya ay di ko siya mahila.
"Ayaw mong sumama kay kuya?"
Napatingin ako kay Van. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya saken. Di ko nga ma explain yung expression nya ngayon. Kung galit ba o hindi. In fact, yung expression na binibigay nya ay WALA!
"Uhh.. wag na. Ihahatid pa niya si Jasmine, diba?" Sabi ko habang di pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
Tumango tango lang siya.
"Ok fine. Tara na Te May." sabi ni Jan at hinawakan yung wrist ko.
At tuluyan na nga kaming umalis.
"Hay pasalamat yung babaeng yun mabait ka." bigla niyang sabi habang naglalakad kami. "Wag mo na istressin sarili mo ate May. Sigurado naman akong ikaw talaga mahal ni kuya." kung alam mo lang Jan. Kung alam mo lang.
"Alam mo. Pagpatuloy nalang natin ang pag shoshopping. Let's enjoy the day." dagdag niya pa.
Tumango nalang ako dahil wala na talaga akong masabi.
Ano na kaya nangyari dun sa dalawa.