Ivan's POV
Pag-alis nina Jan at Miya ay humarap si Jas saken.
Nagulat nalang ako nang sinampal niya ako ng malakas.
"Anong ibig sabihin ng sinabi mo kanina?"
Di ako makasagot.
"Your engaged already?! At di mo man lang sinabi saken?! Are you kidding me?! So ginawa mo akong third party?! Ganun?! Ivan naman!"
"Jas—"
"Let's break up!"
"Look Jas just let me explain—"
"You dont have anything to explain now kasi alam ko naman na. Goodbye..." Sabi niya at umalis.
Ok. Wala akong masabi. Nakatulala lang ako dun habang tinitignan na naglalakad sya palayo saken.
~ff~
Pumunta ako ng bar at nagpakalasing.
Bakit ba kasi pumunta pa sila dun? Bat ba dapat pa mangyari 'to? Aaaargh! Kung alam ko lang edi sana di nalang ako pumunta sa mall.
No.
Di ko nalang sana sinabi that she was my fiance. Because first of all, di ko sya kilala. I should've just said I am with Jas in the first place. Ugh!
Miya's POV
Matutulog na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Sobrang lakas naman ng pagsara. Anong problema neto?
Tumalon siya sa kama. Buti di ako nahigaan! Baka bali bali na tong buto ko ngayon. Amoy alak pa. Ano ba pinag gagagawa nito?
"Anong ginagawa mo dun?" Bigla niyang sabi.
"Saan?"
"sa mall"
"Sinamahan ko lang si Jan." sagot ko.
"You saw us bago pa yun nangyari right?"
Tumango lang ako at sinabing, "Yes."
"Bat di na kayo umuwi agad?"
Interviewer ba to? O si Tito Boy talaga to? Baka sumapi si tito boy dito.
"Pinipilit ko siya pero ayaw niya."
"Pero sana pinilit mo din siya!" Napasigaw na siya.
"Wala akong magawa ehh. Kung pipilitin ko ng sobra magtatanong yun kung bakit." Kalma ko pa ding sabi at umupo sa kama.
"Edi magpalusot ka!" Nagsisigaw pa din niyang sabi.
"Wala akong maisip." Kalma pa din ako. Never in my life since i was 16 na nagagalit o umiyak ng sobra. Kalma lang ako palagi.
"Mag-isip ka! May utak ka naman diba?!" Nagsisigaw pa din siya.
Di ko na napigilan ang sarili ko.
"Ehh kung ikaw kaya yung nasa sitwasyon ko?! Makakapag-isip ka pa ba?! Ha?! Ivan wag mo naman akong pagsigawan! Ikaw na nga tong kinakausap ng maayos ikaw pa tong sumisigaw! Pwede naman tayong mag-usap ng maayos ahh?!" Sinigawan ko na din siya.
Tumalikod nalang siya saken at parang di man lang nakikinig.
"Sorry na kasi! Di ko naman alam na pumunta kayo dun!"
"JUST SHUT UP!!!" Sigaw niya.
Di ko na talaga napigilan ang sarili ko. Natahimik ako at napayuko. Di ko namalayan na tumutulo na ang mga luha ko. Napabuntong hininga ako at tumayo.
"Magbihis ka. Baka sumakit ang katawan mo dahil sa suot mo."
Nakapantalon kasi siya at polo.
"Psshh. Dont think about that at lalong dont think about me."
Mas lalo akong napa iyak.
"Ginagawa ko to para sayo! Ito yung gusto mo diba? Para namang ang laki ng problema mo! Dapat nga magpasalamat ka pa na nandito ako! Kaya ko namang makinig ah! Di mo naman na 'ko kailangang sigawan!"
"Ahh magpasalamat ba? Well then thank you. Thank you for ruining my life"
And there. Sumasakit na dibdib ko.
Ikaw naman yung gusto nito bat parang kasalanan ko pa? Ikaw naman yung nag offer, tumanggap lang ako para masalba ko man lang sarili ko pero bat ako pa may mali?
Yan ang mga salitang gusto kong sabihin sakanya pero di ko man lang masabi.
Patakbo akong lumabas ng kwarto at sinara ng ubod ng lakas.
"Ma'am?" Sabi ng isang kasambahay.
Di ko na yun pinansin at tumakbo lang ako habang iyak ng iyak papunta sa isang guest room.
Nang makapasok na ako ay nilock ko yung pinto at binuksan ang ilaw matapos ay umupo ako sa kama.
"Hindi! Maging matapang ka Miya! Kaya mo to! K-kaya m-mo t-to..." Sabi ko sa sarili.
Unti unti nang di ako makahinga. At nakahawak na ako sa aking dibdib.
"I-inhale ex-exhale... K-kaya m-m-mo t-t—"
At tuluyan na akong nawalan ng malay.
Jan's POV
I was about to sleep nang may kumatok.
"Sir?"
tumayo na ako at binuksan ang pinto ng konti. Isa sa kasambahay ang kumatok.
"Yes?"
"Sir si ma'am Miya po."
"Bakit? Anong nangyari kay Ate May?" Sabay bukas ng pinto na mas maayos.
"Nakita ko po kasing umiiyak si ma'am Miya patakbo sa isang guest room. Parang nag-away sila ni Sir Ivan kaya alam na niya siguro yun. Kaya sa inyo ko nalang sinabi."
Napakunot ang noo ko.
"Did she cry? i mean like a lot?"
"Yes Sir."
O_O
OH NO! PLEASE DON'T!
"Halika! Sabayan mo ako."
Kumatok ako ng kumatok sa kwarto at tawag ako ng tawag ng pangalan niya. Hindi ako sumigaw dahil nga gabi na. Ayoko namang distorbohin ang pagtulog nila.
Nakaka ilang katok na ako pero di pa rin niya binubuksan ang pinto.
"Urgh pakikuha po ng susi ng kwarto na to. Dalian niyo!" Sabi ko dun sa kasambahay.
"Yes po sir!" Sabi niya at tumakbo para kumuha ng susi.
Ilang minuto lang ay nakabalik na agad ang kasambahay dala-dala ang susi sa kwartong pinasukan ni Miya.
"Ito na po sir!"
"Salamat."
Binuksan ko kaagad ang pinto nakita ko siya nakahiga sa SAHIG!
NO! TOO LATE!
"Miya!/Ma'am Miya!" Sabay naming sigaw nung kasambahay na di naman gaano ka lakas.
Lumapit ako sa kanya at dinikit ang tenga sa dibdib niya.
HER HEART IS BEATING SLOWLY!
"Pakikuha po siya ng damit sa kwarto nila ni kuya. Dahan dahan lang para di siya magising."
"Yes sir!" At sumunod naman siya sa sinabi ko.
Kinarga ko si Miya sa sasakyan at pagdating namin dun ay saktong natapos na yung kasambahay na kanina ko pa kasakasama.
"Sumakay ka na. Kailangan nating dalhin sa ospital si Miya. Let's go."
Pag Miya nalang ang tawag ko kay Ate May, that means IM REALLY SERIOUS.
Sumunod naman sa pagsakay yung kasambahay at umalis na kami papuntang ospital.
Please wag ka muna mag let go.
Lumaban ka muna.
Maghintay ka saglit.
Bulong ko sa sarili at dinalian ko na ang aking pag dadrive.