Miya's POV
Hinihintay ko nalang si Ivan na sunduin ako dito sa tapat ng gate namin.
==__==
Ilang oras na akong naghihintay dito! Ang tagal namern! Parang ako pa lalaki dito ah.
Nabobored na ako! Masakit na rin paa ko!
Papasok na sana ulit ako sa bahay nang mapatalon ako sa gulat.
*Pipip*
"Ayy Bushakk!!!" Napasigaw pako. Shutang— gusto yata ako nitong patayin ng maaga e.
Lumingon ako para matingnan kung sino yun
"Lika na!" Sabi niya at hindi talaga lumabas para pagbuksan ako ng pinto!
"Wow? Ang gentleman mo naman!" Sarcastic kong sabi
Napa smirk at sumakay na lamang ako.
Tahimik lang naman kami sa byahe.
Ano ba inexpect niyo? Di kami close noh! Asa siya!
Nang nasa harapan na kami ng bahay este mansion pala halos mapanganga ako.
Ang ganda at ang laki! Mansion nga diba? Bobo ko talaga!
Ok. Back to the real topic.
Pinagbuksan ako ni Ivan ng pinto.
KINGINA TALAGA TONG LALAKING TO! NGAYON LANG NAGING GENTLEMAN KASI NANDITO NA KAMI! ABAT LOKO TO AHH! SUNTUKIN KO KAYA PARA UMAYOS? NANGGIGIL NA AKO AHH!
Tiningnan ko siya ng masama bago lumabas kaya napakunot ang noo niya. Nagtataka ata. Hah! Magtaka ka hanggang sa mamatay.
Nang isara niya na ulit ang pinto nung makalabas na ako ay napa fake smile ako. Para naman hindi halata ang mader niyo noh!
"Miya!" rinig kong sigaw ni Si-- Tito habang papalapit samen...
ERRR!! Bat ba!! TSK!
"T-t-tito" nauutal kong sabi
"Dad" nagulat ako sa sinabi ni Tito.
"Call me Dad since you're soon to be the bride of Ivan."dagdag niya pa
Hayyy... Bakit ba! Nahihibang na nga ako sa Tito, Dad pa kaya? Mhay goodness! Pero pwede kayang Papa nalang? Para medyo ok siya? Since mama ang tawag ko kay mama at wala naman akong papa kaya pwede papa nalang? Ugh! Bahala na oiee!
"Ok po." Nakangiti kong sabi
Actually, Pilit lang yon.
"Oh cya! Pumasok na tayo!" sabi ni tito este dad
Pumasok naman kami SYEMPRE!
Whew! Kung maganda sa labas, mas maganda sa loob! Ang laki! Mhay ghad!
Habang iniikot ko ang paningin ko sa loob ng bahay ay biglang nagsalita si Ivan.
"Dad where's Jan?"
"Hayy... Ayun! Group Study daw. Alam mo Ivan, naisip ko tuloy na nerd yang kapatid mo." natatawang sabi ni tito
"Hayy... Wala nanaman." sambit ni Van.
Mas maganda yung Van kesa Ivan. Kaya pabayaan niyo ako!
"Hayaan mo nalang! Makakasama niyo rin naman siya sa iisang bahay sa susunod na linggo!"
Oo nga nam---
WHET!! NIYO?!
"Niyo!?" Van
Mukhang napansin niya rin yun.
"Oo! Niyo! Ehh naalala ko kasi yung bahay na pinagawa ko 2 years ago. Ehh sayang din naman kaya ibibigay ko nalang sa inyo. Take it as an advance wedding gift." kalma nya lang na sabi.
Mukhang seryoso ata to si Dad sa kasalan mga besh! Di pedeng dahan-dahan lang?
Nagkatinginan kami ni Van. Mga segundo lang din naman at tumingin ulit kami kay Dad.
"Uhm thanks dad but we don—"
"No. Whether you like it or not, you're gonna take it. Besides, after some months mag asawa narin naman kayo. Bibili lang rin ng bahay. Kaya dun nalang kayo para di na kailangan bumili."
"B-but how abou—"
"Don't worry about me. Marami tayong kasambahay dito! Kaya you don't have something to worry about."
"O-ok." yun nalamang ang naisagot ni Van. Kahit ako ay wala nang masabi.
"Uhh sir the dinner's ready na po." Nakayukong sabi nung isang kasambahay
"Ok thanks. Halina." Dad
Kaya pumunta na kami sa dining area.
Whews! Paborito ko yung inihanda!
ADOBONG MANOK!!
Ayun! Naging gentleman nanaman ang lalaking to kasi harap harapan na! *smirk* Suntokin kita mamaya tignan mo.
Napadami kain ko ah. Busog na busog e. Lam iyo yung parang may bato sa loob ng tiyan?
Pagkatapos namin kumain.
"Oh Ivan... I-tour mo muna si Miya rito. May aasikasuhin muna ako." Pagpapaalam samin ni Dad
"Ok po." Tipid na sagot ni Van
Pumanhik na patungo sa opisina niya si Dad kaya naiwan kami dalawa dito ni Van sa Dining area.
"Uhh... Halika tour kita dito." Nakangiti niyang sabi at inalalayan akong tumayo.
Alam kong pilit yun since may mga kasambahay dito. Baka may makakita o makarinig pa samen dito!
Ang una naming pinuntahan ay ang Pool area, then yung fish pond at panghuli ay Garden.
May dalawang swing doon kaya umupo ako sa isa at dun naman sa kabila si Van.
"Sorry for bringing you in this situation." Biglang sabi ni Van
"Naku! Ok lang! Sabi ko nga diba? Naintindihan kita! Tsaka mababait din naman siguro kayo! Lalo ka na! Kahit moody ka alam kong mabait ka!" Kahit di naman. eheh. Asa ka
"Thanks." Tipid niyang sabi ng di man lang ngumiti
Tumingin na lang ako sa taas at tiningnan ang mga bituin sa langit.
"Ang Ganda!" Pabulong kong sabi
"Yeah."
Napalingon ako sa kanya.
Tinitingnan niya rin pala ang mga bituin sa kalangitan NANG NAKANGITI!
Ang pogi niya kung ngumiti!
Ngumiti na rin ako at ibinaling ulit ang paningin sa kalangitan.
Matapos nun ay hinatid na ako ni Van sa bahay.
"Uhh... Can i have your number?" Van
"Ha?" nagtataka kong tanong
"Wag mong bigyan ng malisya! I just wanna have your number for emergencies or important things." pagi-explain niya.
"Ahh..." Yan nalang nasabi ko at tumango tango
Binigay ko naman sa kanya ang number ko at binigay niya rin number niya.
"Uhm... I gotta go. Thanks for tonight."
"Welcome! Actually dapat ako ang nagte thank you. Sarap ng ulam nyo e. Haha!" Natatawa kong sabi
"Yeah." sabi nya at pilit pa na ngumiti.
Di mo na kailangan ngumiti nang pilit dong. Halata namang pilit lang.
"So i gotta go... See you!" dagdag niya pa.
"Sige! Ingat!" Sabi ko bago pa siya makapasok sa loob ng sasakyan.
Ivan's POV
Hayy... Thank you very much for understanding Miya...
Yan lagi ang nasa isip ko habang nag da drive pauwi.
Di lang ako makapaniwala na makisabay siya!
Kasi nga diba?
We started with anger and arguement.
Then biglang ganito...
Hays. This is for dad anyways. Kaya siguro okay lang sakanya.
Umuwi na 'ko at nagpahinga na.
-+*-+*-+*
"hon!"
"oh bakit? haha"
"lagi mo nalang ako tinatakot ah"
"masaya e. Bat ba? HAHAHA"
"Ah ganun?" sabi ko at tumayo and tickled her.
"Ahh! hon stop HAHA" sabi nya habang sinusubukan na pigilan ako.
"Ayoko nga. Masaya din 'to e" nakangiti kong sabi habang patuloy parin na kinikiliti sya.
That smile—
-+*-+*-+*
Nagising na lamang ako sa tunog ng cellphone ko.
Buti nagising pa' ko. What's with my dream these days? urgh.
Tinignan ko ang cellphone ko at tumatawag si Jas saken kaya sinagot ko ito.
"You're busy na palagi ah? Di ka na makatawag man lang?"
"Sorry. Marami kasing inaasikaso e. Alam mo na, trabaho." pagsisinungaling ko.
"Hays. Ok." sagot niya lang.
"Don't worry. Try kong bumawi. Wag ka mag alala"
"Aww really? Aasahan ko yan ah? Mag shoshopping ba tayo? Sa chanel gusto ko ah!"
"Sige kung yan gusto mo." sagot ko.
Buong gabi kaming nagtawagan hanggang sa makatulog na.