Ivan's POV
Hayyy...
Kakagaling ko lang sa trabaho.
Nakakapagod!
Nang makapasok ako sa bahay ay nakasalubong ko si Dad.
Well, he's our grandfather but we call him 'Dad' because he's the one who took care of us ever since were kids.
"Oh! Nandito ka na pala! How's work?" tanong niya agad saken
"Uhm... Well its good. Nakakapagod nga lang." sagot ko
"Ganyan talaga yan lalo nat kakasimula mo pa lang."
"Uhm.. Can i talk to for you awhile?" dagdag pa niya
Tumango-tango ako bago sumagot
"Sure."
Nagpunta kami sa sala.
Umupo kami sa sofa bago siya nagsalita.
"Kailan ang kasal?"
Napakurap kurap ako.
"P-p-po?"
"Ivan kailangan mo nang mag-asawa. Matanda na ako. Gusto ko makitang magka anak kayo bago ako mawala sa mundong to."
Napakunot naman ang noo ko
"Bago mawala? Bakit Dy? May sakit ka po ba?"
"Wala naman Ivan. Pero di natin alam."
"At kung mag aasawa ka, dapat yung gusto ko, yung simple, mayaman o hindi basta mabait." Dagdag niya pa
Hayyyy.... Mukhang kilala ko na kung sino ang gusto neto! May goodness!
"Si Miya. She's your girlfriend right?"
==__==
ilang beses ko nang sinabi to pero
Hayyyy....
Sabi ko na nga ba!
"Fiance" Yun ang lumabas sa bibig ko nang di ko namalayan. WHY DID I SAY THAT?!
Nakita kong napakurap kurap si Daddy.
"Fiance?" Tanong niya
Tumango tango na lang ako. Mahirap umasa! Lam niyo yun?
"Well that's good news!" Masaya niyang sabi habang ako parang gusto nang magpakain sa lupa!
Ngumiti ako ng PILIT!
"You should invite her here for dinner tomorrow!"
"Uhm... Ok Dad i will..."
"Uhh... I need to sleep. Im tired." Dagdag ko pa
"Ok. Dont forget it ha?"
"Ok." tipid na sagot ko
Pumunta na ako sa kwarto.
Lam niyo. Di talaga ako makakatulog! Pano ko ba sasabihin to! Ni hindi nga kami magkaibigan! Fiance pa kaya!
Im sure galit pa rin yun saken!
Di pa rin ako makakatulog sa kakaisip hanggang sa napagdesisyunan kong puntahan yung lugar kung saan ko siya unang nakita.
Sa daan. katapat ng 'Molino's Flower Shop' . Tatanungin ko yung amo niya.
Bago lumabas ng kwarto ay kinuha ko muna yung jacket ko.
-------------
Nang pumasok ako sa Flower Shop ay nagulat ako bigla.
"Hi sir! What can i do for you?" Tanong nung ale na sumigaw saken nung time na muntik ko nang masagasaan si Miya. Yep. Yung amo niya
"Uhh... Hinahanap ko si Miya."
Nagulat yung amo niya.
"T-teka... Ikaw yung?! Hoy! Anong gagawin mo sa kanya? Dadaan ka muna saken!" Galit na sabi niya saken
"Uhm... Wala po akong masamang gagawin sakanya. Gusto ko lang po makipag-usap sa kanya."
Tinaasan niya ko ng isang kilay
"Wala siya. Naghanap na sya ng mas magandang trabaho."
"Uhh... Alam niyo po ba kung san siya nakatira? Importante ho kasi!"
--------------------Hayyy... Mukhang mabait naman tong batang to! Sige na nga!----------------------- Yan ang nasa isip ni Lorna
[A/N: Di naman sa nakakabasa ng isip si Ivan... Mahirap kasing maglagay pa ng POV tapos yan lang yung nasa isip niya...]
Ibinigay na saken ng Ale ang address kung san siya nakatira...
Miya's POV
Hayyy... Nakakapagod! Kagagaling ko lang mag-apply ng trabaho pero laging waley!
Nang maka-uwi ako agad akong humiga sa sofa at tinakpan ang mukha ng unan.
"Oh anak. Nandyan ka na pala! Kamusta ang pag-aapply mo?"
"Waley!" sagot ko
"Oh Ate! Uhm Sige na po! Alis na po ako!" Pagpapaalam ni Marlon
Kakalabas niya lang ng kwarto.
Niyakap niya kami ni mama bago lumabas.
Ilang segundo pa ang lumipas ay pumasok ulit si Marlon.
"Oh anak? Bat bumalik ka?"
"Uhh... Ate may bisita ka po."
Huh? Si who?
"San?"
"Nandun sa labas"
"Bat di mo pinapasok?"
"Baka kasi di mo papasukin."
"At bakit naman hindi ko papasukin?"
"Ehh ewan ko ba!"
Napa smirk naman ako.
"Papasukin mo! Lahat naman ng bisita ko pinapasok ko naman!"
"Di kasi pamilyar saken ehh! Kaya di ko muna pinapasok!"
"Sabi mo di mo pinapasok kasi baka ayaw kong papasukin?!"
"Kaya nga di ko pinapasok di ba? Kasi di pamilyar saken kaya baka di mo papasukin!"
"Hayy naku! Tama na nga yang lambingan niyo magkapatid! Marlon! Papasukin mo na!" pagputol ni mama
And yep! Ganyan kami maglambingan ni Marlon.
Lumabas ulit si Marlon.
Pagpasok niya ay kasama niya na ang sabi niyang bisita ko.
"Sige ma! Ate! Alis na ako!"
At tuluyan nang umalis.
O.O
"Bat ka nandito?!"
Napatayo pa ako.
"Uhh... Can i talk to you for awhile?"
"At bakit?!" Nakapameywang kong sabi
"I just have something to tell you"
"We're already talking." Sarcastic kong sabi
Haha! English yun besh! Nose bleed! Nose bleed! Nahawa lang si ako!
"You're mad at me again. Look, I already said sorry! And you accepted my apology! And i wanna talk to you in private." he said in a serious voice
"Ehh pano kung public ang gusto ko?" Sarcastic ko ulit na sabi
Napabuntong hininga siya.
"Just—"
Di niya natapos ang sasabihin niya nang lalabas si Mama.
"Nak mamalengke lang ako ahh? Nakalimutan ko kasing mamalengke kanina ehh! Ikaw nang bahala dito sa bahay ha?"
==__==
Nananadya ata to si mama ehh!
"Oho ma" sagot ko nalang
At tuluyan nang umalis.
"Oh ayan private na!"
Umupo siya bago nagsalita
"Look, I don't know how to tell you this—"
"Sinong may sabi sayo na umupo ka diyan?"
"Your mom told me to sit down"
Napa-irap nalang ako.
"Ipagpatuloy mo sinasabi mo."
"Uhh... I need you for my wedding."
"Ehh? Ano tingin mo saken?! Wedding Planner?"
"Not as a wedding planner"
"Ehh ano? Ninang? Flower girl? Maid of Ho—"
"Bride."
"B-bride?!"
"Don't say no. please! Dont worry! I'll pay you!"
"You'll pay me?"
"Yes."
"Magkano?"
"Kung magkano gusto mo. Every month, every week, kahit ano. Just please!" pagmamakaawa nya pero wala man ka emo-emosyon.
"Bat ako?"
"You're the one that dad wants for me."
"You're dad? S-si— Tito? So alam niyang pek—"
"No."
"Pero bakit sabi mo—"
"He thought that you're my girlfriend because of what happened last week dun sa event. Nadulas ang dila ko kaya nasabi kong fiance kita." Napangiwi pa 'ko nang marinig yun
Kasalanan mo pala ehh! GRRR!
"Bakit mo naman nasabi yun?"
"Dad and i talked about me having a wife. He wants me to be married since he's old now. He asked me about you. I don't want him to be upset siguro kaya ako nadulas ang dila ko."
Hayyy... Naintindihan kita. Siguro kung ako yung nasa sitwasyon mo ay magagawa ko din yun. Kawawa din naman.
"Really?"
Shaks! Nasabi ko pala! Grrrr!
Tumango tango lang ako...
"So..."
"Yes."
Nadulas din dila ko! Shukinang—
"Thank you! Ok. Susunduin kita dito bukas ng gabi. Dad invited you to have dinner with us tomorow night."
"hep hep! Wala man lang kontrata? Baka di ka pa magbayad ah?"
"Kahit ngayon pa agad ay bayaran na kita para maniwala ka."
"Hays oo na!" Tumango tango nalang ako.
"Sige! Alis na ako! Bukas ahh?"
Tumango tango ako ulit.
Wala na talaga akong masabi sa nangyayari.
Matapos ang pag uusap namin ay umalis na siya.
Di na ako napapagod mga besh! Is this true?! Baka nanaginip lang ako ah?
Napabuntong hininga ako bago humiga ulit sa sofa at tinakpan ulit ng unan ang mukha ko.