Jhon Sr. POV
So all of that was just—
I cant believe it!
B-but...
I can see that they loved each other especially Ivan.
I need to find way. I need to talk to them.
Ivan's POV
Today's her operation. Me and Jan are here outside the operating room.
Hoping that she'll be okay.
"What happened?" Nag-aalalang tanong ng kakarating kong lolo
"Nothing." Sagot ni Jan
"Eh bat kayo nandito? Asan si Miya?"
"Nandun sa operating room."
"Ha? Eh bat siya nandun?"
"Kasi ooperahan siya! Alang namang itetrain siyang mag operate noh?"
Kahit kailan talaga tong si Jan!
"Ahh yun la— WHAT?!" di makapaniwalang tanong ni dad.
"Dad pwede ba wag kang sumigaw? Ang dami nang nakatingin satin oh!" Sabi pa ni Jan sabay turo sa mga tao sa paligid.
Napatingin naman si Dad doon at nagpeace sign. Tiningnan niya ulit kami ng may halong pagtataka.
"May sakit sa puso si Ate May dad. Kaya itong si kuya nagpahanap ng donor. Love nga naman." Nakangiting sabi ni Jan.
"Ewan ko sayo." Walang emosyon kong sabi.
"Bat parang ang kalma mo lang nak?"
"'Cause i know she'll be okay. I know she's a strong person." Kalma kong sabi.
"Sabi sayo ehh! Lab lab lab!" parinig ni Jan
Binatukan ko siya at tumingin siya saken.
"ARAY! Bakit?"
"Tumahimik ka!"
"Ehh bakit ba? Sinabi ko lang naman na lab lab lab!"
Binatukan ko siya ulit.
"Sabing tumahimik ka eh! Lab! Lab mo yang mukha mo! Ingungudngod ko yang mukha mo sa LABabo ehh!"
"OA neto! Sabi ko Lab! LABORATORY!"
"PALUSOT!"
Namiss ko rin na ganto kami palagi ni Jan.
"Ok po. Thank you po doc." Sabay kaming napatingin ni Jan kay dad.
Kausap niya na pala ang doctor. So ibig sabihin tapos na.
Nang umalis na yung doctor ay lumapit si dad samen at binatukan kami isa-isa.
"Mga isip bata talaga kayo kahit kailan! Hayy!"
"Sorry po." Paghingi ng tawad ni Jan.
Pero ako imbes na mag sorry ay tinanong ko siya kung ano yung sabi ng doctor.
"Ok na daw siya. Ililipat daw muna siya sa room 234."
Napabuntong hininga ako matapos marinig yun.
Thank God her operation did well!
"Bili muna tayo ng pagkain para paggising ni Ate May papakainin natin siya agad! I bet she'll be hungry."
Me and dad agreed so lumabas na muna kami para bumili ng pagkain.
~ff~
Pagbalik namin ay tulog pa siya.
Si dad at Jan nanood ng NBA sa may tabi at ako naman ay umupo sa upuan katabi ng higaan na hinihigaan ni Miya. I was holding her hand and staring at her face.
Napalingon ako nang sumisigaw sigaw yung dalawa. Ang iingay nila!
"Go Cavs!" Jan
"Warriors for the win!" Dad
Psh. Makapagsabi ng isip bata tong si dad siya din pala!
Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Miya kaya napatingin agad ako sakanya. Maya maya lang ay dumilat na ang mga mata niya.
"Miya." Sa mahinang boses kong sabi
Nilingon ko kaagad yung dalawa.
"Jan! Dad! Could you please lower your voices! Yan tuloy nagisin—"
"Okay lang." Nakangiting sabi ni Miya.
Bumuntong hininga na lamang ako at tumango.
"How are you?"
"Ok naman." Nakangiti niya paring sabi.
THAT SMILE...
"Ngumingiti kananaman ng walang dahilan eh.."
Wait... Im smiling? Again?
Napakurap-kurap ako nang marinig yun.
"Ahh k-kasi—"
"Miya?!?!?!" Sabay na sigaw nung dalawa.
Tumakbo sila papalapit kay Miya at niyakap siya ng mahigpit.
"Good thing your okay baby girl."
"Oo nga te May!"
Hayy. Tong dalawang to. Nang bumitaw sila ay agad ko silang binatukan.
"ARAY!" Sabay na sigaw nung dalawa.
"Ang higpit niyong makayakap! Buti walang masakit sa kanya! At saka kanina sabi mo saken dad na isip bata ako, ikaw din naman pala!"
Since nasa kabila sila ng higaan ay nakikita ko si Miya.
Natatawa siya...
"Okay sorry na!" Sigaw ni Dad.
"Si kuya talaga! Basta pagdating kay Te May ang seryoso! Kanina lang ang ingay ingay mo ahh!" Panunukso ni Jan saken.
Baliw ba to? Di ako nag-iingay kanina ahh!
"Tumahimik k—"
"Hon tama na." Natatawa pa rin niyang sabi.
"Grabe ka naman kung makasermon. Parang ikaw yung ama! Haha." Natawa na talaga siya.
Napailing-iling na lamang ako.
"Hayy nako... Nga pala. Di ka pa ba nagugutom Hon? May dala kaming pagkain. Bili namin dun sa karenderya malapit dito." tanong ko ke Miya.
"Binilhan ka narin namin ng prutas! Para healthy!" Sigaw naman ni Jan.
Napailing ulit ako at tumingin ulit kay Miya.
"Ok sige. Thank you." Kalma at nakangiti niyang sabi.
Kinuha ko kaagad yung pagkain at nilagay muna sa side table kasi pauupuin ko muna siya pagkatapos ay pinapakain ko na siya.
"Wag na ako na."
"Hindi. Ako na. Oh ito na."
Wala siyang nagawa at kumain nalang.
Ayaw niya kasing magpasubo kasi kaya naman daw niya. Kesyo yung puso nya naman daw inoperahan at hindi yung kamay. Pero di naman ako pumayag.
Pagkatapos ay binigyan ko siya ng saging at pina inom ng tubig pagkatapos ay pinahiga ulit.
"Sige na. Tulog ka nalang muna ulit."
"Ok. Thank you." Nakangiti niyang sabi.
"Hm. Sige na." Nakangiti ko ring sabi.
Nang tumango siya ay hinalikan ko siya sa noo.
Pagkatapos nun ay...
"Whhooooo! Ang ganda ng live show!" Sigaw ni Jan.
Napalingon naman kami ni Miya dun at natawa naman siya.
Nakatingin silang dalawa samen imbes na sa TV. Psh.
"Sige na. Tulog ka na. Pabayaan mo nalang yung dalawa." Sabi ko nalang ulit kay Miya.
Tumango siya ulit at pumikit. She prayed before she slept. What a great lady.
Niligpit at tinapon ko na yung balat ng saging at paper plate. At umupo nalang ulit sa upuan na tabi ng higaan ni Miya.
"Sige kuya uwi muna kami ni dad."
"Nga nak. Babalik nalang ako dito bukas. Dadalhan ka nalang namin ng damit dito."
"Sige." Matipid kong sabi. Inaantok kasi ako kaya nakatulog ako sa higaan na hinihigaan Miya habang nakaupo. Umalis na sila matapos marinig yung sagot ko.