That Stupid Girl (end)

3172 Words
"THIS WAY sir..." sabi ko sa giniya ko siya sa magiging table niya. "Thank you," sabi noong lalaki nang makaupo na siya doon sa asign table niya. "You're welcome." Nakangiting saad ko at umalis na roon. Nagmamadaling nagpunta ako sa lugar namin at nanghihinang napahawak sa lamesa. "Success! Tapos na ako!" Sabi ko doon. Tumingin saakin ang mga kasama  ko at sinamaan ako ng tingin. Nginisihan ko lang sila. Tulad ko, ganoon din ang trabaho nila. "Nakakabwisit ka An," sabi noong isa at umakis rin ng makita niya yung i-escortan niya. Tumawa lang ako at tumingin sa party. Vintage ang theme ng party. And I love it! Pang instgramable! Luminga-linga ako. May hinahanap ako! Kaso kanina pa ako lingon nang lingon, hindi ko siya makita. Busy siguro siya. Nakagat ko ang labi ko. Bakit ko ba siya hinahanap!? Kinuha ko na lang yung phone ko at nagselfie doon sa mga design ng party. Minsan nakikiusap pa ako sa mga dumadaan para picturan ako. Busy ako sa pag pili ng magandang picture na ipost sa i********: ko nang may magsalita sa harapan. "Good evening everyone!" Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa may stage. Muntik ko nang mabitawan ang phone ko at nakangangang tumingin sa harapan. Ang gwapo! Yung lalaking hinahanap ko... Naka suit siya ... at ang gwapo-gwapo niya ngayong gabi. "Enjoy ba kayo?" Nakangiting tanong niya sa mga bisita. Tingin ko siya ang MC ngayon. Napatikom ang bibig ko nang madako ang tingin sa may banda ko. Tumitig siya sa akin ng ilang segundo kaya  napayuko ako. May sinabi siya sa mga guest pero hindi ko marinig at maintindiham dahil sa malakas na t***k ng puso ko. Nakakabingi. "....Please help me welcome, our host for tonight ms Bernadette!" Kunit noong tumingin agad ako. Lumabas si Bernadette gaking sa gilid ng stage suot ang isang napakagandang gown. Napanganga ako dahil sa sobrang ganda niya. May nanalo na bes! Ang ganda bes! Parang binagsakan ako ng  1 milliong sako ng semento dahil sa nakita ko. Inalalayan lang naman ni Dallas ang Berna na yun. Tapos nagkangitian pa sila na para bang sila lang ang tao sa ulagar na yun! Psh! Gawin kaya nila ang trabaho nila! Inis na kinuha ko ang phone ko at pinost yung picture na kinuhaan ko sa party. Nilagyan ko pa ng captio "Heart Broken pero pretty pa rin! " Tumingin ulit ako sa stage. Naitaas ko ang kilay ko nang makita ko si Dallas na nakatingin sa akin. Tingin-tingin ng gago?!Inirapan ko lang siya at kinuha ang phone ko at nag selfie ulit! Pagkatapos noon ay nag Mobile Legend ako! At nang hindi ko na makaya dahil nagpapatwetums yung MC sa stage, galit na umalis ako sa lugar na yun! Pumunta ako sa CR. Pumasok ako sa isang cubicle. At doon naglaro ng ML. Bahala sila sa buhay nila! Basta mag ran-rank ako ngayon! ---- "Ihahatid na kita." Napatingin ako sa gilid ko nang may nagsalita noon. Nagulat pa ako na si Dallas ang nakita ko. Luminga-linga ako kong may kasama ba ako rito kasi baka assuming lang ako at hindi ako yung kausap niya pero nang marealize kong dalawa lang kami sa may kanto ng school... ako talaga ang kinakausap niya. "Salamat pero, wag na. Sasakay na lang ako ng jeep" Mahinahong sagot ko. Kanina ang saya-saya ko dahil tumaas ang rank ko tapos nandito na  naman siya, umiinit tuloy ulo ko sa hindi ko malamang Katatapos lang ng party. Umuwi agad ako, hindi na ako nakipag pa picture sa mga  nandoon. Kapagod magplastikan eh! "Nang nakaganyan?" Tanong ni Dallas sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Nakadress kasi ako-yung suot ko kanina na black na 2 inches above the knee pero nakatsinelas ako.  "Ihahatid na nga kita." Dugtong niya. Concern ba siya? Bakit ba siya nag-aalala? Kapag may nanggago naman sa akin, ihahampas ko lang sa mukha nila ang dala kong 5 inches na sapatos eh! "Hwag na nga." ulit ko. Hindi ako mahina tulad ng inaasahan mo, sraulo ka. "Ihahatid kita." May pagkainis na rin ang boses niya. Aish! Bakit siya naiinis?! "Sabing 'wag na!" Inis na sabi ko. Tumaas na rin ang boses ko dahil sa sobrang inis. Nakakabwisit eh! Paulit-ulit na lang! "Wow ha! Ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na magalit!" Inis na sabi niya. Naguluhan ako sa sinabi niya pero nang marealize ko ang punto niya, gusto kong ihampas sa mukha niya ang dala kong sapatos. "Thank you sa concern mo. At kung tingin mo, I'm ungrateful b***h dahil tinanggihan ko ang pagkukusang loob mong ihatid ako, pwes, bahala ka jan! Basta ayokong magpahatid sa yo sa bahay namin!" Inis na sabi ko at inirapan siya! Naglakad ako palayo sa kanya! Walang lingon-lingon akong tumingin sa kanya. Dapat matuwa ako dahil nakalayo ako pero parang tinatarak ng kutsilyo ang puso ko. Hindi man lang ako pinigilan ni Dallas! ---- "Annnnaaaaaaaaaa!" Halos mabingi ako sa malakas na sigaw niya. "Kung makasigaw, Alissa ha!" Inis na sabi ko sa kanya nang makaupo siya sa tapat na upuan ko. "Ano ba kasi ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Nagpapahinga kasi ako sa may bench dahil kailangan kong mag focus, mababaliw na kasi ako. Para akong sira! Kapag lumalapit si Dallas sa akin, umiiwas ako. Sinabihan ko na rin ang teacher ko na hindi ko na kailangan ng tutor dahil mag fo-focus na ako sa pag-aaral ko. Nalaman ko na kasi ang totoo mula kay tita Carmen. Wala na ang papa ko. Kaya pala umalis sila ng pamilya niya sa China noon para magpaopera sa sakit niya kaso hindi siya natulungan doon. Namatay si papa. Nag-asawa ang asawa ni papa sa China kaya naman hindi na talaga sila bumalik sa Pilipinas. Huminga ako ng malalim. Wala na akong rason para pumageant diba? "Kamusta?" Excited na tanong niya. Huh? Bakit excited ang isang to? Ito kasi ang mukha niya kapag nag ku-kuwento sa mga ganap ng paborito niyang K-pop group! Atsaka anong kinakamusta niya? Ah! Baka yung nangyari sa homecoming? Pero anong nakaka-excite doon!? Wala! Walang ka-excite-excite! "Kapagod." Bored na sagot ko. "Kailangan kong makipagplastikan sa mga taong hindi ko kilala." Sabi dugtong ko. "Huh?" Rinig kong saad niya. "Yun lang ang ishe-share mo?" Inis na tanong niya at hinampas pa ako sa balikat. "Ano ba kasing gusto mong i-share ko?" Inis na tanong ko sa kanya. "Ang sakit noon ah!" Dugtong ko. Sabay haplos ng balikat ko. "Hey..." sabi niya at tinitigan ako na para bang alien ako. "Wala bang magandang nangyari sa yo sa Homecoming?" "Wala!" Mabilis na sagot ko at ngumiwi pa ako. "Wala talaga?" Paninigurado niya. Tsk. Inisip ko ang mga nangyari sa homecoming. From the start, middle, end. Wala. Na-badtrip nga ako dahil sa pesteng MC na yun eh! Pero... Wait a minute! meron pala! Meron palang nangyari sa akin na maganda sa homecoming! "Ah meron!" Masayang sabi ko. Bumalik ang pagkaexcited ni Alissa. "Ano?!" Masayang tanong niya. "Nag rank ako sa ML!" Masayang balita ko. Hindi maipinta ang mukha ni Alissa dahil sa sinagot ko at parang nabingi ako sa lakas ng sigaw ni Alissa. "AHHHHH!!!" sigaw niya sabay tayo at hinampas ang mesa! "Bakit kinaibigan ko ang isang tulad mo!!!!" Sigaw niya at tumakbong umalis. Eh? Naiwan akong naguguluhan kay Alissa. Tsk. Babalik na sana ako sa pag-iisip kung ano ang mga dapat gawin ko ngayong sem nang makita ko si Dallas na para bang may hinahanap. Nang magkasalubong ang tingin namin, nakita ko ang pagkarelax niya na para bang nakita niya ang hinahanap niya. Napalunok ako at kinabahan. Naglakad siya palapit sa akin kaya mabilis na kinuha ko ang bag ko at tumakbo! "Anna!" Tawag niya sa akin. "Tinawag niya ulit ako ng maraming beses. Hindi ko siya pinakinggan. Tumakbo ako ng mabilis! Sobrang bilis! Ayokong maabutan niya ako. Hindi ko alam kong bakit ako gumaganito?! Hindi ko alam! Basta kailangan kong lumayo sa kanya! Nakalabas ako sa campus sa pagtakbo. May nakita akong tricycle, pinara ko yun at sumakay sa tricycle. "Kuya magbabayad ako ng malaki, basta ilayo mo lang ako sa lugar na to!" Sigaw ko sa driver! Naguguluhan ang driver sa akin at mang makita ko si Dallas sa may gate, hinampas ko si kuya driver! "Kuya! Babayaran kita ng isang libo! Patakbuhin mo na tong tricycle mooooo!" Sigaw ko. Kahit na naguguluhan si kuya, pinatakbo niya ang tricycle niya. In the name of isang libo! ----- "Ang daming stars." Wala sa sariling wika ko habang nakatingin sa kalangitan. Gusto kong gayahin yung mga napapanood ko sa movie na kung saan itataas nila yung hintuturo nila para guhutin yung cassiopeia, at kung ano-ano pang form ng star. Hindi ko naman alam ang mga star na yun. Hindi ko nga alam kong may cassiopeia ba na star. Narinig ko lang naman yun sa teacher ko sa science at hindi ko alam kung ano yun. Naalala ko ang ginawa ko kay Dallas. Alam kong hindi maganda yun. Kaso... Napahawak ako sa puso ko. Ang hirap aminin. Noon hanggang ngayon, ang hirap aminin. Noon, hindi ko maamin na gusto ko siya dahil iba siya. Matalino siya ako bobo. Nang maging sikat ako sa school dahil sa  mga pageant at modelling sa school, hindi pa rin ako nagkaroon ng lakas ng loob na aminin sa sarili ko dahil sikat ako sa paggandahan, siya sikat siya dahil sa katalinuhan niya at sobrang galing niyang estudyante kaya binaon ko na lang ang nararamdaman ko sa kanya. Nagkaroon ako ng lakas ng loob at bumangon ulit ang nararamdaman ko kay Dallas pero nang makita ko si Bernadette, gusto kong sakalin ang sarili ko, bakit ko hinalukay ang nararamdaman ko sa kanya noon! Kaya ngayon, nganga ako! Ang sakit! Huminga ako nang malalim. Nasa bintana ako ng bahay namin habang nakatingala sa kalangitan. Ako lang dito sa bahay ngayon. Si tita kasi may raket. Inimbitahan siya ng kaibigan niyang may-ari ng catering services. Inimbitahan ko si Alissa na dito muna matulog sa amin pero ang gaga, tumanggi. Meron daw concert yung k-pop group na idolo niya at gusto niyang panoorin sa TV. Hindi pa naman cable ang TV namin kaya daw kapag dito siya matutulog, hindi niya mapapanood yun. GMA, ABS-CBN  at TV5 ang channel namin bes. Hay.... Hindi ako inaantok. Tumayo ako sa pagkakaupo sa may railing ng terasa ng kwarto ko at pumasok sa kwarto ko. Bababa ako sa kusina para uminom ng gatas para makatulog ako pero-tinatamad ako! Kaya imbes bumaba sa kusina, padapang bumagsak ako sa kama. Gusto kong makatulog pero hindi ako inaantok. Pero tinatamad akong bumaba para uminom ng gatas! My God! Tumunog ang phone kong nasa may bedside table. Kinuha ko yun at napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang text ni Alissa. "Pupunta ako sa bahay niyo pero pagkatapos na ng streaming ng album launch ng BTS ko! Love you!" Tsk. Album launch pala, hindi concert! Inis na pumikit na lang ako. Alam naman ni Alissa kung saan namin tinatago ang susi sa bahay kaya pwede siyang pumasok sa bahay anytime. Nilalagay kasi namin yung susi sa malaking paso. Habang nakapikit ako, hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. ---- Nagising ako nang may narinig na kaluskos sa labas ng kwarto ko. Napatingin ako sa may bedside table. 20 minutes pa la akong nakatulog. Umupo ako sa kama ko. "Alissa..." mahinang sambit ko sa pangalan niya habang kinukusot ang mga mata ko. Tiyak akong si Alissa yan. Tiyak akong hindi pa siya pumapasok sa kwarto ko dahil nakikinig pa yan noong music ng idol niya. Hihiga na sana ulit ako nang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Aish! Kung mangyayari pala to, hindi ko na sana siya pinapunta sa bahay namin! Inis na bumangon ako sa kama ko at pinuntahan si Alissa! "Alissa!" Inis na sambit ko nang mabuksan ko ang pinto. "Sana hindi ka na lang-Dallas!!!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang lumapit sa akin at yinakap niya ako ng sobrang higpit. Yung yakap na parang tatay ko siya at ilang taon kami hindi nagkita dahil nagtatrabaho siya sa ibang bansa! Pero iba ang yakap niya. Hindi pang tatay, kamag-anak o di kaya naman kaibigan. Lihim na kinurot ko ang sarili ko kung nanaginip lang ba ako pero ang sakit ng kurot ko kaya totoo! Totoo ang nangyayari ngayon!; "Finally!" Masayang sabi ni Dallas! "A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang tanong ko. "Trapping you." Sagot niya at hinalikan pa ang ulo ko. Nanlaki ang mga  mata ko. Kinakabahan ako at kinikilig at the same time! "Hindi kasi kita mahuli-huli." Sabi niya at nilayo ako sa kanya ng kaunti. Hawak niya ang balikat ko at mayaman na tinitigan. Na co-conscious ako kaya nag-iwas ako ng tingin. "Ahm..." Hindi ko ang dapat kong sabihin at gawin. Nakagat ko na lang ang labi ko. Para akong kinuryente ng sinapo ng kamay niya ang magkabilang pisngi ko. "Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong niya. "Wag mong sabihin hindi," may pagbabanta sa boses niya. "It's obvious, Anna. Kapag nagtatangkang lumapit ako sa yo, umiiwas ka, worst-tumatbo ka tulad  ng ginawa mo noong nakaraan. Hinabol kita at tinawag ko ang pangalan mo pero tumakbo ka lang." Mariin na sabi niya. Naguilty naman ako sa sinabi niya. "Tapos ngayon, ayaw mo na akong maging tutor?" May bahid ng lungkot at galit ang boses niya.  "Bakit Anna?" Puno ng sakit na tanong niya. "Kasi..." hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo. Kaya nga mag bi-break kami! "Kasi..." gusto niya talagang tapusin ko ang gusto kong sabihin "Ayoko lang! Ayoko lang talagang maging tutor ka at yung tumakbo ako, may pupuntahan lang talaga ako!" Pinatigas ko ang boses ko. Gusto oong palakpakan ang sarili ko dahil naisip ko pa yun. "Atsaka bakit ka nasa kwarto ko?!" inis na tanong ko at pilit na kumukawala sa  hawak niya. "Tresspassing ka ah! Bitawan mo ako!" Sigaw ko ng ayaw niya akong bitawan. Nasaan si Alissa. "Gaya ng sabi ko kanina, nandito ako para hulihin ka." Sabi niya at ayaw niya talaga akong pakawalan. "Stop squirming, Anna, kapag hindi ka tumigil, bubuntisin kita!" Napatigil ako sa ginagawa ko at manghang tumingin sa kanya. "What?" Tanong ko. Ngumiti siya. "Ayan, tumigil ka rin." Sabi niya. Kumuko ang dugo ko to the highest level sa sinabi niya. Sinabi lang niya ba yun para tumigil ako?! Baliw ka Anna! Mas lalong nadagdagan ang galit ko dahil sa mga pinag-iisip ko! "Though, pakakasalan naman kita agad kung mangyayari yun." Hindi na ako nagpadala sa sinabi niya ulit. Though may iba akong naramdaman noong sinabi niya pero winaksi ko yun! Pinagtitripan ka lang ng lalaking to, Anna! "Pwede ba Dallas, hindi magandang biro yan!" Sabi ko. "Sa tingin mo nagbibiro ako?!" Malakas ang boses na sabi niya. Natigilan ako sa ginagawa ko ulit. "D-Dallas." Sabi ko sa kinakabahang boses. Ito yung unang beses na nakita ko siyang ganito. Yung parang helpless at hopeless. Napatitig ako sa mukha niya. Nagkatitigan kami. Para akong nawala sa mundo ngayon dahil nakikita ko ang sarili ko sa mga mata niya. Parang ako yung mundo niya sa mga matang niya. "Frustrated, dissapointed, galit at inis na inis ako sa iyo." Puno ng hinanakit na saad niya. "Ano bang dapat kong gawin, Anna para makita mo ang nararamdaman ko?" Tanong niya. Umawang ang labi ko, pero walang salita ang lumabas. Wala rin naman akong sasabihin. Tinikom ko na lang yun! "First year ka, 3rd year ako. Secretary pa lang ako sa student council noon pero kasama ako sa mga nag-aasist sa mga mag e-entrance exam, yun yung unang nagkita tayo. Ang ganda-ganda mo kaya nag ka crush ako sa yo noon." Huh? Napalunok ako sa sinabi niya. Crush niya ako? Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at bumilis ang t***k ng puso ko. "Simula noon, kapag nagkakaroon ako ng pagkakataon, tinitingnan kita mapa social network mo o dito sa school. Kaya nalaman ko na hindi ka lang pala maganda kundi mabait ka rin palang tao." Sabi niya. "Kaya... Kaya mas nagustuhan kita." Oh my! Nataranta ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Ginawa ko lahat. Nag offer ako na maging tutor mo... para mapalapit sa yo kasi hindi na ako kuntento sa patingin-tingin sa yo. Gusto kong makausap ka ng personal, makasama ka... at ..." sabi at biglang lumawag ang pagkakahawak niya. "Handa na akong magtapat sa yo noon sa Homecoming pero wala ka. Hindi kita mahagilap." Napayuko siya. Parang naghihina siya. "Galit na galit ako sa yo kasi plinano ko yun ng mabuti. Ginamit ko ang event na yun para magtapat sa yo kaso wala ka... At nang magkita tayo, galit ka pa sa akin." Narinig ko siyang tumawa ng mapakla. "Nakakabwisit lang. Ako yung nasaktan mo, ikaw pa ang galit." "Tapos ngayon, iniiwasan mo ako? Anna- "Iniiwasan kita dahil natatakot ako!" Putol ko sa sasabihin niya. Hindi ko na nakayanan. "Natatakot?" Tanong niya sa akin. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. "Natatakot sa nararamdaman ko para sa yo." Mahinang sabi ko. Nailagay ko ang dalawang kamay kong nakasiklop sa dibdib ko. "Gustong-gusto rin kita." Sabi  ko. Narinig ko siyang suminghap. "I like you so much.To the point nakakasakit na. Kasi at maaalala kong sino ka-si Mr. Perfect guy ng campus at nang makita ko si Bernang yun, lagi kong sinasabi na tumigil na ako sa pag i-ilusyon sa yo kasi hindi tayo bagay. Mas bagay kayo ni Berna- "Bullshit!" Rinig kong sabi niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila at hinalikan sa labi. Nilayo niya ang labi namin ng kaunti. "Wag mong isipin yun. Mahal kita, Anna." Madamdaming sabi niya. Gusto kong mapaiyak sa sinabi niya. "Mahal na mahal." Madamdaming dugtong niya. Hindi ko na kaya. "I love you too." Sagot ko. Hinalikan ulit ako ni Dallas. Kung may thermometer lang ako ngayon siguro basag na ang mercury na yun dahil sa nararamdaman ko ngayon. Dahil sa halik ni Dallas. Napapikit ako at ninamnam ang halik niya. Nilayo niya ang labi namin pagkatapos ng ilang segundo. "So kaya iniiwasan mo ako ay dahil nagseselos ka kay Bernadette?" May ngiti sa labi niyang tanong. Tumango lang ako at mas lalong pumula ang pisngi ko sa sobrang pagkapahiya. Tumawa lang siya at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Silly. Hindi ko siya gusto. Ikaw lang ang gusto ko at mahal ko." Sabi niya at yinakap ako ng mahigpit. Napangiti ako dahil sa sobrang kilig dahil sa sinabi niya. Sinong mag-aakala na mangyayati sa akin ang ganitong bagay? "Anna, baba na tayo sa sala niyo baka matukso akong gawin ang mga  nasa utak ko ngayon." Sabi niya. Namula ako dahil sa sinabi niya. "Baliw!" Sabi ko. Hinampas ko siya ng may maalala ako. "Paano ka pala nakapasok sa bahay namin?" Tanong ko. "Dahil kay Alissa." Sagot niya at bumaba na kami ng kwarto. "Humingi ako ng tulong sa kanya. Simula pa noong Homecoming at willing naman siyang tumulonh." Sabi niya. Biglang nag sink in lahat. Kaya pala. Kaya pala ganoon ang gaga noong bago at pagkatapos ng homecoming. Napangiti ako. Sinong mag-aakala? Kami rin pala ng crush ko ang magkakatuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD