"Nakakamatay!" Nanghihinang saad ko at sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa tabi sa mga sinasagutan kong word problem. "Bakit ba naimbento ang Maaatttthhhh?!" Parang baliw na sabi ko.
"Pwede ba, tumigil ka na sa pagrereklamo at sagutan mo na nga yang pinapasagot ko sa yo." Napanguso ako sa sinabi ng strikto kong tutor at tumingin sa kanya.
"Hindi mo man lang ako bibigyan ng wisdom words, Dallas." Reklamo ko sa kanya.
Tinitigan niya ako.
Kinabahan tuloy ako.
Napapansin ko lately-dalawang linggo na kasi nang mag tutor siya sa akin, kapag tinitigan niya ako, kinakabahan ako. Pagkalipas ng ilang segundo, nakita kong kumunot ng bahagya ang noo niya na para bang nag-iisip siya.
Oh...
Napangiti ako.
Bibigyan niya ako ng wisdom words.
Inabangan ko talaga ang sasabihin niya.
"Kapag hindi ka magseseryoso, goodbye Tourism at hello HRM ka. Balik ka pa ng first year." Saad bi Dallas. Huh? Nakakainissss! Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Nakakainis ka!" Sabi ko at umupo ng maayos at kinuha yung work sheet.
Sinagutan ko yung woork sheet habang busangot na busangot ang mukha ko.
"Ah!" Sigaw ko ng bigla na lang umupo sa tabi ko si Dallas. "H-hoy!" Tarantang sabi ko. "Ba-
"Saan ka ba dito nahihirapan?" Seryosong tanong niya at tumingin doon sa worksheet na iniwan ko. Napatitig ako sa mukha niya. Ano daw? Nakalimutan ko yata lahat ng tinuro niya. Ang nasa utak ko lang ay ang mukha niya at ang lakas ng t***k ng puso ko haabang nakatitig ako sa mukha niya.
"Ito?" Tanong sa akin ni Dallas.
Hindi ko pinansin ang tanong niya dahil nakatitig lang ako sa mukha niya.
Ang gwapo niya.
Ang talino pa.
Kaya naman hindi makapagtataka na nagka crush ako sa mokong 'to.
Ang sarap haplusin ng mukha niya kaya hindi nakakapagtaka, tinaas ko ang kamay ko para sana haplusin ang mukha niya-
Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin siya sa akin bigla. "Anna..." tawag niya.
Kumunot ang noo ko para matago ang pagkapahiya ko at binaba ang kamay niya.
"O-o! 'Yan!" Sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya."Whoo! Ang init!" Sabi ko at kinuha yung isang papel at pinaypay sa sarili ko. Pasimpleng tumingin sa kanya nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya nag iwas ulit ako ng tingin kay Dallas.
"Ang init!" Sigaw ko at binaba ko ang papel na hawak ko at pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko-ang tanga! Napasulyap ako kay Dallas. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya mabilis na napaypay ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Wala na akong pakialam kong mukha akong tanga. Pero mukha naman talaga akong tanga!
Sino bang normal na tao ang itatapon ang papel bilang pamaypay at papalitan ng kamay?
Shunga lang diba?!
Kaya naman, kinuha ko pa ang notebook ko at ginamit na pamaypay yun.
"Hindi naman mainit ah." Sabi ni Dallas. Napatigil ako sa pagpaypay sa sarilinko at dahan-dahan na napatingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin at parang naaaliw sa akin.
Pack!
Parang alam niya ang nangyayari sa akin!
Namula ang mga pisngi ko. Pwede ba kainin na lang ako ng lupa ngayon?!
Nakakahiya!
"Atsaka naiinitan ka ba sa sout mo?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa suot ko. Naka sleeveless na white ako at naka-short na hanggang tuhod.
Hindi ako nag suot ng ganito para akitin siya, wala lang talaga akong ibang damit!
"Pakialam mo! Ako yung naiinitan hindi ikaw!" Inis na sabi ko sa kanya at inirapan siya.
"Hmmm!" Sabi niya at napatingin ako sa kanya. "Naiintindihan ko naman, ang hot ko naman kasi..." may himig na panunukso ang boses niya.
Manghang napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin. Kita niya ang manghang mukha ko, pero ang gago, ngumiti lang sa akin at pinataas-baba ang kilay niya.
Wow!
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tapos yun pa ang makukuha kong expression ng mukha niya.
"Alam mo mahangin ka rin pala!" Sabi ko. "Akala ko pa naman, matino ka kasi yun ang palagi mong pinapakita sa harap ng mga tao."
Nagulat siya sa sinabi ko.
"Napapansin mo pala ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya pero ang weird lang din. Nahimigan ko ang pagkasaya niya sa pagtanong sa akin noon.
Aish!
Napangiwi na lang ako.
"Paano hindi kita mapapansin, ikaw lagi yata ang pinapatawag ng mga teacher kapag may gusto silang ipaggawa sa mga events na nakatuka sa kanila. Tapos ikaw pa MC lagi. Tapos president ka pa ng student council." Sabi ko.
Napatango-tango siya.
"Nga naman." Sabi niya pero parang may himig ng lungkot ang boses niya. "Trabaho kasi yun ng SSG president." Dugtong niya at nagkibit balikat lang siya.
"Alam ko!" Inis na sang-ayon ko! Baka masabihan pa niya akong bobo.
Tumitig siya sa akin pagkatapos.
"Yeah..." sabi niya habang nakatitig sa akin. Na-conscious tuloy ako.
"B-bakit?" Tanong ko.
Hukinga siya ng malalim.
"Dense ka rin pala..." mahinang saad niya kaya hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Ano?!" Tanong ko para ipaulit sa kanya yung sinabi niya.
"Wala. Sagutin mo na lang 'yang activity 4 hanggang 7." Sabi niya at tumayo sa pagkakaupo sa tabi ko.
"Saan ka?" Tanong ko sa kanya.
"Titingnan ang sched mo kung kailan ang pageant na sasalihan mo para mai-arrange ko ang sched na mag tutp" Sabi niya.
Oh tama. Parang manager ko na din pala siya. Inaarange niya kasi ang scheds ko para maayos yun.
Napangiti ako.
Feeling ko mayroon akong boyfriend, isang gwapo at matalinong lalaki.
Napahagikhik ako sa iniisip ko.
Mangarap na lang tayo ng gising, Anna!
----
"OKAY ka lang?" Tanong sa akin ni Dallas. Sumama kasi siya para tingnan kong totoo ba talaga bang hindi ako nandaraya sa mga contest. Kasi binanatayan talaga ako ng mokong na to kung may pinag-aaralan ba akong question eh wala naman.
"Kinakabahan ako ng kaunti." Honest na sagot ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako.
"Kaya mo yan. Magaling ka naman eh." Sincere na sabi niya.
Nag-angat ako ng tingin kay Dallas. Nakaupo kasi ako sa isnag upuan. Pinaupo niya ako doon para hindi ako mangawit sa katatayo.
"Tsk." Sabi niya na nakasimangot. "Akala ko pa naman may makikita akong maganda rito kaya sumama ako pero wala naman. Ikaw lang yata ang pinakamaganda sa kwartong to." Sabi niya at tumingin sa akin.
Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko ngayon.
Kumunot ang noo niya nang makita ko niyang nakatitig ako.
"May problema ba?" Tanong niya sa akin.
"No." Nakapagat ako ng labi ko at gusto kong umiyak sa harapan niya. Kasi ito yung unang beses na may nagtanong sa akin kung okay lang ako. Alam kong ang OA ko. Pero sa first time kong maka experience na may nag tanong sa akin ng ganoon! Ang lagi kasing sinasabi sa akin ng manager/coach ko ay dapat galingan ko! Lagi ko kasing tandaan na sa pageant lang ako magaling at kung papalpak pa ako dito, saan na ako pupulutin. Kaya naman 101% ang binibigay ko tuwing may contest...
Kaya yung sinasabi nilang enjoyin ang moment kapag naglalakad ka sa stage?
Screw that!
Never ko yung naexperience!
Kaya malaking bagay sa akin ang sinabi ni Dallas.
"Magsisimula na." Sabi ni Dallas nang marinig namin na tinatawag na kami noong tumatayong director. Tumango ako kay Dallas.
Simula ng sumali ako sa nga contest ngayon lang akong nakaramdam na para bang nakalipad ang mga paa ko habang naglalakad. Ang gaan-gaan ng feeling ko. Hindi ako pressured.
Confident na tumayo ako at tumingin kay Dallas.
"Para sa yo ang laban kong 'to, Dallas!" Sabi ko at nag two thumbs up pa ako sa kanya. Ngumiti rin ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.
Nagulat yata siya sa ginawa ko kasi natulala lang siya sa ginawa ko kaya ng tinawag ang number ko-which ia number 2 nagmamadaling pumunta ako doon.
Hindi ko na alam ang nangyari kay Dallas dahil nag focus ako sa contest na sinalihan ko.
Bawat lakad, pose, ngiti ko ay confident ako.
This is my day. Kaya dapat ako ang manalo sa araw na to.
----
"Hmmm..." narinig kong sabi ni Dallas habang nanonood noong video ko. Kinuhaan niya kasi ako ng video habang sumasago-from the start yata ng contest, kinuhaan niya ako ng video.
Alam ko na dapat akong kiligin kasi feeling ko, may boyfriend akong super supportive-FEELING KO LANG.
Napangiwi ako.
Assumera din ako eh!
Atsaka ang gago lang din kasi ng lalaking 'to, siya ang nag video noon, tapos siya rin ang manonood. Akala ko kasi ibibigay niya eh ayaw naman niyang ibigay, remembrance ko daw sa kanya.
"Kung magkakaroon ako ng aklat, abg magiging pamagat noon ay ang Storya ng buhay ko." Napatingin ako kay Dallas nang inuulit niya ang sagot ko kanina.
Adik!
"Dahil gusto kong mainspire ang mga tulad ko, tulad kong sinasabihan ng mga taong maganda lang, walang utak
"Ahhhh!" Sigaw ko at mabilis na kinuha ko ang cellphone niya pero tinaas niya ang kamay niya para hindi ko maabot. "Dallas! Tumigil ka na! Nakakahiya yung sagot ko kanina!" Inis na sigaw ko.
"Na-
"Dalllassssss!" Sigaw ko. Dahil nakakahiya yung sunod na sagot ko. Hindi ko nga alam bakit ako ang nag champion eh ang pangit ng sagot ko! Pinagtitinginan na kami ng tao, alam ko.
"Ang ingay mo!" Sabi ni Dallas at binaba ang cellphone niya at tinago sa bulsa ng pantalon niya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
Naglakad na lamg kami.
May utak ka din naman pala." Muntik na akong madapa sa sinabi niya.
"Ang sakit noon ah!" Sabi ko. Kung hindi lang talaga siya ang may dala ng mga ganit ko, masasapak ko na talaga siya.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Tsk. Bully." Mahinang sabi ko.
"Ready ka na ba sa exam niyo?" Tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kanya at tumango.
"Readying-ready na!" Masayang saad ko. "At dahil yun sa yo! Thank you so muchhh!!!!" At yinakap ko siya ng mahigpit.
Nagulat siya sa ginawa ko. Ako man din ay nagulat siguro dahil sa sobrang saya ko, nagawa ko yun.
Pero mas nagulat ako nang bigla niya rin akong niyakap ng mahipit.
"Walang anuman, Anna. Walang anuman." Sabi niya at naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko-Eh?
Baka nananaginip na naman ako ng gising! Hoy, gisng Anna!!!
---
"Ang highest natin ngayon ay si... Ms. Tan!" Confident na tumayo ako at lumapit sa teacher ko sa Contemporary Math nang i-announce niya ang magandang balita.
Manghang nakatingin sa akin ang mga kaklase ko.
Oh, ano kayo ngayon mga inggitera?!
"Magugunaw na yata talaga ang mundo. Akala ko tsamba lang yung na perfect niya ang Natural Science pero ngayon, siya ang highest sa contemporary Math?!"
Gusto kong malditahan ang nasabi noon pero nang may narinig akong ibang side comment ng mga hampaslupa kong kaklase, binawela ko na lang yun.
"Ang galing naman niya."
"Matalino naman talaga si Anna, tamad lang talaga mag-aral."
"Ang ganda na nga niya, ang talino pa."
Gusto kong kiligin sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko.
And thanks to, Dallas. Dahil sa kanya nararanasan ko ang mga bagay na to! Ang mga papuri ng mga kaklase kong tingin sa akin na ganda lang ang meron ako!
Heh!
Mga pangit!
"Ms. Tan, ang score mo ay 64/70. " nginitian ako ni sir pagkatapos niyang sabihin sa akin yun. Narinig ko ang singhapan ng kaklase ko at pinilit kong hindi mainis ng marinig ko yung kaklase kong nagsabi na 'totoo?' 'di nga'.
"You are improving. Matataas ang score mo sa quiz at activities, tiyak akong hindi ka babagsak sa subject ko." Pahabol ma sabi ni sir.
Parang may mga anghel sa ulo ko at umiikot doon.
Ang saya!
Makapapasa ako!
"Salamat sir." Sabi ko at masayang kinuha ko yung test paper ko sa kanya.
Pagkatalikod ko kay sir, nakangiting bumalik ako sa upuan ko.
Pagkaupo na pagkaupo ko, kinuha ni Alissa ang test paper ko at tinitigan ng maayos yun.
"Wala ka man lang bura..." binilang niya ang tamang sagot ko-letche lang ha! "At totoo nga! 64/70 ka!" Sabi niya at manghang tumingin sa akin. "May himala talaga!" Sabi niya sabay tingala sa langit.
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong mapatawa sa sinabi niya.
Siguro talaga may himala!
-------
"Kain tayo sa canteen, Anna! Libre ko! Ang galing mo sa exam natin eh!" Sigaw ni Alissa nang magdismiss ang teacher namin.
"May pupuntahan lang ako!" Nagmamadaling umalis ako sa classroom. Hindi ko na nga narinig ang sinabi pa ni Alis.
Kanina ko pa gustong pumunta sa Engineering department para puntahan si Dallas. Gusto ko kasing ipakita sa kanya ang mga score ko sa exam.
Gusto kong ipagmalaki sa kanya ang mga score ko. Para ma-proud siya sa akin.
Lakad-takbo ang ginawa ko para mabilis na makapunta sa building nila. Ang alam ko nasa may third floor siya ngayon, sa office ng student council.
Hinihingal na napasandal ako sa may dingding ng 3rd floor.
"Bakit walang elevator sa school mamin?" Mahinang tanong ko.
Inayos ko muna ang paghinga ko bago naglakad papunta sa office nila Dallas. Chineck ko rin muna ang sarili ko sa salamin ko para tingnan ang sarili kung haggard ba ako.
Ngumiti muna ako at naglakad papunta sa office ni Dallas...
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Dallas na lumabas sa opisina nila.
"Da-
Napatigil ako sa pagsigaw nang pangalan niya nang makita kong may babaeng sumunod na lumabas din sa opisina niya.
Maganda ito at... nalugmok ako nang makilala ko kung sino yun.
Si Bernadette. Yung sikat na volleyball player ng engineering department. Sikat siya, mayaman at higit sa lahat matalino.
Bakit magkasama sila?
Mag jowa ba sila?
Nataranta ako ng bigla silang naglakad papunta sa akin.
Oh my God!
Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko.
Dapat bang bumalik ako maglakad na lang ulit palapit sa kanya. Pero na realize ko. Ano naman ngayon?!
Bakit ako aalis?!
Ang layo kaya ng nilakadan ko para makapunta rito sa building nila!
"Dallas!" Sigaw ko sa pangalan niya.
Naputol ang pag-uusap ni Dallas at ni Bernadette dahil tumingin sa banda ko yung dalawa.
Nakangiting kumaway ako sa kanya at lumapit sa kanila.
"Dallas!" Tawag ko at pinakita ko sa kanya ang mga nakarolyo kong mga test paper.
"Ano yan?" Tanong ni Dallas. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sasabihin ko sanang gift ko nang biglang sumingit ang babaeng katabi niya.
"Love letter?" Tanong nito. Hindi ko man gusto, tumingin ako ng masama sa Bernang yun.
Tsismosa!
Atsaka news print ang papel, love letter?!
Shunga!
Bobo lang?! Tulad ko?!
"Berna..." may himig ng pagbabanta ang boses ni Dallas ng sabihin niya yun sa babae. Tsk. Bahala kayo jan Tumingin sa akin si Dallas. "Ahmmm..."
"Test paper ko!" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Dallas at binato ko sa kanya ang test paper ko sa kanya. "Thank you!" Sabi ko. "Yan lang ang pinunta ko dito. Bye!" Sabi ko. Ang totoo niyan ay gusto ko sana siyang iinvite na kumain sa labas bilang pasasalamat. Libre ko! Kaso mabwisit ako sa Bernadette na to. Bakit ba mainit ang dugo niya sa akin?!
Aalis na sana ako nang marinig ko ang boses ni Dallas.
"Teka, wait lang Anna-
"Ang galing mo talaga, Dallas!" Masayang saad noong babae. "Pati yung pinakabobong babae sa campus, napatalino mo!" Sabi ni Bernadette at tumawa pa nagpainis sa akin to the highest level!
Naikuyom ko ang kamay ko at nag isip ng maraming paraan para patayin siya.
Relax lang, Anna.
Hinarap ko sila. Ngumiti ako kay Berna ng napakatamis. "Yeah ang galing talaga ni Dallas. Kaya nga yung babaeng katulad mong mahinhin nagiging malandi kapag katabi siya!" Sabi ko sabay irap sa kanya. "Bye sa inyo! Mga pangit!" Sabi ko at tumakbong umalis sa lugar na yun!
Tsk. Mga pangit talaga ang dalawang yun!
Bahala kayo jan!
---
"Oh bakit ba nakasimangot ka palagi? Meron ka ba?" Tanong sa akin ni Alissa.
Inirapan ko lang siya at hindi sinagot ang tanong niya.
"Meron ka yata ngayon eh." Sabi niya. Bumalik si Alissa sa pag-aaral kaya wala akong nagawa, kinuha ko yung notebook ko at riniview ko ang mga notes ko. Hindi ako busy ngayon week. Wala kasi akong sched na mga contest. Kaso itong si Dallas, siya yung busy.
Hindi niya natuturuan!
Mayroon kasing Alumni Party para sa batch 1996 sa school kaya busy siya. Sila kasi ang napa-utusan mag organize kasama yung president noong batch na yun!
Nakakainis!
Hindi na kami nagkita simula noong 'trahedya' sa building nila. Galit ba siya sa inasal ko? Bahala nga siya!
Busy ako sa pag-aaral nang may lumapit sa amin ni Alissa. Hindi ko naman sana yun papansinin ng tumigil siya sa harap namin at kinausap kami.
"Hi ate Anne." Napakunot ang noo ko.
Ate Anne?
Ako ba ang tinutukoy niya?
Pero bakit Ate Anne?
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.
Oy!
Hindi ko kilala ang taong to!
"Ate? Pft!" Pingilan ni Alissa na mapatawa dahil sa sinabi noong lalaki na nasa harapan namin. Feeling ko freshman pa to. Napatingin ako kay Alissa at tinuturo ako. "Ate?" At tumawa siya ng malakas.
May nakakatawa ba?
Umaandar na naman ang pagkabaliw ni Alissa.
Pinandilatan ko ng mga mata si Alissa at sinikohan. Pinigilan lang niya ang pagtawa pero nakakainis, tumatawa pa rin siya!
Psh!
Sana pasukan ng langaw ang bunganga niya.
"May kailangan po kayo sa akin?" Baling ko doon sa nagtanong sa akin kanina.
"Pinag-utusan po kasi ako ni president..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"President? Duterte?" Tanong ko sa kaharap ko.
Napatawa ng malakas si Alissa sa sinabi ko.
"Ano bang nakakatawa?" Inosenteng tanong ko sa kanya.
Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Pinipigilan niya ring tumawa.
Napakunot ang noo ko.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hay naku, Arnold!" Tumatawang sabi ni Alissa. "Ako na ang bahala sa kanya." Sabi niya.
Naguluhan ako sa sinabi ni Alissa. Atsaka, kilala niya ang batang to?
"P-per-"
"Ako na ang bahala, umalis ka na. Marami pa naman kayong gagawin sa student council." Sabi niya.
Tumango-tango lang yung lalaki. "Sige po." Sabi niya at tumango siya sa amin at "Una na po ako." Paalam niya at umalis na siya sa harapan niya.
Naguguluhan ako sa nangyayari ngayon!
Tumingin ako kay Alissa para sana masagot niya ang mga tanong ko pero mas lalo akong naguluhan nang makita ko ang mukha niya na para bang ang saya-saya niya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang si Alissa at umiling-iling pagkatapos.
"Wala lang." Sabi niya at tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin.
Anong wala lang?
Eh bakit nakangiti siya sa akin?
May pinaplano ba ang isang to sa akin ng hindi maganda?
"Slow ka nga talaga..." sabi niya sa akin.
"What?!" Inis na sabi ko. "Hiyang-hiya naman ako sa yo-
"Blablablabla!" Sabi niya sabay takip ng tenga niya.
"Aish!" Inis na sabi ko at tatayo na sana ako para sana umalis dahil naiinis na ako kay Alissa nang magsalita ang gaga.
"Oh, kailangan mo pa lang bumili ng magandang damit."
Huh?
Bakit niya ako bibilhan ng damit?
Nagpadala ba ang mama niya ng pera? Nagtatrabaho kasi nanau ni Alissa sa Canada as nurse tapos kapag nagpapadala ito ng pera sa kanya, pinabibili siya nito ng regalo para sa akin.
Tumino daw kasi si Alissa nang naging kaibigan ako.
Bulakbol kasi to noong high school kami tapos nang maging magkaklase kami at naging magkaibigan, tumino na daw ang kaibigan kong to.
"Regalo ng mama mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya kaya naguluhan ako.
Kuripot ang isang to kaya noong hindi niya ako binigyan ng regalo noong nagpadala mama niy, sa akin pinadala ng mama niya yung pera niya. Diba ang addict lang?!
"Para sa event ng student council." Sabi niya at tumayo sa pagkakaupo.
Parang mabibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang kalituhan. Bakit naman nasali ang Student Council!
Narinig kong huminga ng malalim si Alissa.
"An, kaya kita bibilhan ng damit ay dahil mayroon kang ganap sa Homecoming na event ng school." Sabi niya. "Pinakausapan ako noong president ng student council na sabihan ka. Ang gagawin mo lang naman daw ay i greet ang mga bisita at escortin yung mga VIP na lalaki sa table nila."
So escort na pala ako?!
Pero teka...
President ng Student Council...
Teka lang... Yung tinutukoy noong lalaki kanina...
"So yung tinutukoy noong lalaki na presidente ay si... Dallas?!"
Tumango siya.
Oh my!
Nakakahiya!
Ang shunga ko naman!
Pero...
"Ayoko." Madiin na sabi ko kay Alissa.
Inis pa rin ako kay Dallas.
Atsaka, hindi man lang niya ako nilapitan para i-explain ang nakita ko-wait lang!
Bakit niya kailangang mag-explain sa akin?
Ano ba kami?
Tutor ko lang naman siya.
Pwede ring sabihin na kaibigan kami pero hanggang lang dun.... Kaya ano ang inaarte ko?!
"Bakit aya-
Mabilis na tumayo ako at sumigaw nang...
"Pupunta akooooooo!!!!!!!"
----