Chapter 1
Chapter 1: Him
Suot ang isang itim na pantalon at hapit na army green na sleeveless blouse ay pumasok siya sa loob ng isang high-end bar na tanging mga mayayaman lang ang may kakayahang makapasok. Doble kasi ang presyo ng mga inumin doon kumpara sa ibang mga bar sa lugar. Palibhasa'y puro branded ang mga ibinebenta.
She looks so out of place dahil sa suot niya, ang mga kababaihan kasi duon ay nakasuot ng makikinang na alahas, hapit at maikling bestida na tinernuhan ng pamatay sa taas na high heels. Ngunit kahit na labas na ang kaluluwa ng mga kababaihan doon ay hindi naman sila nagmumukhang kabastos-bastos, they're still classy tho. Halatang alagang-alaga ang katawan at suki ng mga salon.
Napakalaki ng espasyo sa loob ng bar na iyon, kamangha-mangha rin ang interior design na halata namang pinaglaanan ng hindi birong halaga. Patay sindi ang makukulay na ilaw na tumatama sa balat niya, malakas at buhay na buhay ang musika. Masayang nagsasayawan ang mga tao sa dancefloor, mayroong grupo ng mga nag-iinuman sa isang lamesa, ngunit gaya niya ay mayroon din namang mga mag-isa lang at mukhang pasan ang mundo, at syempre hindi mawawala ang mga naghahalikan at halos maghubaran na sa sulok. It's a bar after all.
Naiilang na iniwas niya ang tingin sa senaryo at tumungo nalang sa bar counter at napiling umupo sa isang high chair sa tapat noon.
"Drinks ma'am?" Mabilis na lumapit sa kaniya ang isang lalaki na sa palagay niya ay bartender. He eyed the nameplate on his black apron, 'Vino' the side of her lips rose, he's so handsome for a bartender she thought.
Itinuro nito sa kaniya ang mga magkakapatong na shot glass sa likuran nito, mayroong iba't-ibang kulay ng mga inumin doon. Halos mapangiwi pa nga siya sa dami ng pagpipilian, ito palang kasi ang ikalawang beses na iinom siya. Una ay noong mismong kasal niya at ang pangalawa ay ngayon.
Hindi na kasi niya kinaya ang ginagawa ng asawa, nahuli niya kasi itong nakikipagtalik na naman sa ibang babae sa sarili nilang kwarto. Madalas namang mangyari iyon noon pa man, simula ng ikasal sila. Ngunit ang labis na ikinasasama ng loob niya ay mukhang inaakala nitong ayos lang iyon sa kaniya dahil talagang dalawang babae pa ang dala nito at sa mismong harapan niya pa gumawa ng kataksilan na kailanman ay hindi niya matatanggap. Ni hindi nga siya pinigilan ng walanghiyang asawa ng umalis siya kahit pa gabi na, masyado kasi itong busy na magpakasasa sa pagitan ng hita ng ibang babae. Paulit-ulit nalang nitong tinapakan ang kaniyang pagkatao at tanging ito nalang ang naiisip niyang paraan para sandaling makalimot.
"Bigyan mo ko ng isang basong anesthesia," seryosong sambit niya na bahagyang ikinatawa ng bartender. Gusto niyang sapatusin ang lalaki dahil nagawa pa siya nitong tawanan, pero naisip niyang wala nga pala itong alam sa pinagdadaanan niya.
"Broken hearted?" Pang-uusisa nito sa kaniya at inabutan siya ng isang kopitang naglalaman ng metallic gold na likido, sa gilid nito ay may isang slice ng lemon na siyang ipinagtaka niya.
Hindi na niya nasagot pa ang tanong ng chismosong bartender dahil may dumating na bagong customer na mabilis naman nitong inasikaso, isa pa ay busy din naman siya sa pagtitig sa hawak niya. Nagdadalawang isip siya kung iinumin ba niya o hindi, maaari kasing malasing siya at mapahamak, ngunit sa huli'y nanaig pa rin ang kagustuhan niyang makalimot.
Naiiling na inalis niya ang lemon at inisang lagok ang inumin. Gumuhit ang magkahalong init at hapdi nito sa lalamunan niya, halos masuka siya pait at paklang naiwan na ata sa dila niya. Muntikan ng malukot ang mukha niya but still she asked for another glass. Hanggang sa nasundan ng isa pa, ni hindi na nga niya namalayan kung ilan na ang nainom niya, ayaw na din siyang bigyan pa ng bartender dahil ayon dito ay lasing na siya.
She snorted at him, its her body and she clearly knows that she can still manage or it's just what she believes? Nagsisimula na kasing mag-init ang katawan niya, naririndi na rin siya sa ingay ng paligid at hilong-hilo na.
Pabalya niyang inilapag ang card ng asawa para magbayad, napagdesisyonan na niyang umuwi dahil ayaw na rin naman siyang bigyan ng inumin ng bartender doon. Habang naghihintay ay masama ang tingin niya sa naipong patong patong na slices ng lemon sa harap niya na hindi niya pa rin niya mawari kung para saan. Bigla ay parang gusto niya iyong pigain lahat sa mata ng bartender na kinaiinisan niya.
"Ma'am eto na po yung card niyo, okay na po." Natuon ang atensyon niya sa bartender na iniabot na pabalik sa kaniya ang card, inikutan niya muna ito ng mata bago tuluyang tumayo.
Pagewang-gewang siyang naglakad patungo sana sa pinto, ngunit kusang napaliko ang mga paa niya papunta sa dancefloor ng makita ang mga taong ligayang-ligaya sa pagsasayaw. She's jealous, she wanted to have fun too. So she decided to dance along with them. Saktong napalitan ang musika ng kantang mas buhay na buhay ang beat kumpara sa kanina, the dance floor is now a sea of wild people.
She swayed her hips while slightly jumping and waving both her arms upward. Nagsisimula ng mamuo ang pawis sakanyang noo but she didn't give a damn, she continued dancing like a crazy woman, not minding if she's already bumping with others.
"Careful," bulong ng isang baritonong tinig sa kaniyang punong tenga, hapit-hapit nito ang kaniyang bewang dahil muntik na siyang masubsob ng katangahang matalisod sa sariling paa.
Mabilis siyang humarap sa lalaki at halos maduling sa lapit ng mukha nila sa isa't-isa. Nakayuko kasi ito't nakatingala naman siya. Hindi niya ito makilala dahil napakalabo na ng paningin niya ngunit may kung ano ang nag-uudyok sa kaniyang halikan ito. Pilit niyang pinipigilan ang sarili, she made an oath that she'll never cheat kahit pa walang kwenta ang asawa niya, nangako siyang hindi niya ibabalik sa asawa ang sakit ng pagtaksilan. But to her surprise, the next thing she knew was she was already making out with the man in his place.
Tila wala siyang kontrol sa sariling katawan habang nakikipaglaban ng halikan rito, nanalo na ang kanyang kalasingan sa matino niyang pag-iisip. Bumaba ang mga halik ng estranghero sa kaniyang leeg habang abala ang mga kamay nitong humaplos sa kaniyang likod. Ikinawit niya ang mga braso sa leeg ng lalaki habang nakatingala, isa lang ang tumatakbo sa utak niya ng mga oras na iyon mali ang ginagawa nila ngunit hindi naman niya magawang pigilan ang nakakalunod na mga halik ng binata.
Hindi niya maintindihan ang katawan, a part of her wanted it, but half of her really don't. Namalayan nalang niyang nakalapat na pala ang kaniyang likod sa malambot na kama't nasa ibabaw na niya ang binatang kahalikan. Mainit at mapusok ang mga halik nito, tila may panggigil at pagmamadali rin. Natanggal na nito ang kanyang blouse at bra, she's already half naked kaya malaya na nitong naibalot sa mainit at malapad nitong palad ang dalawang bundok niyang hindi naman ganoon kalakihan.
Bumaba ang kamay niya sa sinturon ng binata at sinubukan iyong tanggalin ngunit nabigo dahil narin sa kalasingan, kaya sa huli ay ikinawit nalang niya ulit ang kamay sa leeg ng binata.
She's doomed! But how can she stop this man? Ni hindi nga niya kayang pigilan ang kaniyang sarili. Nang maputol ang halikan nila'y napasinghap siya, pakiramdam niya'y mauubusan siya ng hininga.
Nakita niya ang pag-iling ng binata na tumayo na mula sa pagkakapatong sa kaniya, muli nitong isinuot sa kaniya ang kanyang pang-itaas at binalot siya sa isang makapal na kumot hanggang sa kaniyang leeg. Hindi niya maiwasang mapaungot sa pagkabitin, may kung ano sa kaniya ang tutol sa ginawa ng lalaki.
Nagtataka siya sa ginawa nito, tumigil siya ngunit bakit? Tanong niya sa kaniyang isipan. Dahil ba sa hindi siya kagandahan o dahil sa maliit niyang dibdib? Kung ano man ang dahilan ay hindi na niya nagawa pang alamin, maski ang magtanong dito lalo pa't nararamdam na niya ang matinding antok at pagod.
Muli siyang suminghap ng hangin at napangiti ng malanghap ang isang mabango at napaka pamilyar na amoy dahilan para maging kumportable siya't payapang maipikit ang bumibigat ng talukap ng mga mata. Siguro ay bukas nalang niya aalamin ang dahilan nito.