Chapter 3: Two months deal
Ilang segundo palang matapos niyang buksan ang pinto ng kaniyang silid ay agad siyang sinalubong ng mag-asawang sampal mula sa nanggagalaiting si Macky. Pinigil niya sa pagtulo ang nagbabadyang luha sa magkabilang sulok ng kaniyang mga mata ng malasahan niya ang tila malansang kalawang sa gilid ng labing nasisiguro niyang pumutok na.
Ramdaman niya ang panggigigil sa paraan ng pag hawak nito sa braso niya, pabalya siyang isinadal nito sa pader dahilan para mapaigik siya sa sakit. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ng asawa kaya hindi na niya mapigilang mapaiyak sa takot.
"I'm sorry love, babayaran ko naman lahat ng nagastos ko sa sweldo ko. Umutang lang naman ako sayo ng konti." Gusto niyang masuka ngunit pinigilan niya.
Mabilis na lumambot ang ekspresyon ng asawa kasabay ng pag-gaan ng pagkakakapit nito sa kaniya. Masuyong hinaplos nito ang kaniyang namamanhid ng mukha.
"Good, dapat alam mo kung paano magtipid. Baka kasi nakakalimutan mo na ang utang na binabayaran niyo sa akin ng nanay mo." Nanlumo siya ng marinig ang sinabi nito, nang mga sandaling iyon ay tila nais nalang niyang maglaho. "Masakit ba? I'm sorry love kailangan lang talaga kitang turuan ng leksyon alam mo namang ayaw kong nawawalan ka magandang pag-uugali." Gusto niyang matawa sa pinagsasabi nito, kung usapang moral lang sa tingin niya ay ito ang mas dapat na turuan.
"Without me you are nothing, without me sa kangkungan kayo pupulutin ng nanay mo. You owe me everything you have. Tandaan mo yan Crystal." Napabuntong hininga nalang siya sa sinabi ng asawa. Hindi siya sang-ayon sa mga pinagsasabi nito, sa tingin nga niya ay mas mapapabuti siya kung hindi siya nag-settle sa lalaking wala ng pag-asang magbago.
"Alam ko at naiintindihan ko love," labas sa ilong na sambit niya ng sa gano'n ay matapos na ang away sa pagitan nilang dalawa. Wala namang magbabago kung lalaban siya, madadagdagan lang ang pasa at sugat niya na napakahirap itago. Ilang tube ng concealer na ba ang naubos niya ngayong buwan? Tatlo o lima? Ngumiti ito sa kaniya at bahagyang lumayo.
"Nga pala love may business meeting ako sa Singapore, kailangan kong manatili doon for about 3 months dahil plano naming magtayo ng bagong branch doon," magiliw nitong sambit kaya ginawa niya ang lahat ng makakaya para pigilang mapangiti.
"Mamimiss kita." Kuwari'y nalulungkot na sambit niya, ngunit sa loob-loob niya'y halos magkaroon na ng party sa sobrang kagalakan. Tatlong buwan na payapang buhay? Ano pa bang mahihiling niya? Na sana lang ay gawin na nitong panghabang buhay ang pananatili abroad? She would be glad kahit pa hindi na ito umuwi.
"Maiksi lang naman yun love. Saka dapat proud ka dahil isang Macky Jade Vertumnus ang napang-asawa mo, imagine daig mo pa ang nanalo sa lotto-----" halos paliparin na niya ang utak sa sobrang pagkabagot sa pagpapanggap na nakikinig sa pagyayabang at pagkukwento ng asawa ng mga wala namang katuturan. Alam naman niyang sa sampung sinabi nito ay isa lang ang totoo at puro kayabangan na lang halos lahat. Natural na mayabang at makasarili na ito noon pa man.
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakaalis na nga ang kanyang asawa patungo sa ibang bansa, kasalukuyan siyang nag-iimpake ng mga damit dahil plano niyang umuwi sa ina sa halip na manatili kasama ang kanyang masungit na biyanan at hipag. Doon ay mas maeenjoy niya pa ang pananatili kaysa dito na daig niya pa ang kasambahay pero wala namang sweldo, kinukwentahan pa siya sa kakarampot na pagkaing kinakain niya.
"At saan ka naman pupunta?" Malalim siyang napabuntong hininga bago pilit ang ngiting hinarap ang isa pang pasakit sa buhay niya, nakataas ang kilay nito sa kaniya at nagtatanong ang mga mata. Iyon ay ang biyanan niyang menopausal na ata.
"Doon po muna ako uuwi sa amin para po kahit papaano ay makatulong ako kay mama, Donya Dahlia," magalang na sambit niya sa ginang. Kahit na asawa na niya ang anak nito'y ayaw niyang tinatawag siya nitong mommy o maski tita dahil ayon dito'y hindi naman siya parte ng kanilang pamilya, tila nga isang hangin lang siya kung ituring nito.
Pilit nalang niyang pinagtitiisan ang ugali ng ginang bilang pagrespeto at pag-unawa rito, iniisip niya nalang na kaya ganito ang ginang ay sa kadahilanang maaga itong nabyuda at walang s*x life kaya naging ganoon kasungit.
"Tama ba ang dinig ko? Aalis na ang gold digger na yan dito?" bulalas ng biglang sumulpot na si Daisy, ang nakatatandang kapatid ng kaniyang asawa na gaya nito ay tila ginawa rin ata sa sama ng loob.
"Ilang buwan lang ho señorita, babalik din ho ako," maikling tugon niya at pinagpatuloy ang ginagawa. Napasinghap ang dalaga sa kaniyang sinabi.
"b***h, kahit na hindi ka na bumalik ay wala akong pakialam," singhal nito sa kaniya at lumabas na ng silid nilang mag-asawa.
"Mas mainam nga na wala ka," dagdag naman ng ginang at sumunod sa anak nito dahilan para mapailing siya. Hindi talaga nagkakalayo ang ugali ng mga ito, tunay ngang kung ano ang puno'y siya rin ang bunga, kailan ba naman kasi namunga ng buko ang puno ng santol? Mahina siyang napahagikgik sa naisip. Biruin mo may mutual understanding din pala sila sa tingin din niya kasi ay mas mainam din siya kung wala ang mga ito.
"Josh." Napatigil siya sa pagpasok sa gate ng eskwelahang pinagtuturuan niya ng makita ang lalaking bigla nalang sumulpot sa kaniyang harapan.
"Anong ginagawa mo rito?" She asked, her brows is almost knitted.
"Let's have a deal Gayle." Halos lumuwa ang kaniyang mata at malaglag ang kaniyang panga sa sahig ng lumuhod sa harapan niya ang binata na mabilis naman niyang hinila patayo at dinala sa kung saan dahil nakakakuha na sila ng atensyon at hindi makakabuti iyon sa imahe ng binata lalo pa at kilang-kilala ito sa business world.
Huminto lamang siya ng makarating na sila sa tagong parte ng parking lot. Nanatili ang gulat niyang ekspresyon, she can't believe that a man like Josh would kneel in front of her for what? For her attention? Forgiveness? Love? Bakit at anong meron sa kaniya para magkaganoon ang binata sa kaniya? Ni wala nga siyang halaga sa sariling asawa niya.
"Gayle hinding hindi talaga kita titigilan hanggang sa mahalin mo rin ako," sinisinok-sinok na sambit ng lalaki. Tatawa-tawang lumapit ito sa kaniya dahilan para maamoy niya ang hindi kaya-ayang amoy ng alak sa hininga nito.
"Dalawang buwan." Nagitla siya sa kinatatayuan ng bigla itong magsalita matapos ng mahabang katahimikan. "Gayle pwede ka bang mahiram ng dalawang buwan?" Malungkot na tanong nito sa kaniya dahilan para mapataas ang kaniyang kilay.
"Pwede mo bang iparamdam sakin ang pagmamahal mo? Wala akong pakialam kahit maging kabit mo, dalawang buwan lang at pagkatapos ng dalawang buwan na hindi mo pa rin ako mahal---" napahinto ito sa pagsasalita na tila nahihirapan sa kaniyang sunod na sasabihin.
"Lalayuan na kita, hindi na kita guguluhin pa kahit kailan." Napatigil siya at napatitig sa binatang ngayo'y nakayuko na sa kaniyang harapan tila may kung anong kumurot sa kaniyang puso, the thought of him ignoring her breaks her heart and she doesn't even know why. Mas masakit marinig iyon sa binata kaysa sa sakit na naramdaman niya noong ginusto na niyang putulin ang ugnayan nila ilang linggo pa lang ang nakararaan.
"Alam mo isa kang lalaking desperado. Napakatalino mong tao pero bakit ka nagpapakatanga sa babaeng tulad ko?" Bakas ang pagkainis sa tinig na tugon niya sa binata dahilan para mas mapayuko pa ito na tila ba nanliliit sa sarili. Ayaw niyang ipamukha iyon kay Josh pero sa tingin niya ay kailangan niya iyon upang magising.
"Okay fine." Dahil sa sinabi ay napaangat ng tingin ang binata, bakas ang pagkabuhay ng kagalakan at pag-asa sa mukha nito. "Let me use you Josh, make me happy. Make me fall," wala sa sariling sambit niya dahilan para mas matuwa ang binata't mapayakap sa kaniya. Gustong-gusto niya itong yakapin pabalik ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili.
"Two months Josh. But I'm so sure that I won't fall for you," tila siguradong sambit niya rito, but little did she know, she already fell inlove him a long time ago.