Chapter 26: Until our paths cross again Crystal stared on the white ceiling. Losing her child was her wake up call. She already made up her mind, makikipaghiwalay na siya sa asawa. Sumpain ang utang na loob, alam niyang kahit anong gawin niya ay hindi niya iyon mababayaran. She's done being weak, pagod na siya sa pagkakaroon at pagtanaw ng utang na loob na sa totoo lang ay hindi naman talaga nababayaran. Mag-isa nalang siya ngayon sa hospital room niya. Kahit may parte sa kaniya ang gustong wakasan nalang ang buhay niya ay pilit niya itong inaalis sa isip niya, pinanghahawakan niya ang katotohanang hindi niya makakapiling sa impyerno ang kaniyang munting anghel kung gagawin niya iyon. Isa pa ay siya nalang ang bagay na natitira sa kanyang ina, she can't leave her yet. Isa sa mga bagay n

