Chapter 10: A mistake is a mistake Good things comes to an end. Tulad nga ng napagkasunduan ay umuwi na sila kinabukasan kahit pa may hang-over pa ang mga binata na kapwa mayroong kanya-kanyang sariling private chopper bilang sundo. Crystal realized na talagang nakakalula ang yaman ng mga ito. Inayos na niya ang sarili ng maipark na ng binata ang sasakyan sa eskwelahan, pinilit kasi siya ng binata na ihahatid at susunduin nalang siya nito sa pagpasok niya and her being herself, being marupok, of course she agreed instantly. "Ingat ka ma'am mamahalin mo pa ako." Taas baba ang kilay na sambit ni Josh sa kaniya dahilan para pamulahan siya ng mukha. Bago pa siya makalabas ng sasakyan nito ay pasimpleng hinalikan pa siya ng binata sa pisngi. Nangingiting tinanaw niya ang papalayong sasakyan

