Chapter 5: Beach outing
Kasalukuyang nagluluto si Crystal ng almusal nila ni Josh ng yumakap ito mula sa kaniyang likuran sanhi para manigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Kailan kaya siya masasanay sa clingy at malambing na binatang ito?
"Asawa ko?" patanong na bulong nito sa kaniyang punong tenga habang sinisinghot nito ang kaniyang buhok, maya-maya pa'y isinubsob na nito ang mukha sa kaniyang leeg.
Makailang ulit siyang napa-lunok at napa-buntong hininga bago pumihit paharap sa binata, kahit na matagal na niya itong kilala at madalas na niya itong nakakasama ay hindi niya parin maiwasan ang paghanga sa gandang lalaki nito.
Napabalik siya sa realidad ng mas guluhin pa nito ang kaniyang magulo ng buhok. After she accepted the deal ay nakiusap itong panandalian siyang manatili sa tabi nito. She couldn't understand why is it too hard for her to decline his offer. Hindi niya maintindihan kung bakit pagdating kay Josh ay napakarupok niyang magdesisyon.
They are now living under the same roof, but they sleep in separate rooms. Laking pasasalamat niya na bibihira lang ang nakakakilala sa kaniya at nakakaalam na kasal na siya, ni minsan kasi ay hindi siya pinakilala ng asawa sa publiko at ang alam ng karamihan ay binata pa rin ito. Nag-iingat lang siya na 'wag mahuli ng nanay niya at pamilya ng asawa niya na isa sa mga naging saksi at nakakaalam sa kasal nila ni Macky.
"Anong niluluto ng asawa ko huh?" Inosenteng ngumiti ito sa kaniya dahilan para palihim siyang mapakapit sa garter ng kaniyang panty, pakiramdam niya kasi ay biglang mahuhulog ito sa nagniningning na ngiti ng binata na animo'y nasa commercial ng toothpaste.
"Asawa ko?" kunot-noong tanong niya pabalik sa binatang nabato na sa kinatatayuan nito, she tried to sound irritated para maikubli ang kilig na nararamdaman niya.
She rolled her eyes upwards, "Hindi tayo mag-asawa," nakangiwing sagot niya. Hininto niya ang ginagawa at buong tapang na hinarap ang lalaki. She mentally pinch her mouth when she saw pain flashed his eyes, ngunit mabilis ring nawala.
"I know, nagpapractice lang eh," mahinang bulalas nito, "You wanna come with me?" Biglang pagbabago nito ng usapan dahilan para makahinga siya ng maluwag. She doesn't want to talk about that husband and wife thing, bumibigat ang loob niya sa isiping nagtataksil siya sa asawa.
"Where?" She asked confusedly at pinatay na ang kalan bago pa masunog ang niluluto niya.
"Beach Outing." Her lips automatically formed a smile upon hearing the word beach, she loves the sea so much at hindi iyon lingid sa kaalaman ng binata, "I already filed your one week leave at naaprove na kanina," dagdag pa nito dahilan para mas lumaki pa ang pagkakangiti niya.
"What?! why didn't you told me earlier?" Her eyes widened and she could feel the fast beating of her heart na gusto na atang lumabas sa ribcage niya. She was beyond shock, ang kaninang sayang nararamdaman niya ay mabilis na napalitan ng kaba, pag-aalinlangan at pagkatakot.
"Baka kasi hindi ka sumama." Josh pouted his lips and she couldn't help but to adore his cuteness, tama nga naman ito kung kanina pa ito sinabi ng binata ay paniguradong hindi nga siya sasama.
Buong byahe ay pinaglalaruan lang niya ang mga daliring nakapatong sa ibabaw ng kaniyang hita. Hindi na niya kinausap pa ang binata habang bumabyahe dahil sa inis, papaano'y beach outing pala nila ng mga kaibigan nito ang pupuntahan nila. Akala niya kasi ay silang dalawa lang ang magkasama.
She's scared to death. Paano kung may makakilala sa kaniya? Paano kung hindi siya magustuhan ng mga ito? Madaming tanong ang bumabagabag sa kaniya, fear already started to invade her system badly. She was anxious and silent the whole ride.
"Gayle are you mad at me?" Josh suddenly asked her matapos nitong ihinto sa isang gilid ng kalsada ang sasakyan, papaano'y binabagabag siya ng takot na baka nagalit niya nga ang dalaga. Hindi niya matagalan ang pagiging tahimik nito. Crystal can't even utter a response, she was still in the state of shock so Josh decided to pat her shoulder and that sent her back to her senses.
"Huh?" nagugulimihanang nasambit ng dalaga sa kaniya na tila lutang pa.
"I'm afraid." She blurted out all of a sudden.
"Why?" He asked clueless, he clearly had no idea why would Crystal felt that way.
"What if your friends don't like me? What if ---" she stopped mid-air the moment he held her hand and interwined her fingers with his.
"They'd like you, believe me, you are an amazing person. You can hold my hand to lessen your worries if you want." Josh offered that made her cheeks flush red.
"Kasama mo ako. Hindi kita iiwan, hindi kita hahayaang mag-isa Gayle. So don't worry okay?" Hindi na siya nag-reklamo pa at tumango nalang.
It worked like magic. Biglang nawala ang takot at agam-agam niya habang pinapakiramdaman ang init ng palad ng binata na mas malambot pa ata sa palad niya. Sa buong oras na nagmamaneho ang binata ay tanging ang kaliwang kamay lang nito ang nakahawak sa manibela, habang ang kanan naman ay nakakapit sa kaniya.
Nang tuluyan na silang makarating sa private island na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan ng binata ay bumalik na naman ang kabang nararamdaman niya kanina.
She's awed by what her eyes saw. The whole place is so simple and modern. There are lots of veggies that you could eat when time comes na magkakaroon ng taggutom. Kamangha-mangha ang ganda n'on, she bet that it would be a great tourist spot kung sakali.
"Josh?" Narinig niyang pagtawag kay Josh ng isang lalaking may taglay ring nakakalaglag panty na kagwapuhan.
"The one and only." She could see genuine happiness in Josh eyes while having a fist bump with the stranger, maya-maya pa ay may dumating pang mga lalaki na kasunod lang nito. Now there are seven hot men in front of her and it amazed her, tila mga diyos ng griyego ang mga ito sa kakisigan at kamachohan. Para ngang illegal sa kanila ang magkaroon ng pangit na kaibigan. Kitang-kita niya ang saya sa mata ng mga ito habang nagbabatian. She just wished she had real friends too.
"Crystal Gayle right?" Pagtawag pansin sa kaniya ng isang lalaking tila may dugong banyaga base narin sa facial features nito. Nginitian niya ang mga kaibigan ng binata na ngayon ay nakatingin na sa kaniya. Tanging pagtango nalang ang naitugon niya sa binata dahil sa kaba at hiyang nararamdaman. Para siyang nabaon sa kinatatayuan at maski kamay ay hindi niya maigalaw.
"Nice meeting you, I'm Cole Salvatore." Pakilala sa kaniya ng lalaking may pares ng matingkad na asul na mga mata at ngumiti. Sunod-sunod na nagpakilala ang iba pang mga kaibigan ni Josh sa kaniya. Those are the Cole, Vino, Pierre, Hanz, Draco and Kinoah she mentally noted their names in her head.
Matapos magpakilala ay hinila siya ng mga babaeng kasama ng mga ito para tumulong sa paghahanda ng pagkain. Nahihiya siyang makihalubilo sa mga ito ngunit mas nakakahiya naman ata kung may sarili siyang mundo.
Mabilis niyang nakapalagayan ng loob ang mga ito and she already found herself laughing along with all of them. Walang nagtatanong kung sino siya o ano soya sa buhay ni Josh and it was such a huge relief for her. Ramdam niyang nais mang-usisa ng mga ito ngunit nanatiling tahimik. She's starting to like their attitudes, they completely know the words respect and boundary.
Kakatapos lang nilang magluto at magdisenyo ng paligid, tanging dim lights lang ang nakabukas at lahat sila ay nagkalat at kung saan-saan nagtago.
Umayos siya ng pwesto at mas pinagbuti ang pagtatago ng makitang papalapit na ang isang magandang babae sa lugar na iniayos nila. It turned out na kaya pala nag-aya ng outing ang kaibigan ni Josh ay balak nitong surpresahin ang nobya nito para sa monthsary nila at magpapatulog ito sa mga kaibigan.
Nang makatanggap na sila ng senyales ay sabay-sabay silang nagsilabasan mula sa kanilang pinagtataguan, mabilis niyang binuksan ang party popper na hawak dahilan para sumabog ang mga makukulay na confetti.
"Surprise!" They screamed in unison, then Crystal suddenly felt jealous. Siya kaya kailan niya mararanasang sorpresahin?