Chapter 24: The consequence of her sin Halos hindi siya makahinga sa pinaghalong tuwa, kaba at kasiyahan. Nakailang ulit pa siyang napabuntong hininga bago napagdisisyunang lumabas ng banyo. Dapat niyang pilitin ang sariling matulog ng maaga para sa anak. Nakangiti siyang lumabas ng banyo, ngunit agad ring napawi iyon at halos panawan siya ng ulirat sa bumungad sa kaniya. "H-hon you're back?" Kinakabahang itinago ni Crystal ang hawak-hawak na dalawang pregnancy test kit sa likuran niya nang makita ang asawa sa loob ng kanilang silid. Ganoon nalang ang pagkagulat niya dahil ang alam niya ay sa susunod na araw pa ito uuwi, kayat labis ang pagtatakata niya kung bakit nakauwi na ito earlier than she expected. She wasn't prepared, ayaw niya sana muna itong makita dahil sa takot sa mga posible

