Tahimik akong naghihintay na matapos ang buong araw na ‘to, nakahiga lang ako sa kama, nakatutok ang mga mata sa kisame, nag-iisip. Alas sais pa lang ng gabi kaya mamaya ay tatawagin pa ako para mag dinner. Sadyang nakakabagot ang araw na ito, pero dahil sa tinatamad din akong lumabas ay tiniis ko ang presensya ng lahat na nasa bahay.
Toot!
Hmp? At sino naman ang magtetext ng ganitong oras?
[Joker
Pre, labas tayo bukas sama ka ba sa amin ni Janice? Pupunta kaming park after class.]
Hindi ako nagreply, ano ba ang balak niya gawin akong alalay sa date nila?
Toot!
[Joker
Huwag mong isipin na gagawin kitang alalay. May makakasama ka naman kasi inimbitahan ni Janice si Alliyah para naman mas masaya.]
“What?” Tsk. Ano naman ang balak nila sa isang ‘yon ngayon?”
Inilapag ko na ang cellphone, tumayo at pumuwesto sa harapan ng study table ko. Sa sobrang boredom ko ay naghanap ako ng libro na puwedeng mabasa. Isang komiks na naipit sa pagitan ng ilang educational books ang nahagilap ko. Subalit isang maliit na papel ang lalaglag mula roon.
“Ito ‘yong isa sa mga sulat na ipinapadala sa akin no’ng admirer,” na sabi ko. And speaking of her ay hindi wala na akong narereceive pang letter, poems or dedication mula sa kaniya.
Nagsawa na rin kaya siya?
Toot!
Tsk. Ano na naman ba ang kailangan ni Joker? Textmate ba kami para magsend siya ng magsend ng text message.
[One message received
Alliyah]
“Huh?” Na-curious ako kaya naman binuksan ko ‘yon, ewan ko ba pero may tila nag-udyok talaga sa akin na gawin ang bagay na iyon.
[Julian, nandito ako sa tapat ng subdivision niyo.]
Nagtipa ako ng isasagot sa kaniya. [Bakit?]
[Bumangga ang kotse na minamaneho ni papa, sakay sina Harold at mga kaibigan nito. Nasa police station siya ngayon. Kailangan kong makausap ang papa mo dahil wala namang kasalanan si papa sa nangyari.]
Nagkaroon ng aksidente dawit ang papa ni Alliyah? Wala akong maalala tungkol sa bagay na ’yon.
Hindi na ako nagreply pa, bagkus ay dumiretso na lang ako sa ibaba upang puntahan siya.
Naabutan kong nagkakaroon ng komosyon sa labas ng gate ng subdivision, nakikipagtalo na si Alliyah sa mga security guards. Pinipigilan siyang makapasok ng mga ito, wala naman kasi talagang permiso. Nang maipaliwanag ko naman sa kanila ay hinayaan nilang sumama sa akin si Alliyah. At habang naglalakad nga ay ikinukwento niya sa akin ang nangyari. Na ayon raw kay Mang Nardo ay isa sa mga kaibigan ni Harold ang nagmaneho sa sasakyan. Nakainom raw ang grupo ng mga ito.
“Hindi ko ma-aassure sa ‘yo na haharapin ka ni papa, mas makakabuti siguro kung ipaubaya mo na sa ‘kin ang tungkol sa bagay na ‘to.”
Umiling-iling sa akin si Alliyah, patuloy lang kami sa daan papuntang mansiyon. Sakto lang ang layo nito sa main gate kaya hindi gano’n kahirap lakarin.
“Hindi puwede, kailangan kong dumiretso sa papa mo. Siya ang makakaresolba ng lahat na ito,” aniya pa. Ngayon ko lang nakita na maging malungkot ang ekspresyon ni Alliyah. Kadalasan kasi ay nakangiti siya o di kayang pinapasakit ang ulo ko sa pagiging madaldal niya.
“Ako na,” pinigilan ko siya dahilan para mausod ang ginagawa naming paglalakad.
“Dapat akong kumilos gamit ang sarili kong mga paa, Julian. Isa kang Kordal siguradong pagtatakpan mo ang reputasyon niyo. Kaya hindi ko ‘to maipapaubaya sa ‘yo. Pasensiya na.”
Bumakas na ang pinipigalang emosyon ni Alliyah, ang kaninang namumuong luha lang sa mata niya at tuluyan ng bumuhos sa kaniyang mukha. Ang buhok niya’y gulo-gulo, tagaktak ang pawis sa noo. Ang kwelyuhan ng kaniyang gray na t-shirt ay basa na rin. Para bang galing siya sa isang marathon.
“Julian, p-papa ko a-ang nakasalalay d-dito, mawala na ang lahat sa a-amin ‘wag lang siya. Inosente si papa, eh.”
Tuluyan ng humagulgol sa pag-iyak si Alliyah, mahal na maha niya ang papa niya. Ang ilalim ng mga mata nito’y nagkaroon na din ng maliit ba umbok.
Nilapitan ko siya’t sinubukan na aluhin ngunit umiwas siya sa akin, gano’n na lang ang galit niya sa isang Kordal ngayon.
“Magtiwala ka kapag sinabi kong ako na ang bahala. Hindi ibig sabihin na isa akong Kordal ay pababayaan ko na lang ang isang pagkakamali,” pagsisimula ko.
Mariin lang na nakikinig sa akin si Alliyah, wala akong maalala tungkol sa insidente na ito. Pero isang araw nga’y bigla na lang na hindi pumasok ang ama ni Alliyah bilang driver namin. Kasabay no’n ay wala na rin talaga akong narinig tungkol sa kaniya. Napabuntong-hininga ako, ngayon ko mapapatunayan sa sarili ko kung anong klaseng pamilya nga ba ang mayroon ako.
Bulag ako sa unang buhay ko sa mga taong lumipas, ngayon pa lang yata mabubuksan ang mata ko sa kung ano ang kayang gawin ng mga Kordal.
“Isasama kita sa loob pero ako ang magsasalita, naintindihan mo ba?”
Mukhang nagustuhan niya ang nais ko, pinunasan niya ang luhang dumaloy sa kaniyang mukha’t tumango sa akin ng ilang beses.
Hindi pa ako nangialam sa buhay ng iba kahit kailan, ito pa lang ang unang pagkakataon.
Hinawakan ko ang kamay niya’t iginiya papasok ng mansiyon.
Doon naabutan ko si papa na kabababa pa lang ng kaniyang telepono, bakas sa mukha niya ang pagkataranta. At nang makapasok kami ni Alliyah ay mas lalong nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
“Julian.”
“Papa, mag-usap po tayo.”
“Huwag na muna ngayon anak, aalis ako-”
“Tungkol sa aksidente nina Harold pa, gusto kong pag-usapan muna natin ang tungkol doon.”
Natigilan si papa, hindi niya siguro akalain na alam ko na rin ang nangyari.
“About that, I will discuss with our lawyers anak, let’s talk some other time.”
“No pa, mag-usap muna tayo bago kayo gumawa ng isang desisyon na hindi pinag-iisipan.”
“What do you mean by that, Julian? Are you disrespecting me?”
“No pa, gusto ko lang na nasa tamang landas ang isipan niyo bago umalis. Si Mang Nardo, matagal na rin siyang nagtatrabaho sa atin, and I know na hindi siya capable to the accusation kaya sana ay lawakan niyo ang imbestigasyon. Oo, alam kong mas iisipin niyo ang kapakanan ni Harold dahil anak mo siya. Pero gusto ko ring ipaalala sa ‘yo, pa, na may pamilya at anak din na binubuhay si Mang Nardo. At hindi magiging fair sa pamilya niya kung walang sapat na ebidensiya para mawala ang ama nila sa kanila,” mahaba kong paliwanag.
Mabuting tao si papa ngunit kung naroon ang stepmother ko ay tiyak na maninipulahin na naman siya nito sa pagdedesisyon.
“Hindi sa sinisiraan ko ang kapatid ko sa ‘yo pa, pero mula pagkabata ay magkasama na kami alam ko kung ano ang kaya at hindi niya kayang gawin. Sana ay ‘wag niyo siyang pagtakpan sa pagkakataon na ‘to, baka ito na ang pagkakataon para mag-grow siya sa sarili niya pa.”
“Hindi ko alam kung ano ang maisasagot sa ‘yo ngayon Julian,” napabuga ng hangin si papa. “Pero susubukan kong intindihin hanggang sa makarating ako ng presinto.”
Akmang aalis na sana si papa ng magsalita naman si Alliyah sa tabi ko. “Mr. Kordal, maraming salamat. Sana ay bigyan niyo ng pagkakataon ang papa ko na mapatunayan ang sarili niya. Please po, mabait si papa, hindi siya gagawa ng masama para mapahamak ang sino man.”
Sa mga kilos ni papa ay alam kong naguguluhan na rin siya ngayon. Ngunit kung kailangan ko pa siyang pigain ay gagawin ko pa.
“Papa, kapag ibinigay niyo sa akin ang sitwasyon na ‘to ay ako naman ang makikinig sa gusto niyo.”
Tinanong ko rin ng ilang ulit ang sarili ko kung handa nga ba akong isakripisyo ang sarili ko para lang sa isang katotohanan. Sabay na napvalingon si Alliyah at Papa sa akin, naghihintay kung ano ang idurugtong ko sa sinasabi ko.
“Papakasalan ko ang anak ng bussiness partner mo, tulad ng hinihiling niyo noon pa.”