Chapter 19
Sunday.
Bilang parte ng tradisyon ng pamilya Kordal ay parating may salo-salo sa kanilang Mansiyon. Lalo pa’t ang head ng kanilang Pamilya ay presente rin sa naturang araw na ito. Maaliwalas ang panahon, walang bahid na ulan o ano pa man. Busy ang mga kasambahay sa paghahanda sa hapag at paglilinis sa kabahayan.
Ang mag-asawang Kordal ay masayang nagkukwentuhan sa labas ng kanilang mansiyon, sa tabi ng pool area. Maraming puno sa bakuran kaya naman ang simoy ng hangin ay napakarasap sa pakiramdam.
Si Harold ay piniling pumuwesto sa kanilang gazeebo, nagkakalikot sa kaniyanang telepono habang nakadyekwatro. Ang babaeng anak ay namimitas ng bulaklak sa garden upang mailagay iyon sa paso, hilig ng dalaga ang pag crafting at designing. At sa kabilang banda, si Julian na pababa pa lang sa hagdan ay taas noong sinipat kung ano ang ginagawa ng kaniyang pamilya.
Napapailing siya, kung iisipin kasi’y ang set-up na ganito ay hindi sa kaniya ayon. Siguro’y noon ay oo, ngunit ngayon na halos alam na niya ang mangyayari sa taon, susunod na taon o sa hinaharap ay hindi na siya natutuwa.
Sooner enough ay mababago na ang detalye ng kanilang bahay. May idadagdag at ibabawas ang kaniyang stepmother sa kung ano ang mayroon sa labas at loob ng kanilang Mansiyon.
“Senyorito Julian, pinapatawag mo kayo ng ama niyo.”
“Ah, sige po manang, pupunta ako,” sagot ko. At ano naman kaya ang kailangan ng aking ama sa akin?
“Pa,” bati ko sa kaniya.
“Oh, maupo ka anak.”
Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang madrasta ko lalo pa’t hndi na rin naman napansin ni papa na hindi ko siya nabati. Well, ayaw ko lang din na makipagplastikan sa kaniya.
“Bakit po pa? May problema ba?”
“Pa,” maya-maya ay nasa likuran ko na pala si Harold, umupo na nga ito sa silyang nasa tabi ko’t nakiharap din sa amin.
“Oh, Harold. Kumusta ang studies?” ang mama niya ang nagtanong sa kaniya.
“Ayos lang po ma,” sagot nito. “Ah, papa mabuti naman po at nandito kayo ngayon na sunday.”
“Oo, walang bussiness trip and whatever, wala nang aalis ha dahil mamaya’y dadalhin na rin nila ang foods dito,” pagpapaalala ni papa sa min.
“Ano po ba ang sasabihin niyo sa akin pa?” Hindi ko na hinayaan na makapagsalita pa muli si Harold, narito lang naman siya dahil sa curiousity. Ang pagtawag sa akin ni papa ang isa sa nagpapathreaten sa kaniya.
“Ah, oo Julian, I just want to discuss to you the enrollment abroad. Sanay ka naman siguro na taon-taon kita kung tanungin about this, right? Kaya naman I am asking you again kung nakapag-isip ka na ba kung lilipat ka na ng school, mas gusto ko ng mas malaki at international school para sa inyong lahat,”
Nakikinig lang ako kay papa, si Harold ay nakasandig sa kaniyang nauupuhan na para bang walang kagana-gana sa usapan namin. At ang ina naman nila ay prenteng humihigop ng tsaa. Walang ni ano mang pagkagalak sa kanila ng mukha, siguro ay dahil alam na nila na tatanggi ako ulit sa pagkakataon na ito, na halos taon-taon kong ginagawa.
Parati akong kinakausap ng ina namin tungkol sa issue na ito, ipinipilit niya sa akin parati na wala namang pinagkaiba ang abroad at pag-aaral dito sa bansa. Aniya pa’y magiging mas magastos lang sa aming ama kung tatlo kaming ipapadala sa abroad. Next school year kasi’y ipapadala na niya sina Harold at Tera upang makapasok sa Harvard.
“Ano, pumapayag ka na ba ngayon? Makakasama mo naman ang mga kapatid mo. Kapag may pagkakataon naman ay bibisitahin namin kayo doon.”
Nag-isip ako.
“Bakit hindi mo subukan Julian? Tiyak na matutuwa ka sa ibang klima at kultura sa ibang bansa,” sabi ni ina, na deep inside ay gusto naman niyang sumagot ako ng hindi sa ama ko. Mas gusto nitong manatili ako sa bansang ito upang kalaunan ay mas mababa ang position ko sa buhay sa aking mga kapatid.
“Sige po pa, kung ‘yan ang gusto niyo. Salamat din po mama dahil napakasupportive niyo sa pag-aaral ko.”
Literal na naibuga ng ginang ang laman ng kaniyang bibig. Si Harold ay gulat din ang reaksyon na sumambulat sa mukha nito.
“Sa wakas ay pumayag ka rin anak, ipapaayos ko rin agad ang passport mo, may ilan buwan pa naman bago matapos ang school year, hindi ba?”
“Opo papa, maraming salamat po. Gustong-gusto ko po kasi talagang makapag-aral sa ibang bansa kaya naman nakapag-isip na po ako na ituloy na ‘yon kasama ang mga mahal kong kapatid.”
“That’s my son.” Ti-nap pa ni papa ang ulo ko. “Pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo para kapag tumanda at magkapamiilya kayo’y hindi magiging mahirap ang mga buhay niyo.”
Likas na mabait talaga ang ama ko, ewan ko lang kung bakit hindi na-a-addapt ng stepmother ko ang gano’ng ugali.
“Pero may isa pa akong ini-aalok sa ‘yo na hindi mo pa rin napagdedesisyunan hanggang ngayon,” pahabol pa ni papa.
“Ah, opo.”
“If you have an answer to it, I am very please to know. Okay?”
“Yes, pa.”
“Oh, someone important is calling. Sasagutin ko muna ito ha,” sabi ni papa sabay tayo sa kaniyang kinauupuan at lumayo sa kinauupuan namin. Balak ko na nga ring umalis no’n ngunit humarang si Harold sa aking harapan.
Nakipagtagisan siya ng tingin sa akin bago nagsalita. “Ano’ng binabalak mo ngayon? At sino ang may sabi na puwede kang sumama sa abroad? Nakakalimutan mo na ba ang lugar mo?”
Nagpipigil ako na masaktan si Harold sa oras na ito, narito si papa kaya naman hindi ako puwedeng lumaban.
“Ako, ang sarili ko, karapatan ko rin naman ‘to. Tinatamasa ko lang din ang para sa akin,” dugtong ko pa.
“Aba’t tumatapang ka na ha,” aniya. Binundol niya pa ako gamit ang knaiyang dibdib.
“Bakit ba kating-kati kang hilahin ako pababa? Takot na takot ka ba sa presensiya ko? Tingin mo ba ay mauungusan kita sa pamilyang ‘to?” maangas na tanong ko sa kaniya. Nakasuksok ang aking mga kamay sa loob ng aking bulsa’t matapang siyang hinarap.
“Isa ka lang sampid sa pamilya na ‘to Julian, tandaan mo ‘yan.”
“Siguro nga ay sampid ako, pero tandaan mo na ako pa rin ang mas nakakatanda. Kung nagkaroon lang ng pagkakataon ang mama at papa ay ako ang magiging tunay na anak, at ikaw ang dapat na sampid dito.”
“Aba’t-” kinukwelyuhan na ako ni Harold, handa na siyang ibigwas sa akin ang kamao niya ng pumagitna ang ina nito. Sinaway siya nito’t pinaalalahanan na narito ang kanilang ama.
“Sa susunod ay sumunod ka sa kung ano ang dapat, naintindihan mo ba ako?” sa akin nakatuon ang kaniyang mga mata kaya naman sinagot ko na siya ng may halong pang-uuyam sa aking ngiti.
“Walang susunod na Julian sa inyo simula sa araw na ito. Hindi na ako ang uto-uto na kilala niyo, ngayon, matakot kayo dahil marami akong nalalaman na baho sa inyong lahat.”
Hindi ko na balak pang hintayin ang isasagot nito. Inayos ko ang damit ko’t, tiinaasan ng kilay si Harold bago sila tuluyang iniwan na nanggigigil sa inis.