Episode 18

1179 Words
“Ano bang ginagawa mo, Alliyah.” Hinila ako niya papalabas ng convinience store, nagulat ako ng makitang siya ang kahera doon. Muntik ko na nga sanang hindi ituloy ang pagbili ng c*nd*m kung hindi lang talaga kailangan. Iyon ang isa sa parapharnelia na gagamitin sa thesis ni Alice kaya binili ko na dahil tiyak na hindi naman nito iyon magagawa. “Bakit ka bumibili ng gano’n ha.” Napapatagsik pa siya, hindi niya mabanggit kung ano ang tinutukoy nito sa akin, na ikinapangiti ko. “Ng ano ba?” “Ng ano… ‘yon nga.” Natawa na ako, tingin niya ba ay gagamitin ko ang gano’ng bagay, hindi naman ako hayok sa laman para makipags*x na lang. “Gagamitin sa thesis ‘yon, isa sa materials. Sa aksyon mo parang sinasabi mo na gagamitin ko ‘yon ah.” “Eh?” Napatunganga siya sa akin, na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Masasabi kong kakaiba talaga ang babae na ito sa mga nakilala ko, mula man sa hinaharap, o maging dito sa kung saan ako naroroon ngayon. “Hay! Mabuti naman kung gano’n.” “Sige na, pagbilhan mo na ako,” sabi ko. Nagsimula na akong maglakad pabalik ng patakbo siyang sumunod sa akin. “Bakit hindi na lang siya ang bumili mag-isa niya? Kailangan pa ikaw ang gagawa no’n, utusan ka ba niya?” May sense naman ang sinbi niyang ‘yon, pero dahil bibilhin ko na talaga ay wala na siyang magagawa pa. “Dalawahin mo na para kapag palpak ay may reserba agad.” “Ano? Baka gagamitin mo lang kasi ang isa kaya dalawa ang kukunin mo.” Inilapit pa niya ang mukha sa akin na nang-uuyam. Nakakagigil ang mga mata niya kapag ganitong malapitan, kakaiba ang spark niyon gayong hindi naman siya kasingganda ni Alice. Kung ile-level ay nasa middle beauty si Alliyah. Mababa siya, hindi gano’n maputi pero mahaba ang buhok, na gusto ko sa isang babae. Isa kaltok sa noo ang natanggap niya sa kaniyang pakikialam sa customer niya. “Customer ako ngayon, gusto mo bang isumbong kita sa amo mo?” Tumalima siya sa sinabi ko, mukhang ayaw naman niyang mangyari ‘yon kaya nagbago ang ekspresyon niya. Ngunit may guhit pa rin na hindi niya talaga gusto ang pagbili ko. “May id ka?” tanong niya. “Hindi naman alak ang binibili ko, ba’t kailangan mo pa ng Id?” “Ayaw mo?” “Student Id lang ang mayro’n ako-” “Hindi puwede ‘yan, rule ko ‘yon kaya wala kang magagawa, kung ayaw mong sumunod ay bahala ka. Sa iba ka na lang bumili na store, ‘wag dito sa akin. Hmp. Bahala ka nga riyan.” TUmalima na siya pabalik sa kaniyang counter, lalo na nang may isang customer na ang nagreklamo sa kaniyang katagalan. At dahil sa mukhang wala akong magagwa pa’y napa-iling-iing na nga lang ako habang nakasunod ng tingin sa kaniya. “Ano bang problema no’n?” … “Salamat sa paghatid Julian, at sa patulong sa thesis ko.” Nasa harapan na kami ng bahay nina Alice, alas siyete y media na rin kaya naman kahit ayaw ko sana ay sinamahan ko na siya. Madilim ang kanto na dinadaanan nito papasok sa kanila, minsan ay may mga tambay at nag-iinuman doon. Kaya noong mga panahon na naging kami ay walang palya ko siya kung hinatid sa kanila, halos doon nga nauubos ang oras ko. Kapag nakakarating ako sa bahay noon ay malimit na lang akong makapag-asikaso sa paperworks ko, kailangan pa naming mag-usap sa telepono no’n bago matulog. Gano’n ako ka-loyal sa kaniya na maging ang pag-aaral ko ay nakalimutan ko. Siguro iyon ang plinano nila ni Harold upang bumagsak ako sa academics at mahirapang makarating sa tuktok ng tagumpay. “Walang ano man, aalis na ‘ko.” Wala naman na akong gusto pang sabihin sa kaniya. Oo may pagkakataon na na-aattaract pa rin ako, lalo na’t napakaamo naman kasi talaga ng mukha niya. Kaso’y sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa buhay ko sa hinaharap ay napupuno ng galit, pagsisisi at paghihiganti ang puso ko. “Julian, wait.” Dala ng sense of reaction sa pagtawag sa pangalan ko’y humarap ako, ngunit hindi ko naman inaasahan na isang yakap ang matatanggap ko mula sa kaniya. “Salamat, sana’y bumalik pa rin kung ano ang mayro’n tayo. Hindi ko maisip kung ano ang nagawa ko upang magbago ka sa akin, pero hindi ako susuko.” Nag-alinlangan ang kamay ko na gumanti sa yakap niya, naramdaman ko ang init na dinadala ng yakap ni Alice sa loob ng mahigit labing pitong taon naming nagkasama, may kaunting pagpapahalaga pa rin pala sa puso ko. “Sana’y bumalik ka pa rin,” Imbes na gumanti ng yakap sa kaniya’y hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at inilayo siya mula sa akin. Mataman kong tinitigan ang mga mata niya, at saka naisip na kung para sa akin ba talaga ang mga katagang sinasabi niya, kung akin ba ang yakap na ‘yon o ang nagsusumamo niyang mga titig. “Pumasok ka na.” Ayaw ko nang magsalita pa, dahil kahit na ano pa ang sabihin ko’y hindi rin naman niya maiintindihan. Nagpapasundo ako kay Mang Nardo sa malapit na paradahan ng jeep sa may labasan ng tinitirahan nina Alice, alam naman niya ‘yon panigurado dahil nang mga nakaraang araw ay naalala ko pang nagpapasundo ako roon sa kaniya. “Lumabas ka na riyan,” sambit ko. Kanina ko pa alam na sumusunod si Alliyah sa amin, simula doon pa lang sa may store na pinapasukan niya hanggang sa paghatid ko kay Alice. “A, hehe.” “Ano bang ginagawa mo, alam mo bang maraming tambay sa kanto na ‘yon. At talagang sumunod ka pa sa amin? Ano ka ba spy?” “Oo parang gano’n nga, hindi mo ba alam na isa ako sa Charles Angels? Hahaha. Anyways, binabantayan lang kita kasi baka mamaya sa ibang daang kayo pumunta ng Alice na ‘yon.” sabay pa niya pagnguso. “Ewan ko sa ‘yo, umuwi ka na. Susunduin ako ni Mang Nardo rito. Magtatanong ‘yon kung bakit narito ka rin samantalang malayo rito ang ruta ng bahay niyo,” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Wala na ba siyang trabaho’t ang pagbuntot sa akin ang ginawa niya “Oh, edi sasabihin ko sinamahan kita.” “Sinamahan? Hindi maniniwala ang papa mo sa alibi mo. Uwi na.” “Kung makataboy ka naman sa ‘kin para akong hayop ah. Sabay na tayong umuwi.” “Ayaw ko.” “Huh bakit naman? Cute naman ako ha, ba’t ayaw mo?” “Masyado kang magulo kasama, sige na ipapara kita ng masasakyan.” “Ayaw ko nga,” anito sabay talon sa akin upang kumapit sa braso ko. Pilit ko pa siyang itinutulak, nawiwili na siya sa pagsabit-sabit sa akin, hindi na nakakatuwa. “Huwag ka ng maarte, hindi ko naman sasabihin sa papa ko na nililigawan mo ‘ko.” “Huh?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD