“Salamat sa pagpayag mo Julian, tiyak na matatapos ko kaagad ‘to, nahihirapan din kasi ako sa kung ano ang gagawin,” sinasalansan ni Alice ang kaniyang mga gamit na nasa desk na.
4pm na, tulad nga nang sinabi ni Julian ay wala ngang tao sa science lab ng ganoon oras.
“May dala nga pala akong snacks dito, baka sakaling magutom ka, may drinks din.”
“Busog ako, simulan na natin para matapos na ‘to. Gusto ko nang mauwi ng maaga,” hindi nagpakita ng pagkasabik sa kaniyang tono si Julian. Hindi nagustuhan ni Alice ang gano’n niyang pakikitungo sa kaniya, sana’y siyang binibigyan ng atensyon at pagmamahal. Ngunit dahil sa wala naman siyang magagawa bukod sa tanggapin ‘yon ay nanahimik na lang siya.
Nagsimula ang dalawa hanggang sa umabot ng 5:30pm.
“Tama na muna ito sa ngayon, marami na rin tayong nagawa,” sabi ni Julian habang inililigpit ang kaniyang mga gamit pabalik sa bag. Gano’n rin ang ginawa ni Alice ngunit nanatiling nakikiramdam sa bawat kilos ni Julian. Ang goal niya ngayong araw ay makasama ang lalaki at maihatid siya nito pauwi. Baka sakali na magbago ang takbo ng utak nito tungkol sa kanilang dalawa.
Naghintay nga siya na muling magsalita si Julian at ayain syang sabay ng umuwi, sa kasamaang palad ay deadma lang siya sa paningin nito. Matapos ang pagsabi nito na ayos na ang ginawa nila’y hindi na nagsalita pa ang lalaki.
“Julian,” aniya, Tinawag niya ito. Napatigil naman ang lalaki sa akmang pagbubukas ng pinto ng silid. “Sabay na tayong umuwi, gusto mo ba?”
…
“Vanilla flavor ‘yan, paborito mo kaya ‘yan ang kinuha ko. Sige na, kunin mo na.” Pilit kong iniaabot kay Julian ang ice cream na binili ko sa convinience store sa labas lang ng school ground. Ako na nga mismo ang kumuha sa kamay niya para iniabot ang ice cream dahil hindi nito iniintindi ang sinasabi ko kanina, masyadong malayo ang isip niya sa mga oras na ‘to.
Kahit hindi siya magsalita aya halata sa ekspresyon ng kaniyang mata na ayaw niya sa ginawa ko.
‘Hmp, nagtatampo kaya siya? Gustong-gusto niya na ngumingiti ako sa kaniya, isa pa kapag ako ang bumili ng vanilla ice cream ay hindi siya nag-aalinlangan na kainin ‘yon.’ Sa isip ko.
“Ayaw mo ba?” tanong ko.
Huminga ng malalim si Julian bago ako tinapunan ng kakaibang tingin. Walang sigla ang mga mata nito, para siyang pagod kahit na wala namang ginawang physical activity.
“Hindi mo ba alam na allergic ako sa vanilla?”Natural ang tono ng boses niya, mahina lang ngunit parang nang-uuyam.
“Huh?” Hindi ko alam ang tungkol doon pero kasi hindi naman siya nagrereklamo sa tuwing kumakain kami ng Vanilla ice cream.
“Pero kasi… hindi mo sinabi sa ‘kin, at saka ito ang parati nating binibili rito.”
“Dahil ‘yan ang gusto mo para sa ‘kin, tama? Hindi ako makakahinga sa Vanilla kung kakainin ko ‘yan. Hindi ako kakain niyan, maliban na lang kung may pinoprotektahan ako kaya ko susubukan kahit hindi naman dapat,” anito.
“Bakit mo parating kinakain ang ibinibigay ko sa ‘yo?” naguguluhan kong tanong ko sa kaniya. “Kung alergic ka rito ay bakit hindi ko napapansin sa tuwing kakain ka?” dugtong na tanong ko sa kaniya.
Alam ko kasi kapag may allergy ang isang tao ay nagkakaroon iyon ng reaction kung hindi man agad ay pagkatapos lang ng ilang minuto pa.
“Siguro dahil, importante ka sa akin noon? Hindi naman na siguro importante pa kung nakikita mo o hindi, wala ka rin namang pakialam.” pormal niya na sagot sa akin.
‘Noon?’
Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi ni Julian ngunit mas naintriga ako sa sinabi nito na ‘noon’.
“Noon lang? Ngayon ba ay hindi na talaga, Julian?” kasunod niyon ay ang paghawak ko sa kamay ni Julian. Ano nga ba ang kailangan kong gawin para lang mapabago ang isip niya? Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang nangyari’t biglang itong lumayo at nag-iba sa akin.
“Ha!” napabuga siya. “Alam mo ba kung sino ang may paborito ng Vanilla? Si Harold, bakit kaya hindi mo sa kaniya ibigay ‘yan?”
“Pero ikaw ang gusto kong pagbigyan, ba’t ka ba nagkakaganiyan ha, Julian? Ano’ng nagawa kong mali sa ‘yo? Huli nating kita ay naging maayos naman tayo, tapos kinabukasan ay bigla kang naging iba. Tell me, may problema ba sa pamilya niyo. Or did that woman seduced you?”
“Would you stop blaming someone Alice? Kung ano man ang nangyayari ay kagustuhan ko lahat, gusto kong maging maayos ang takbo ng oras at panahon para sa akin. Sooner or later, baka magkaroon din ng magandang epekto ito para sa ‘yo.”
Napasinghap ako, ano’ng magandang epekto naman ang sinasabi niya? Everything is a disaster.
“Bakit Julian, wala ba talaga akong dapat na sisihin? Ano, pinaasa mo lang ako, gano’n ba ‘yon? Pinaglaruan mo ang nararamdaman ko.”
Hindi agad nakasagot si Julian, bakit, dahil tama ako sa sinabi ko. Hinayaan niya lang din na makasanayan ko ang presensiya niyang nakabuntot sa akin.
“It’s better now than late, Alice.”
Wow, at talagang nag-ingles pa siya ha.
“Akin na nga ‘yan,” binawi ko na lang muli ang ice cream at itinapon ‘yon sa basurahan. “Sa iba na lang tayo pupunta.”
…
“Grabe, akala ko ba’y thesis ang gagawin nila, eh anong ginagawa nila rito? Ano, nagd-date sila?” Hindi ko maialis ang mata sa dalawang pigura na ‘yon. Dumating lang naman sila na hila-hila ni Alice ang kamay ni Julian, aba!
Nanggigigil talaga ako.
“Tignan mo ‘yang lalaki na ‘yan, ano tuwang-tuwa pa siya?” pagbulong-bulong ko pa.
“Miss, hindi mo pa ba ipu-punch ‘tong binili ko?”
Natauhan ako sa puntong ‘yon. “Ay sorry po ma’am, heto na po.”
Dito ako sa isang branch ng 7/11 sa may bay nakadestino, unang araw ko nga pala sa trabaho kaya dapat ay magpakita ako ng dedikasyon kung nais kong tumagal rito. Isa pa’y importante talaga ang partime job na ito, makakapag-ipon ako para sa susunod na pasukan. Malapit na rin ang pagkakatapos ng school year kaya magiging magandang opportunity ang pagpasok dito basta pag-iigihan niya lang.
“Thank you ma’am,” yumukod pa ako ng bahagya upang magpaalam sa customer na medyo mainitin ang ulo.
“Ano kaya kung tawagan ko siya?”
“Ano wala siyang oras para sagutin ang tawag ko? Huh!!” pero kalaunan ay narealize ko rin na hindi talaga sasagot ang lalaki na ‘yon. Masyado nitong kina-career ang pagiging strangers lang namin.
“Bahala ka nga kung ayaw mong sumagot, hindi ako masasaktan.” Wala namang customer pa kaya umalis muna ako sa counter upang magsalansan ng mga paninda sa stall. Pinunasan ko na rin ang ilan sa mga items dahil may bakas na ‘yon ng alikabok.
“Ano ba namang pang-umaga na naka-assign dito, busy ba siya para hindi man lang mapansin kung gaanoo na kadumi ang lalagyan ng mga paninda?” panay ang reklamo ko sa kabila ng paglilinis naman niyon.
Ting!
Uyy may customer. “Good Afternoon po-”
Eh?
“Ano’ng ginagawa mo rito?” laylay ang balikat ko na hinarap siya. Nagtungo sa counter at naghintay sa kung ano ang bibilhin niya.
“Hoy, Julian, ano sa ‘yo?” sunod ko pang sabi dahil na-estatwa na ito sa harapan ko.
“Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?” Ano sagutin ng tanong ang isa pang tanong?
“Obviously, dito ako nagtatrabaho.”
“Ahh…”
“So ano nga sa ‘yo? Bilisan mo na’t baka naghihintay na ang date mo.”
Teka, ba’t parang namumutla naman siya?
“Isang strawberry,” anito, na malayo ang tingin sa akin.
“Walang strawberry dito,” naisagot ko naman sa kaniya. Huli na ang naging reaksyon ko nang kunin niya sa harapang estante ang strawberry flavor na c*nd*m.
“What? H-heto ang b-bilhin mo?” P*tek, kanino niya gagamitin to? Nanginginig ang kamay ko na inabot ‘yon at naghintay ng magiging sagot sa kaniya.
Kay Alice niya ba gagamiton ‘to?
“Julian!” sigaw ko na maging ang bagong pasok na customer ay napaatras din sa gulat.
Ibibigay na ba niya ang kaniyang bataan? Hindi ba para sa akin?