“Aray! Aray ko po, tama na ma’am. Pabayaan niyo na po ‘yan, pakilagyan na lang ng band-aid,” labis ang pagmamakaawa ni Alliyah sa school nurse. Nakailang pagpahid kasi ito sa kaniya ng alcohol sa noo na nasa may bandang kilay niya. Kamalasan niya’y naabot pa rin siya ng isa sa mga babae na nakaaway niya kanina lang.
“Hindi puwde, masyadong mahaba ang sugat na ‘to. Namamaga pa, gaano ba kahaba ang kuko ng nakakalmot sa ‘yo?”
“Hiindi ko rin po alam ma’am, siguro’y may sa-aswang ang isang ‘yon eh.”
“Sa susunod kapag makikipagsabunutan ka’y sigraduhin mong hindi madadamay ang mukha mo, pangit naman kung matatadtad ka ng sugat riyan.”
“Aray Miss,” sa huling pagkakataon ay napasigaw si Alliyah. Mabuti at iyon na ang huling dampi ng bulak na may alcohol sa may noo niya.
“Sige na, ayos na ‘yan. Nalagyan ko na rin ng band aid, hindi mo naman kailangan pang magpaconfine kaya puwede na kayong bumalik sa mga silid niyo,” iyon ang huling sambit ni Ms. Gomez, ang dalagang school nurse bg BU.
“Salamat po ulit, ma’am. Babalik po ako kapag may naging problema pa.” Hindi na sumagot pa si Ms. Gomez kaya dumiretso na siya papalabas. Siya lang naman ang pasyento nito no’ng mga oras na ‘yon kaya mabilis lang siyang nalapatan ng gamot.
“Akala ko ba’y magbibihis ka lang, ba’t napunta sa pakikipag-away?” Iyon ang ibinungad sa kaniya ni Julian, nakasandig dito sa pader, sa tabi ng sliding door ng Clinic.
Alam ni Alliyah na naghihintay doon ang lalaki kaya nga gusto na rin niyang maaalis agad sa loob upang makitang muli ito.
“‘Yon naman talaga ang balak ko, eh ano’ng magagawa ko masyadong inggetera ang mga babaeng ‘yon. Hindi ko napigilan ang sarili ko.”
“Paano kung iniwan talaga kita do’n? Edi bugbog ka sa mga babaeng ‘yon.”
“Naku! Para namang maiiwan mo ang nililigawan mo eh. Natural alam kong babalikan mo ‘ko kaya nga sinugal ko talaga ang sarili ko doon no.” Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Julian, walang pakialam kung may mga matang nakamasid sa amin. Masaya naman akong makasabay ang crush ko, sa susunod ay dapat nakaholding hands na kami while walking.
Pumintig bigla ang tainga ni Julian sa pinagsasabi ni Alliyah, pinapanindigan talaga nito ang tungkol sa deal na inalok sa kaniya. Oo pumayag siya pero wala naman sa bokabularyo niya na tototohanin ‘yon. Isa pa ang main goal niya ngayon ay hindi tungkol sa pakikipagrelasyon. Ang pagbabago sa kaniyang tadhana ang nais niyang pagtuunan ng pansin.
“Ang kulit mo rin talaga e, no? Seryoso ka talaga sa pingsasabi mo? Alliyah, paprangkahin na kita, wala akong balak na magkaroon ng kasintahan, lalo na sa ‘yo. Tinanggap ko ang deal moo dahil wala na akong choice no’n, sana ‘wag mo masyadong masamain ‘to pero hindi kita type.”
Wala nang paligoy-ligoy pa, mas maigi na ang ganito kaysa umasa siya sa wala.
Napanguso na lang din si Alliyah sa sinabi ng lalaki, nalungkot siya ngunit ano naman ang magagawa niya sa gano’n, hindi niya basta mapipilit ang isang tao sa gusto niya. “Ayos lang ‘yon, alam ko naman. Hayaan mo lang ako sa kabaliwan ko, kung iniisp mo man na aasa ako, hmm… OO aasa nga talaga ako, pero kung hindi ko naman mapapagtagumpayan na mapabago ang t***k ng puso moy tatanggapin ko na lang,” natawa si Alliyah sa kaniyang sinabi. “Eww, ang OA ko.”
Napatitig si Julian sa kasama, napakalaki ng confidence nito sa sarili na may chance nga na matutunan niya siyang magustuhan din.
“Okay, mas maigi na ‘yong nagkakaintindihan tayo.”
“Oo naman.” Mamaya’y naglakad si Alliyah na may halong bahagyang pagtalon-talon, para siyang isang bata na isang bagay na nakuha niya. “Pero ha, nagdadate tayo, ‘wag mong kalimutan. May 12 dayss pa ang process of dating natin, ambagal nga eh gusto ko sana maging magjowa na tayo.
Napailing-iling na lang si Julian, hindi niya akalain na may Alliyah sa panahon niya noon, masayahin at puno ng enery na babae.
Sa pagsagi sa kaniyang isipan ng tungkol sa kaniyang nakaraan ay naalala niya ang mga pangyayari noon. Halos lahat ng nangyari ay iba sa kung ano ang natatandaan niya noon. Lalo na ang tungkol sa babaeng kasama, noong pagkatapos ng Valentines party ay wala na siyang ibang nakakasama kundi si Alice lang. Mas lalong humigpit ang kalayaan niya noon pwera ngayon na kaya niyang gawin ang kahit na ano’ng gustuhin niya. Kayang-kaya niya lang na sagutin ang stepmother at kapatid niya.
‘Nababago ko na ba ang tadhana ko?’
“Huy! Julian, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?”
“Huh?”
“Hay! Hindi ka nga nakikinig.” Kumapit si Alliyah sa braso niya dahilan upang mapatigil sila sa paglalakad. Tinanong ni Julian ang babae kung ano ang problema nito ngunit tila bigla na lang itong nawalan ng boses. Dumikit pa lalo ang babae sa braso niya, para bang may kung anong pinagtataguan.
“Julian?”
Napalingon ang binata sa harapang gawi niya. Narealized niya bigla kung bakit gano’n na lang ang inasal ni Alliyah, narito si Alice sa harapan namin.
“Oh, Alice.”
“Pasensiya na kung kailangan kitang guluhin ngayon. I known naman na you already dumped me for a reason na hindi ko naman din malaman, pero kasi last month ‘di ba nangako ka sa ‘kin na tutulungan mo ako regarding sa thesis ko? Baka naman puwede na ngayon, kasi sisimulan ko nang gawin.”
Napakunot ng noo si Julian upang alalahanin kung sinabi niya nga ba talaga ‘yon. Pero mas lalo siyang nagtaka sa kung papaano nakakaya ni Alice na lumapit sa kaniya despite of what happened. Parang wala na lang ding nangyaring usapan sa pagitan nila.
“Oo sinabi ko nga ‘yon.”
“Huh? Tutulungan mo siya? Sasama ako.” bigla ay sumingit si Alliyah sa usapan na siyang ikinapabago ng hulma ng hitsura ni Alice. Gusto niyang masolo si Julian kaya hindi siya papayag na may asungot na mangingialam sa kanila.
“Ba’t ka sasama? Eh, hindi ka naman kailangan do’n.” May katarayan na approach ni Alice kay Alliyah.
“Oh bakit, bawal ba? Eh sa nililigawan ako ni Julian, kaya kasasama ko.”
“What?” Ikinabulalas ni Alice ang sinabing iyon ng babae. Hindi nga ito makapaniwala na gano’n kabilis lang pala siyang makakalimutan ni Julian.Ngunit mas pinili niya ang umakto na okay ang lahat, upang hindi siya lumabas na talunan. “ Hindi rule sa panliligaw ang gano’n.” dugtong na lang nito.
“Ah, basta, sasama ako.” Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Alliyah sa braso ni Julian.
“Ang epal mo-”
“Tumigil na kayong dalawa. Alice, magkita tayo mamaya sa science lab. 4pm. Walang gumagamit doon sa gano’n oras,” baling niya sa babae na labis naman nitong ikinatuwa. “At ikaw Alliyah…”
Tinapunan niya ng tingin si Alliyah na ngayon ay nakapuppy eyes sa kaniya, pilit na tinuturan siya kung ano ang dapat na maging desisyon nito. Napapikt pa nga siya dahil sa nagawa rin naman nitong bigyan sya ng nakakatuwang expresyon.
Dinutdot niya ang noo nito, tapos ay ginamit ‘yon upang mailayo ang ulo nito na nasa balikat niya nakapatong.
“Umuwi ka na after class, bukas tayo magkita.’
“Pero bakit-”
“Wala ng pero pa, kapag nakita ng papa mo ang sugat mo ay magtatanong ‘yn, paano pa kung hindi ka umuwi sa tamang oras.”
Ilang sandali pa’y tila naintindihan naman ni Alliyah kung ano ang point ni Julian kaya nakasimangot na tumango na lang siya. Ngunit binawi niya rin agad ‘yon ng maalala na may bagong partime job nga pala siyang papasukan mamaya pag-out.
Tumango na lang din si Julian bilang sagot sa kaniya. Sinundan na lang niya ng tingin ang babae ng kumakaway ito habang papalayo na sa direksyon niya.
Sa isipan niya’y may kakaiba kay Alliyah na hindi niya nakita sa naging asawa sa hinaharap.