Episode 15

1486 Words
Hindi ko naman akalain na ganito magiging kahirap ang sitwasyon ko sa pagkakaroon ng ugnayan sa anak ng driver namin. Magmula ng araw na nagkaroon kami ng deal ay halos hindi na rin niya ako lubayan. Parati itong nagpapadala ng text message sa akin, nag-aabang sa pagdating ko sa umaga at maging ang pag-uwi ko. Dalawang araw matapos ang Valentines party, hiindi na rin naputol ang usap-usapan patungkol sa amin. Pinagkakalat na kasi nito na nagdadate raw kami, na hindi naman totoo. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng alibi noon ay hindi ako makikipagdeal sa kaniya, mas gusto kong kumilos ng sarili ko lang. Kung si Joker nga’y hindi ko na ipinasok sa mga plano ko sa pamilya ko’y siya pa kaya. “Pre, tignan mo nandiyan na nman ‘yong girlfriend mo.” Sinulyapan ko ang tinutukoy niyon. Nabitiwan ko ang kutsarang hawak nang makita si Alliyah sa may pinto ng cafeteria. Masigla itong kumakaway sa gawi ko. “Naku! Lagot ka na naman Julian,” sabat pa ni Janice na nasa tabi naan ni Joker, sumasabay sa amin sa pagsnack. Itinukod ko ang siko sa lamesa’t sinadyang takpan ang aking mukha ng palad. Ayaw kong makausap ang babaeng ‘yon, masyado siyang maingay para sa ‘kin. Hindi tulad ni Alice na mahinhin at tahimik lang minsan. Napailing ako sa naisipan na ‘yon, sumagi na naman sa utak ko ang mga gawi ni Alice ng maging asawa ko siya. Hindi, hindi puwedeng magpatuloy na maaalala ko pa siya. Pinutol ko na ang ugnayan namin nang gabi na ‘yon. Tumunog ang cellphone ko, at ang nakakainis lang ay numero ni Alliyah ang tumambad sa screen. Ba’t di na lang kaya siya pumasok sa canteen, kailangan tumawag pa talaga? “Puntahan mo na kaya, tignan mo, mukhang desperada ang mukha niya.” sita naman ni Joker. “Oo nga Julian, kawawa naman, puntahan mo tapos saka mo papuntahin rito. Baka nahihiya lang siya,” si Janice muli. Ano pa nga ba ang magagawa ko? “Ano bang problema?” bungad ko kay Alliyah. “May exam kami, busy ako.” Bungad ko sa kaniya nang makalapit ako. “Alam ko naman ‘yon, pero kasi kailangan ko ng tulong mo, please?” pinagdaop pa nito ang mga palad niya sa harapan ko. Pero ang mas weird sa kaniya ay ang pagdikit nito sa pader na animo’y may itinatago. “Ano ‘yon? Bilisan mo’t may gagawin pa ‘ko.” utos ko sa kaniya. “Ano kasi…” Aba’t pabitin pa talaga? “Ano nga?” medyo tumataas na ang boses ko sa kaniya. Kaya nang lumapit siya upang bumulong sa ‘kin ay pinangkinggan ko ng mabuti at nang matapos na agad. “What?” “Oo, sige na naman oh.” “No way! Mag-utos ka sa iba Alliyah, sa kapwa mo babae.” Akmang tatalikuran ko na siya ng hilain nito ang kamay ko pabalk. “Pero wala akong matinong kaibigan dito, ikaw lang ang alam kong makakatulong sa ‘kin.” “No-” “Please, please…” … Malagkit ang naging tingin sa akin ng ilang kababaihan sa loob ng convinience store sa loob ng University. May ilan na napapangiti at ang ilan naman ay tila pinagtatawanan ako. Nakakahiya rin talaga ang sitwasyon na ‘to sa panahong kinarororonan ko, pero wala akong magagawa. Sa 2023 ay hindi na gano’n ka-issue ang pagbili ng sanitary napkin ng kalalakihan. Ang iba nga’y kina-iinggitan pa ng ilang babae, gusto nila ng lalaki na handang suportahan ang kanilang girl problems. Sanay naman na akong pumili ng ganito kaya walang naging problema sa ‘kin. “Heto lang po ba, sir?” tanong ng cashier. “Oo,” sagot ko. Ngunit ng pakita ko ang tsokalateng display sa may harapan ng counter ay kumuha ako ng dalawa’t isinabay na sa pagbabayad. “Ano ‘yan, napkin? Si Julian bumibili niyan? Para kanino?” “Hindi naman sila ni Alice, right?” “Baka doon sa girl na kasama niya no’ng party.” “Baka nga.” Iyon ang ilan sa narinig kong naging komento ng ilang babaeng bumibili din sa loob. Hindi ko mawari kung nabibilib sila sa ginagawa ko o magchi-chisis lang talaga sa buhay ko. “Thank you sir, come again.” Tumango lang ako bilang tugon sa cashier at saka nagtungo na kay Alliyah. Inabutan ko siya sa labas ng isang comfort room sa first floor ng kanilang department. Masaya nitong kinuha sa kamay ko ang supot ng pinapabili niya. “Thank you Julian, the best ka nga talaga.” aniya. Napansin ko ang dala nitong pares ng P.E uniform, ito ata ang ipampapalit niya sa natagusang palda. “Sige, mauna na ‘ko.” “Huh? Aalis ka na? Wait lang naman, hintayin mo na kaya akong makatapos dito.” “Kaya mo na ‘yan Alliyah, ano ka ba naman.” Nagreklamo na talaga ko rito. Masyado na siyang demanding sa mga gusto niya. “Hindi, hintayin mo na ‘ko kasi may ibibigay ako sa ‘yo pagkatapos. Saglit lang, magpapalit lang muna ako. Pakihawak na lang niyong cellphone ko ha.” “Ano-” Wala na, hindi na naman ako nakapalag sa kagustuhan ng babaeng ‘to. … “Mabuti na lang talaga’t napakiusapan ko siya dahil kung hindi’y magdurugo na ‘ko nang sobra dito.” Malawak ang ngiti ko’y hinugasan ang sarili’t nagpalit ng suot. Pinalitan ko na pati ang blusa ako, pangit naman ata kung jogging pants tapos blouse ang partner. “Hihintayin kaya niya ‘ko?” pakikipag-usap ko pa sa sarili. Ngunit ang kasiyahang nasa mukha ko’y napalitan ng pananahmik at kyuryosidad nang mapakinggan ang usapan ng hindi kilalang babae sa labas ng cubicle. “Grabe si Jullian ano? Akalain mo ‘yon bumili ng napkin?” “Gentelman ang tawag do’n sis, hmm… sana gano’n din ang future boyfriend o husband ko.” Natuwa ako sa narinig na ‘yon kaya binilisan ko ang pagpapalit at idinikit pa ang tainga sa pinto. “Same here. Pero ang tanong ay kung para kanino ‘yon.” Do’n biglang nangasim ang mukha ko, natural na magiging issue nga nila kung para kanino ang binili nito. “Ang usapan ay doon sa nakadate nito no’ng party, sino nga ba ‘yon?” “Hindi ko rin kilala, isa siyang dakilang nobody.” Nagtawanan ang mga ito habang siya’y kunot ang noo’t nagtitimpi lang. Wala ba si Julian sa labas ngayon? Dahil kung naro’n ‘to sigurado na mababanggit nila ‘yon. Mukhang iniwan nga siya ni Julian sa loob. “Jusme, kung ang babaeng ‘yon lang naman ay ‘wag na. Ako na lang ang jowain niya. Mas maganda naman ako kaysa ro’n, no.” Aba’t! “Hindi pala uubra si Alice sa isang Kordal, naungusan pa siya ng isang low level student.” “Truth sis, at ang chismis pa’y tsimay ang isang ‘yon. Anak ng low profile sa society.” At ano daw? “And ang tatay daw ay driver lang nila Julian, naku baka kung napainom na ng gayuma si Julian kaya nagkagano’n.” “Kinukunsinte ng tatay, grabe!” Hindi na ‘ko nakapagpigil sa mga pinag-uusapan ng tsismosa na nasa labas kaya naman hinarap ko na sila’t kinumpronta. “Totoo naman ang sinabi namin, ha. Mali ba?” Imbes na magsorry at bawiin ang sinabi mas lalo panh dinagdagan ng dalawang bruha. Ginagalit talaga ako. “Inggit na inggit ba kayo sa ‘kin? Pasensiya na kung ako ang type ni Julian. Mainggit na lang ka ‘yo.” “Wow! Feelingera ka rin.” “Eh, ano ang tawag sa inyo kung ako ang feelingera? Inggitera, gano’n?” Sa sobrang pagpo-provoke ko sa mga ito’y hindi na naging maganda ang kinauwian ng pag-uusap na ‘yon. … “Napakaarte mo, ang pangit mo naman!” Alliyah “Ouch, bitiwan mo ‘ko!” Girl 1. “Hindi mas bagay ‘to sa ‘yo!’ Alliyah ulit. “Itulak mo siya, dali!” utos ni girl 1 sa kasama niyang mukhang espasol sa kapal ng pulbos na inilagay nito sa mukha. “Sa susunod pipiliin niyo kung sino ang babanggain nyo ha!’ Alliyah. “Mga inggitera nga kayo.” “Help…” “Aray, tama na!” “Pagbubuhulin ko pa kayo, wait lang.” “Alliyah, tama na ‘yan!” mula sa likuran ay inawat siya ni Julian na galing pa sa kung saan. Ngunit dahil sa mas umiiral ang pride at inis ni Alliyah ay hindi ito tumigil hanggang sa pumagitan na ang lalaki upang saluhin ang nakambang na ganti ng dalawang babae sa kaniya. Nagkaharap sila, nakatukod ang kamay ni Julian sa pader na kinasasandigan niya. Hindi mapatda ang pagka-amaze ni Alliyah sa maamong mukha ni Julia n, mabango rin ito’t makisig. Ramdam niya ang hininga nitong tumatama sa kaniyang leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD