Episode14

1128 Words
Ba’t kasi pinatulan po pa ang Harold na ‘yon? Lasing siya, sana’y pinabayaan mo na lang.” Hindi mapatda ang bibig ko sa kakasermon kay Julian habang nilalapatan ng yelo ang pasa sa kaniyang may labi. Aba naman kasi nakipagbanatan pa sa kapatid niyang wala naman ibang alam kundi ang magmayabang. “Ano’ng gusto mong gawin ko, pabayaan na insultuhin niya ang ina ko? Aray!” Napatigil ako sa sagot niyang ‘yon, It was not my point, pero ‘wag na baka hindi lang kami magkaintindihan parehas na rason namin. “Okay, sige na, mali na naman nga siya kung gayon. Siguro nextime ay mas lawakan mo na lang ang pasensiya mo. Para namang hindi mo kilala ang kapatid mo na ‘yon, sadyang mainit na talaga ang dugo no’n sa ‘yo noon pa.” Patuloy lang ang pagdadampi ko ng towel na may yelo sa kaniyang sugat. Nanggigigil ako sa kaniya, lalo na sa ganitong malapitan na posisyon namin. Kitang-kita ko kung gaano kakinis ang mukha niya’t kung ilan ang maliit na nunal sa may malapit sa kaliwang mata niya. “Ako nang bahala niyan, at saka hindi naman masakit para lagyan pa ng ganiyan. Tara na’t iuuwi na kita, tiyak na naghihintay na ang papa mo sa ‘yo.” Pilit niyang inilagan ang ginagawa ko, ngunit hindi ako nagpatinag sa kaniya. Wala na rin naman siyang dapat na ipag-alala pagdating kay papa, nakatawag na ako sa kaniya’t nasabi ang nangyari kaya naman hindi na ito mag-eexpect ng eksaktong alas dyes na uwi ko. “Huwag ka na lang malikot, Julian, tapusin ko na lang ‘to saka mo ‘ko ihatid. Alam na ‘to ni papa kaya relax ka na diyan.” Mukha naman na napapaniwala ko siya sa mga tinuran ko. Inismiran ko siya ng kaunti, sarap niya pingutin sa tainga sa ka-artehan niya. “Alam mo, ba’t hindi na lang kayo magkasundo ng kapatid mo, eh no? Parehas kayong may mataas na inaaapakan eh, walang gustong magbigay. Pero speaking of pagbibigay ay ikaw ang pinakamababang tao na nakilala ko eh. Parati kang nag-i-step down para sa kapatid mo na ‘yon. Ano bang nangyari? These past few days marami ang nakapansin ng pagbabago mo.” tuloy-tuloy ang tanong ko na ‘yon sa kaniya. Sobrang naka-ka-curious naman kasi. “It’s none of your business, okay?” “Hmmp, damot magshare. Bahala ka, kapag gusto mo nang ikuwento’y sabihan mo na lang ako. Magdadala akong boy bawang at soda para mapag-usapan natin ang tungkol do’n.” “Ang gulo mong kausap, kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo. Halika na, tumayo ka na riyan para makauwi na tayo.” Nauna na itong tumayo sa ‘kin. Nasa labas lang naman kami ng isang convinience store at doon naglapat ng first aid sa kaniya. “Ano ba naman ‘to, sobrang excited. Sayang ang time natin together,” pagbibiro ko sa kaniya. Isang malagkit na titig ang ibinigay niya sa akin, nakasuksok ang mga kamay sa loob ng bulsa nito’t para bang hinihiwa ang pagkatao o sa kaniyang titig. “Bakit?” maang na tanong ko sa kaniya. Umayos naman ng kaniyang pagkakatayo si Julian, ilang segundong hindi ito nagsalita hanggang sa madinig nito ang isang musikang pinatugtog sa store ay nakakilos na siya. Napakamature na niya kung titignan, ang mga kilos nito’y hindi ayon sa isang College student. “Ano ba talaga ang balak mo sa pakikipagkasundo sa akin Alliyah? Pera ba? Fame? O di kaya’y ang katawan ko?” Napabuga ako ng hinga sa mga sinabi niyang ‘yon, hindi ko na nga sana seseryosohin pa ‘yon ng bigla nitong mabanggit ang katawan. Hindi pa naman ako gano’n ka attracted sa katawan ng isang lalaki, no. Masiyado siyang Over Acting. “Lasing ka rin ba? Kung ano-ano na ring lumalabas sa bibig mo, mga walang katuturan Julian, alam mo ba ‘yon?” “Pero bakit nga?” “Sus, nakakahiya naman kung sasagutin ko talaga ‘yan Julian. Akala ko naman matalino ka para magets agad na gusto kita. Matagal na kitang type, ganito pa lang tayo kaliit.” Idinemo ko sa ere kung ano ang taas na tinutukoy ko sa kaniya. Actually, highschool pa lang kami ay crush ko na siya, hindi nagbago ‘yon hanggang sa oras na ‘to. “Hindi ka makapaniwala, no? Pero ‘yon talaga ang katotohanan Julian. Nagtapat ako sa ‘yo no’ng bago magsembreak kaso’y dinedma mo lang ako, mukha pa ngang hindi mo ko naaalala mula sa insidente na ‘yon, eh. At hindi lang ‘yon, taon-taon ako kung mag-alok sa ‘yo na lumabas pero ni isa’y hindi ka sumagot ng Oo. Ano, hindi mo matandaan?” “Hindi. Wala akong matandaan, ang alam ko na unang araw ng pagkikita na ‘tin ay doon sa corridor, wala ng iba,” napakaseryoso ng reaksiyon ng mukha niyang ‘yon. Talaga bang hindi niya ako mamukhaan? So parang baliw lang ako ng mga oras na iyon? “Grabe ka sa ‘kin. Tsk. Palibhasa kasi puro si Alice ang nakikita ng mga mata mo eh. Na-echapwera na ang ibang tao na gusto rin sanang maging parte ng mundo mo.” “Gano’n nga ata siguro kalalim ang attachment ko sa kaniya, na nagawa kong itulak ang mga taong tunay na willing maging kaibigan ko,” aniya. Naglikot ang mata niya sa paligid, madilim ang kalangitan na tanging mga bituin at street light ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. “Truth Julian, kaya naman kung gusto mong mas maging masaya ang entire life mo ay narito lang ako, handang maging jowa mo. Yay!’ Hindi ko pinigilan ang daliri na sundutin siya sa bandang tagiliran. Napaigtad ito sa gulat kaya sinaway niya ko’t sinabihang malakas ang kiliti niya ro’n. “Basta tuloy lang natin ang dating natin, bale thirtheen days left lang bago kita sagutin.” tuwang-tuwa ako sa isipin na ‘yon. At last may possibility sa salitang ‘kami’. “Sagutin ako? Hindi naman ako nanliligaw sa ‘yon.” Nagsimulang magmartsa si Julian patungo sa kaniyang kotse, tila ba alam nito na susunod ako sa kaniya kahit ano pa ang mangyari. “Opps! Wrong word Julian, akala mo lang na hindi, pero oo, oo, oo. Kaya naman pagbutihin mo para makuha mo na ang matamis kong oo.” May patalon-talon pa ako habang nagd-dreaming tungkol sa aming dalawa. Maya ay napaigik naman ako sa kilig na naramdaman. “Kaya naman fighting lang Julian, madali lang naman akong suyuin, eh.” Parang hindi na nakayanan ni Julian ang maganda kong presensiya, nahilot na kasi nito ang sentido niyo bago ako sapilitang ipinasok sa sasakyan. Ihahatid niya na raw ako sa bahay bago pa niya ako iwan dito sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD