“Puwede ba tayong mag-usap Julian?”
“Tungkol sa’n?”
Gusto kong matawa sa naging sagot ni Julian kay Alice, hindi ko naman inaasahan ang gano’n, lalo pa’y ang mindset ko pa rin tungkol sa kanila ay nagliligawan sila. Pero dahil sa mabuting tao ako’y nilagyan ko ng invinsible zipper ang labi ko.
“Tungkol sa ilang bagay,” ani Alice. Sinulyapan ko siya sa kaniyang suot, maganda siya kahit na anong klaseng damit pa ang isuot sa kaniya. Simple man o magarbo ay tumitingkad pa rin ang likas nitong ganda. Pasulyap ko namang tinignan ang sarili ko, infairness nagmukha akong tao ngayon.
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Julian, bago muling nagsalita.
“Sa susunod na lang Alice, hindi ayon ang lugar at pagkakataon para sa gusto mong pag-usapan.”
“Ano bang problema mo Julian? Okay naman tayo no’ng nakaraang mga araw ha. Ba’t parang bigla ka na lang nagbago?” tanong nito. “Tell me, may kinalaman ba ang babaeng ‘yan?”
What? Bakit nasali naman ako sa usapan ngayon?
Maraming mga mata na ang nakatingin sa gawi namin kaya naman sinenyasan ko si Julian tungkol do’n. Umismir lang siya’t walang pakialam sa mga tsismosa sa paligid.
“Walang kinalaman si Alliyah dito, mas maigi kung tanungin mo ang sarili mo tungkol sa problema Alice.”
Umiling-iling si Alice bilang pagtangi sa mga turan ni Julian, nagtatagis ang kaniyang mga ngipin, siguro’y dala ng inis o di kaya’y galit.
“Bakit hindi mo na lang ako deretsahin Julian? Ano ba ang balak mo?”
“Ayoko ng eskandalo Alice, mas lalong ayokong mas lalo ka pang mapahiya. Kaya umalis ka na muna, sa susunod tayo mag-usap.”
“Hindi Julian, ngayon mo sabihin ang kailangan kong malaman. Wala naman sigurong mababago kung ngayon na,” ani pa nito. Maya-maya ay sa akin naman ibinaling ni Alice ang tingin niya. Nakakapaso iyon na animo’y tutunawin ako sa sobrang init.
Bilang sagot ay tumayo si Julian, nakapamulsa’t humarap kay Alice. “Fine. If that’s what you want, pinuputol ko na ang ugnayan ko sa ‘yo.”
Mahina lang ang pagkakawika niya na ‘yon, kung hindi lang ako malapit sa tabi nila’y hindi ko na maririnig ang mga tinuran niya. May iba pang sinasabi si Julian, pero dahil sa sounds na lumalakas na ay nawalan ako ng koneksyon sa usapan nila.
Ang sunod na nangyari’y sinampal na lang ni Alice si Julian, sa gulat ko nga’y napatayo ako upang daluhan na ang kanilang tila pagtatalo.
“Jerk!”
“Ano bang ginagawa mo Alice. Bakit nananakit ka?”
Pinigil ni Julian ang kamay ko, ngunit dahil sadyang matigas din ang ulo ko’y iwinaksi ko lang ‘yon at hinarap si Alice. Nagngingitngit ang mga mata nito sa galit.
“Huwag kang magialam dito. Hindi ikaw ang kinakausap ko. But then…” plinasteran niya ‘ko ng tingin. “Wala ka nga ba talagang kinalaman sa inaasal ni Julian?”
“Bakit naman napunta sa ‘kin ang usapan? Kung nakikita mo man kami na magkasama ng suitor mo… dati, eh hindi ko na kasalanan. Baka kasi hindi mo iningatan kaya hindi ka pinursige.” matapang kong sagot sa kaniya.
“Huh? Wala kang alam tungkol sa ‘kin, sa amin, sino ka nga ba ulit? I don’t even recognize you. Kaya itikom mo ‘yang bibig mo.”
“Wow, kung makapagsalita akala mo naman sobrang linis mo, huy, maghunusdili ka. Alam mo na kung gaano kasangsang ang bahong itinatago mo, o baka gusto mong sabihin ko pa kung ano ‘yon para maalala mo.”
Hindi ko na napigilan ang bibig, sikreto dapat ‘yong nalalaman ko kaso hindi ko ata mate-take ang pagiging maarte ng babae na ‘to. Akala ko pa naman mabait siya at role model sa iba, hindi naman, hindi ko lang din talaga ma-admit sa sarili ko.
Hindi siya nakapagsalita sa mga sinabi, for sure natamaan siya ng kaunti.
“Ano’ng sinasabi mo Alliyah?” Ngayon ay si Julian na ulit ang nagtanong sa akin, naguguluhan ang ekspresyon sa mukha nito.
“Wala, basta,” sagot ko sa kaniya.
“Ikaw, puwede ka na sigurong bumalik sa puwesto mo ‘no? Nakakasira ka ng gabi, alam mo ba ‘yon?”
Kulang pa ang mga nasabi ko sa kaniya, pero syempre sa susunod naman ‘yong iba para mas exciting.
…
Hindi pa naman tapos ang Party ay umalis na kami ni Alliyah, ayokong biguin ang pangako ko kay Mang Nardo. Ten pm ay dapat nakauwi na si Alliyah sa kanila, kaya naman Nine thirty pa lang ay umali na kami roon na siya naman hindi ikinatuwa ng babae.
“Julian naman eh, ano takot na takot ka sa papa ko? Dapat twelve na tayo umuwi tutal may sasakyan ka naman hindi tayo mahihirapan,” panay ang pagmamaktol sa ‘kin ng kadate pero hindi ko siya pinapansin. Ayokong madagdagan ang problema sa ibang tao.
“Julian, hoy!”
“Pumasok ka na,” binuksan ko ang front door para sa kaniya.
Dala ko ang isa naming kotse, pumayag naman ang papa ko kahit na ang laki ng pagkagulat niya sa hiningi kong pabor. Usually kasi kapag ganitong ga event at may driver ako o di kayang sumasabay kay Joker. Parehas kaming nag-aral magmaneho ng sasakyan ni Harold noong fiftheen lang kami kaya maging ito ay nakakotse rin nang pumunta.
“Gabi na, isa pa, may mga susunood na araw pa naman. Ayokong mapagalitan pa tayo parehas ni Mang Nardo.”
Nang marinig ang pangalan ng ama niyang tumahimik na lang siya kahit na tila may gusto pang sabihin. Ipinagpatuloy ko ang pagbuhay sa sasakyan, ngunit habang nasa gitna ng ginagawa ay napamura ako sa biglang pag-uga sa may likuran. Hindi lang basta simpleng uga iyon, may bumundol sa kotse ko.
“Ano ‘yon?”
“Dito ka lang, ‘wag kang lalabas.”
Tinignan ko kung ano ang nangyari. Subalit ang kyuryosidad ko’y napalitan ng galit ng mapagtanto na si Harold ang may gawa ng komosyon na ‘yon. Lasing na ito, susuray-suray sa kaniyang paglalakad at kakaiba ang ngiti na nakapaskil sa mukha, nakakaloko.
“Ano naman ‘to Harold?”
Magsisimula na naman siya ng gulo sa pagitan namin,panigurado.
“Wala naman gusto ko lang sabihin sa ‘yo kung gaano ka kahusay.” Habang tumatawa ay ipinapalakpak nito ang mga kamay. Napailing na lang ako sa labis na disappointment na ginagawa niya. Masiyado niyang dinudumihan ang pangalang Kordal.
“Umuwi ka na.”
“Hindi Julian, mag-uusap tayo, dahil gusto kong malaman kung ano bang kalokohan ang pinaggagawa mo.”
“Wala akong ginagawa bukod sa ayusin ang takbo ng buhay ko. At mas maigi na gano’n din ang gawin mo.”
Humagalpak ng tawa ang kapatid ko, langgo na nga siya sa alak. “Tatawagan ko si Terra-”
“B*bo ka ba talaga Julian? Bakit hindi ka makaramdam na ayoko sa ‘yo? Na hindi ka nararapat sa pamilya namin?”
Hindi ako sumagot, magiging walang sense lang dahil lalaban ako sa isang taong pawala sa sarili niya.
“Ba’t di ka na lang kaya maglaho?”
“Maghintay ka rito, may magda-drive para sa ‘yo,” sabi ko. Hindi na ‘ko mag-aaksaya pa ng panahon para makipag-usap pa sa kaniya. Saka kami magharap kapag nasa matinong pag-iisp na siya.
Hindi pa siya tumitigil sa pang-aamok sa akin, mura at pang-iinsulto ang pilit niyang ibinabato sa ‘kin, na siya namang gawain na talaga nito noon pa.
Subalit ang pambabalewala ko sa kaniya ay tuluyang nawalan ng saysay ng isang mahalagang detalye ang hindi ko nagustuhan mula sa bibig niya.
“Parehong-pareho nga kayo ng tunay mong ina, hindi lang kayo humahabol sa pera namin, nanloloko pa kayo.”
Punch!