Episode 12

1174 Words
February 14, 2006 BU Valentine’s Party Magarbo ang naging paghahanda ng Bekket University sa matagal ng plinanong party sa loob ng kanilang paaralan. Puno ng nagkukutitapan na mga ilaw ang stadium, malakas ang sounds na nagmumula sa malalaking speakers na pagmamay-ari rin nila. Seven thirty ang call time ngunit six pa lang ay halos naroon na ang lahat. Puno ng excitement ang crowd, iba’t-ibang uri ng Prom gowns ang masisilayan na suot ng BUcians. Bakit nga ba hindi, matagal nilang pinaghandaan ang pagkakataon na ito. Samantala, sa isang sulok ay mapapansin ang presensiya ni Harold kasama ang mga kaibigan nito. Katulad ng iba ay maaga rin siyang nagpunta, wala siyang date kagaya ng kaniyang mga kasamaan. Ang tanging dahilan lang naman niya kung bakit siya ay naroon ay para sa grado. Nagngingitngit siya sa galit dahil sa kakaibang patakaran sa kung sino ang dadalo at hindi dadalo sa naturang pagtitipon. Gagawa ng report at bawas puntos sa kanilang art professor ang sino mang malaman nitong wala sa gabing oyon. Na siya namang hindi niya dapat na makuha. Harold never wanted to be a failure, kung bababa ang grado niya’y tiyak na mauungusan siya ni Julian pagdating sa reputasyon. He doesn’t want him to be recognized by their father, beautifully. Terra, on the other hand, is busy having fun with her friends, She was just totally happy with her life. Ngunit ang panganay sa mga Kordal ay hindi pa dumarating, dahil bago siya nagtungo sa Party ay sa bahay muna ng mga Ferrer siya nagtungo, at ‘yon ay para masundo ang kaniyang date- si Alliyah. … “Alice, look!” “Oh, my gosh!” “Hey! Akala ko ba may sakit si Julian kaya hindi ka niya masasamahan sa party? Eh, ano ‘yan?” “Gosh, Alice, did he dump you?” Sunod-sunod ang naging tanong ng mga blockmates ni Alice sa kaniya. Sa totoo lang maging siya ay nagulat din sa biglang pagdating ni Julian. Ilang araw siya nitong iniwasan, hindi tinext o kaya’y dinaanan man lang sa kaniyang room, na sobrang ipinagtaka niya. Julian was his persistent suitor, pitong buwan na rin, and now she doesn’t know what happened. Ni hindi man lang siya kinausap nito kung ayaw na ba niyang ipursige ang panliligaw o ano pa man. “Ahmm…” hindi alam ni Alice kung ano ang idadahilan sa mga ito. Iniyuko niya ang ulo para sa kahihiyan na nararamdaman. Hindi niya akalain na dededmahin lang siya ng lalaki. Kung napagtanto man lang sana niya’t tinanggap niya sana kahit ang isa sa daang nag-aaya sa kaniya para sa gabing ito. Hindi sana siya naging katawa-tawa sa harapan ng mga kaibigan. “And look kung sino ang kasama niya? A nobody, I think, ‘cause I don’t know her,” puna ng isa sa naka red cocktail dress. Si Pamela. Sinulyapan ni Alice ang dalawang pigura na naglalakad patungo sa Venue. Ang linis tignan ni Julian sa kaniyang semi-formal attire, para siyang isang young CEO, pares pa sa pulidong pagkakaayos ng buhok nito. Sa kaliwang braso nito’y nakakapit ang babaeng naka white tie, she was beautiful for that dress. Nagtiim ang bagang ni Alice sa eksena na ‘yon. She thought that she should be the one clinging to Julian, she must be the one wearing that gorgeous dress. Hindi ang suot niya ngayon na inarkila pa niya sa halagang seven hundred pesos sa patahian. “Girl, ano ‘yan? I thought sasagutin mo na si Julian ngayon? Ano’ng nangyari?” “I-I don’t know either. Pero kailangan kong alamin ‘yon, what if that woman threaten Julian for this. No, I must be on his side.” Matapang na sabi ni Alice sa harapan ng kaniyang mga kaibigan. That was she was, a boasting to impress her colleagues. “Yes! That’s the power,” ani naman ng isa pa. Kaya naman habang hindi pa nagsisimula ang party ay tumayo na si Alice upang komprontahin si Julian sa ginagawa ito. … “Grabe, hindi ko akalain na ganito pala ang eksena tuwing School party, ang ganda.” “Bakit? Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganito?” tanong ko kay Alliyah. Naglalakad kami ngayon patungo sa mesang kinaookupahan ni Joker at ng girlfriend niton si Janice. Nahuli kaming dumating dahil sa pagpapalit ng damit ni Alliyah. Nadatnan ko lang naman siya na nakadenim pants at pink shirt na may print pa na mga puso. Mabuti na lang at may dala akong damit na para sa kaniya talaga. “Oo kaya, sa pelikula ko lang nakikita ang mga ganitong eksena, malay ko ba na magagawa ko rin pala,” ani pa nito. Mahigpit siyang nakakapit sa braso ko dahil sa pag-ika-ika niya habang naglalakad. Sakto lang naman sa taas ang suot niyang sandalyas pero kung maglakad akala mo ay tambay sa kanto. “Isa pa Julian, ang sakit na ng mga paa ko. Dapat ay pinagsuot mo na lang ako ng rubbershoes eh.” Kanina pa ‘to nagrereklamo tungkol sa suot niya. Wala naman din akong nakikitang masama sa hitsura niya. “Tiisin mo na lang, dalawang oras lang din naman ang itatagal natin dito. Ten pm ay ihahatid na kita pauwi sa inyo, ayoko na mapagalitan ni Mang Nardo kapag hindi ako sumunod sa oras ng uwi mo.” Pagpapaalala ko sa kaniya patungkol sa kasunduan nila ng kaniyang ama tungkol sa pag-uwi. “Ano ba ‘yan si Papa, paano pa tayo niyan makakapagdate kahit saglit kung may cerfew ako? Ay nako!” Pinaningkitan ko ng mata si Alliyah, hindi ko naisip na ‘yon pa ang priority niya imbes na ang kaligtasan sa pag-uwi. “Oh, makatingin ka naman diyan, ‘di ba two weeks tayong magdi-date tapos ay after two weeks magiging magjowa tayo. Siyempre dapat pagkatapos ng party ay dadaan muna tayo sa kung saan bago dumiretso sa bahay,” seryoso ang mukha ni Alliyah habang sinasabi ang mga ‘yon. Aware ba siya sa mga sinasabi niya? “So, ano sa’n tayo pupunta?” Nakakairita si Alliyah sa totoo man, hindi naman ganito ang mga asta ni Alice na naging asawa niya. Medyo conservative iyon at hindi basta-basta ngsasabi ng mga gusto niya. “Ah, sige ako na ang mag-iisip, may alam akong magandang pasyalan sa gabi,” iginalaw-galaw pa ni Alliyah ang pares ng kaniyang mga kilay. Para ba itong nagsasabi na siya na ang bahala, magtiwala lang siya na labis naman niyang ikinakilabot. “Hindi, ayoko.” “Ayy! Ano ba ‘yan, ang KJ naman nito.” “Hindi puwede, ayoko Alliyah. Tigilan mo ‘ko.” “Sige na.” Napaigtad na lang ako ginawa nitong pagsundot sa tagiliran ko. “Uy!” Hindi na siya tumigil sa pangkikiliti sa akin, lalo pa nang makarating na kami sa table 40 na ini-reserve na Joker para sa amin. Ngunit ilang saglit pa’y natigil na rin si Alliyah sa pang-aasar nang may sambitin si Joker na pangalan, sa may likuran ko nakatingin ang kaibigan kaya naman sinundan ko ito. “Alice.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD