Successful ang plano ko para kay Harold, pumayag si papa at wala na silang magagawa pa ro’n. Si papa pa rin ang batas sa bahay. Alas dos ng madaling araw, nagising ako para magbanyo. Umuulan, at malamig din ang aircon sa loob ng bahay kaya mukhang napuno na ang pantog ko dahil do’n. Nang matapos ay nakaramdam naman ako ng gutom. Hindi nakikisama ang katawan ko sa inaantok ko pang mga mata. “Kahit tubig lang, iinom ako.” Madilim ang kabuuan ng salas, pagdungaw ko mula sa hagdan ng second floor ay parang gusto ko na lang bumalik sa higaan. “Nakakatamad.” Pero dahil sa nandito na rin naman na ako ay itinuloy ko na. Nagsaling ako ng tubig sa baso at naghanap ng puwedeng makain sa refrigirator. “Ano ‘yon?” Isinara ko ang fridge at dinampot ang baso ng tubig, sinimulan kong inumin iy

