Kanina pa ako nag-aabang kay Terra, gusto ko siyang makausap ng kaming dalawa lang na hindi malalaman ni Harold. Hindi na ako makatulog ng mga oras na malaman ko ang isa sa lihim na itinatago nila sa akin, sa amin ni papa kung hindi man nga niya alam ang tungkol doon. Gusto kong malaman mula sa bibig niya kung tunay nga ang narinig ko. At isa pa, itatanong ko rin kung siya lang ba ang hindi ko kapatid, kadugo o ano man ang tawag doon. Dahil kapag nalaman ko na maging si Harold ay hindi ko rin kadugo ay isasampal ko agad sa pagmumukha ang lahat ng ginawang pangmamaliit sa akin. “Terra.” “Kuya, b-bakit?” Wala na si Harold, nauna na sa kaniyang department. “Mag-usap tayo.” Hindi makatitig nang matagal si Terra sa akin, alam na niya siguro kung ano ang kailangan ko sa kaniya. Sumama sa

