Chapter 8

1321 Words
TW: HARRASMENT ***** ***** Nagmadali akong bumaba at inikot ang kabilang rink para puntahan si coach na nagbibigay ng komento sa performance ni Winter. Saglit pang napatingin si Winter sa direksyon ko kaya napatigil sa pagsasalita si coach at binalingan ako ng tingin “Magpapaalam na po sana ako,” magalang kong saad dito “Sige mag-ingat ka, magpahinga dahil bukas may practice tayo maghapon at may bibisitahin tayong designer para sa new attire mo..” “Yes coach!” Sagot ko dito at ginawaran din siya ng yakap gay ang ginawa niya saakin bago ako pakawalaan at ibaling ang kanyang atensyon kay Winter. Lumabas na ako ng rink at tinakbo ang office ni Mr. Choi dahil 9:00 pm na at baka wala na siya doon. Marahan akong kumatok sa kanyang office at tanging boses niya lamang ang aking narinig mula sa loob ng office niya “Come in..” laking pasasalamat ko ng hindi pa siya nakakaalis. Bago ako pumasok ay tinext ko muna sila Casey na nasa office ako ni Mr. Choi at wag na silang mag-antay dahil baka matagalan pa ako at gabihin sila sa pagg-uwi nila’t mag-alala ang kanilang magulang. Agad ko sinilid ang aking cellphone at pumasok sa office niya ‘t naupo sa upuan na nasa harap ng table niya. “Good evening sir, pasensiya na po at natagalan..” paumanhin ko dito saka ibinaba ang aking bag sa tabi ng upuan. “Ano po iyong ipapagawa niyo? About po ba sa plates na ginawa ko?” tanong ko agad sa kanya dahil hanggang ngayon ay nakatuon parin ang atensyon niya sa monitor, napaka-rude naman kung sisilip ako para alamain iyon. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin. Nakaramdam ako ng kaba ng ngumiti siya at dahan-dahan inalis ang blazer. “Sobrang init, bubuksan ko lang ang air-condition” sabi niya at nagtungo sa likod ng pinto para palakasin. Dinapuan ako ng kaba ng i-lock niya ang pinto at tingnan ako ng may ngisi sa labi “Ayaw mo bang magchikahan muna tayo about sa practice mo, is it going well?” napakagat ako sa labi ko ng umupo siya sa table na nakaharap sa akin. “Yes..” tipid kong sagot dito at umiwas ng tingin Kinapitan niya ang aking baba at iniharap sa kanya “Walang problema sa mga plates mo, sa totoo nga lang ay gusto ko lahat ng iyon..” Nakaramdam ako ng takot ng hawakan niya ang labi ko at dilaan niya ang kanyang daliri. Marahas akong tumayo at malakas na itinulak siya ngunit nahawakan niya ang aking buhok at hinigit ang aking bewang at ini-lock iyon sa likod ng matigas na upuan. Gustong umiyak dahil sa sakit ng likod ko na para bang inaalisan ako ng buto. Nagsimula na akong magpanick at hindi makahinga ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking hita. Sa kabila ng makapal kong leggings ay ramdam ko parin ang kulondot niyang mga kamay. “help!!” pinilit kong buo-in ang aking boses kabila ng takot at panginginig ko ‘I need you Cha, Casey please I’m begging you all save me from this maniac old man!...’ Napangibit ako ng sampalin ako ni Mr. Choi at suntukin ang aking sikmura. Mahapdi na din ang aking balikat ng kapitan niya iyon ng mahigpit. Napabaluktot ako sa sakit. “Akala mo makakatakas ka saakin ng buhay, bago kita pagsawaan makikita ka na lang sa abandonadong room na walang buhay!” “Laking pasasalamat ko sa iyong kaibigan ng dahil sa kanya matitikman kita, alam mo bang binenta ka ng kaibigan mo saakin alang-alang sa grade niya?” Hindi ko alam kung sinong kaibigan ko ang tinutukoy niya dahil bigla na lang akong nagkaroon ng malaking grupo ng kaibigan, si Jake, si Casey, Chin Jerald at Marga sino sa kanila? “Miss Lim, you can’t leave just like that..” bulong niya saakin na nakapagpatindig ng mga balahibo ko sa buong katawan. I can’t help but to cry, no one will save me with this old man. I’m too weak to fight, kinakain na ako ng dilim at pagod na ang katawan kong manlaban pa. Tumunod ang aking cellphone at pinipilit iyong kunin nang maunahan ako ni Mr. Choi at inihagis sa pader at nagkalasog-lasog iyon. Ang maiinit na luha galing sa aking mata ay bumuhos. “Bago pa dumating sasaklolo sayo nagaw ako na ang gusto ko, matatagpuan ka nila sa abandonadong room at malinis na ang pangalan ko..” at humalakhak ito ng nakakdemonyo. Sinipa ko ang kanyang madelan na parte “Tang-ina kang babae ka..” Nagtungo ako sa pinto at inalis ang lock na iyon kahit hindi ako sigurado kong na unluck ko nga iyon dahil sinabunutan na ako ni Mr. Choi. Naramdaman ko ang malamig na sahig at ang bigat ng katawan niya. Basang basa na ako ng mga luha ko halos mamaos na din ako kakasigaw na sana may makarinig sa labas. Nandidiri na ako sa sarili ko habang kitang-kita ko kung paano inilapit ni Mr. Choi ang kanyang labi sa aking leeg pero bago pa mangyari ang lahat ng iyonat may mangyaring masama saakin ay bigla na lamang bumalagta sa sahig si Mr. Choi at nahihirapang tumay. “Ahhh!!” Tili ni Chin. Tumakbo ako sa lalaking tumulong saakin at yumakap sa kanya. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil sa luhang dumadaloy sa aking mata. “Gaddd Eunsoo bakit hindi ka saamin muna nagsabi na daaan ka diyan sa matandang iyan!” “Paano na lang kung nahuli kami ng dating dahil hindi agad kami papasukin ng guard buti na lang nakita namin itong si SH na palabas ng gate!” Tuluyan ng bumagsak ang aking katawan at hindi ko na din masyadong narinig ang kanilang sinasabi at tuluyan ng dumulim ang paligid. NAGISING ako na ang sumalubong ay ang maliwanag na kwarto, bumungad sa aking mga mata ang puti ng kisama at ng pader. Bumangon ako sa kabila ng sakit ng likod ko at naalala ko ang nangyare saakin. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha na pumapatak sa aking mata “Marga pakitawag si Mr and Mrs. Lim gising na si Eunsoo nagpapanick…” Tumakbo ako sa cr at nagbuhos ng tubig. Hagulhol lang ang nagawa ko habang hinahayaang mabasa ang aking sarili sa shower na tumutulo, ni hindi ko naramdaman ang lamig kundi pandidiri lamang. Salamat at walang nangyare, hindi nangyare ang aking kinatatakutan. “Eunsoo buksan mo itong pinto o sisirain namin ito..” lalo akong natakot ng marinig ko ang naggagalaiting boses ni dad “Hon lalo mong tinatakot ang anak natin,kumalma ka, miski ako natatakot sa anong pwedeng mangyari… mabuti pa Jake kuhanin mo sa utility ang susi..” Hindi ako makatayo tila ba nanigas ang aking katawan. Paulit-ulit kong naalala kung paano ako tingnan, hawakan at takutin ni Mr. Choi naririnig ko ang boses niya. “Bilisan mo pagbubukas ng pinto hon, si Eunsoo..” napahikbi ako lalo ng marinig ko ang iyak ni mom “Maa..” tangi kong nasabi ng bumukas ang pinto at mainit na yakap ni mom ang sumalubong saakin. I feel safe. Nakaramdam ako ng init ng balutan ako ni mom ng tuwalya at hawakan niya ang pisngi ko para paharapin sa kanya “Pwede bang sarili mo muna ang isipin mo, anak. Para kay mommy please, hindi ka namin kayang panoorin na nagkakaganito parang sinasaksak ang puso ko, anak” “Patawarin mo si daddy, wala siya doon para ipagtanggol ka gay ang ipinangako ko..” Nanlambot ako ng makita ang miserableng mukha ng mga magulang ko na para silang nabigo at walang kwentang magulang dahil hinayaan nila saakin na mangyari ito pero hindi naman nila kasalanan. Hindi nila ginusto. “Tita mas mabuti pong pagpahingahin muna natin si Eunsoo, tatawag po ako ng doctor..” Naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likod at agad akong dinapuan ng antok. ***** *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD