*****
Nagising ako dahil sa mga kaluskos sa tabi ko at ang pagbigat ng kabilang parte ng kama ko. Napaatras agad ako ng makitang may pigura ng lalaki. “Lumayo ka sakin!” sigaw ko dito ng hindi siya tinitingnan.
“Anak si Jake yan..” natauhan ako sa sinabi ni Mom at saktong pagmulat ng mata ko nakita ko ang sakit na gumumit sa mata niya.
“Sorry..” sabi ko sa maliit na tinig. Hindi ako makatingin sa kanila isa-isa dahil alam kong nagulat sila at napatigil sa aking naging asta.
“Mabuti pa anak kumain ka muna, pinagluto ka ni mommy..” bakas sa mukha ni mom ang pagod’t puyat at miski anino ni dad ay hindi ko makita.
Hinayaan niya bang ubusin ni mom ang sarili niya para saakin. “You shoud eat Eunsoo, may competition ka pa..” the man who just entered at my room said.
“Dumaan lang po ako dahil may pinapasabi si coach Leny, if she is not mentally and physically okey she can move the competition but we all know it has deduction on the points..”
Inintay niya mun ang naging sagot ni mom bago umalis “Move the competition.” She said in finality.
“No! don’t move it, I’m oket, I can compete…” desperada kong sagot at tiningnan si mom na nakikiusap.
“Okey then, I’ll get going, rest.” Malamig niyang sabi pero malaki na ang impact noon saakin. Para bang may espesyal sa kanyang sinabi.
Kinain ko ang ibinigay na pagkain ni mom at nagpasalamat sa kanya “Magpahinga po muna kayo, mom. I’m good, you trust me right?” pakiusap ko sa kanya at pagkatapos noon ay hinalikan niya ang aking sintido at pinabantayan kay Jake.
“Mauwi muna ako sa atin para magpahinga, I’ll bring you some clothes and Jake can you look for Eunsoo for me?”
“Sure, Tita. Get some rest also tito..”
Nung nakalabas na si mom sa room ay saka ko pa lang tinanong si Jake kung alam niya kung asan si Dad.
“Nasa court naghahain ng pansampa sa matandang iyo..” walang emosyong sabi niya at nagbalat ng orange at iniabot saakin “Thanks..”
Tiningnan ko siya dahil para may gusto pa siyang sabihin pero umiling lang siya at itinuro ang pagkain ko “Kumain ka na..” paalala niya saakin.
Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung sino yung nagligtas sa akin, akala ko talaga katapusan ko na, akala ko mapapagaya ako sa mga naging biktima niya, sana nakinig na lang ako sa mga kaibigan ko at sinong kaibigan ang nagbenta saakin para sa matandang huklubang iyon.
“Ang sabi kumain, hindi matulala..”
“Kilala mo ba kung sino nagligtas saakin?” tanong ko sa kanya.
“Yung lalaking nagpunta dito kanina, tyaka mga bago mong kaibigan. Mas mabuti pa layuan mo na muna sila…”
Naguluhan ako sa kanyang sinasabi, sila ang tumulong saakin pero bakit sila ang lalayuan ko, I know that hindi sila ang nasalikod ng pangyayaring iyon “Bakit?”
“Hindi pa ba malinaw sayo? Sila nakakaalam kung nasaan ka!”
“Dahil sinabi ko sakanila!” sigaw ko din naman agad dito. Sila na lang yung kaibigan mapapagkatiwalaan ko ayawkong dahil sa maling akusasyon ay masira ang kinaiingatan kong pagkakaibigan.
“Eh sino pa ba ang may motibo? Sumama sila sa practice mo, umalis sila at nag-antay sa gate ng ganon katagal at wala silang balak na tulungan ka kung hindi pa narinig ni SH yung kalabog sa third floor!”
“Paano mo nalaman ang lahat?” nanliit ang boses ko dahil alam kong possible ang kanyang sinasabi.
“Charlene told me, iniwasan ka daw niya dahil alam niya ang motibo ng mga kaibigan mo, iniwasan ka niya na baka sa kali magbago ang lahat na hindi mangyari lahat ng nararanasan mo ngayon! Makinig ka naman Eunsoo kahit ngayon lang, wag mong gawin ito sa sarili mo!”
Pagkatapos ng sinabi niya ay umalis siya ng hindi nagpapaalam.
Muling tumulo ang aking luha ng may nagsend ng picture nila Casey na nasa gate at nagtatawanan dahil sa pinapanood nila. Hindi ko kilala kung sino nagsend dahil ang nakalagay ay unregister number.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga agad ako para makalimot pero kabaliktaran ang lahat lalo kong naaalala ang nangyare saakin nung gabing iyon.
Nagising ako ng may umiiyak sa loob ng kwarto ko at nakita ko doon si Casey na nakaupo sa sahig na hawak ang kanyang pisngi habang magulo ang buhok “Anong nangyayari? Casey?” nilapitan ko agad siya at yinakap.
Hindi niya sinagot ang aking tanong bagkus ay tiningnan ko sila Jake at Cha na masama ang ibinigay na tingin kila Casey.
“Mabuti pang umalis na lang muna kami, hindi makakaganda sa kondisyon mo kung andito pa kami..” bumitaw siya sa aking yakap at dali-daling kinuha ang kanyang mga sa coach.
Pinanood ko silang lumabas habang pulang-pula ang mukha.
Pagkaalis nila ay binalingan ko ng tingin sila Jake at Cha pero wala akong nakuhang sagot sa kanila “Anong nangyare? Bakit umiiyak si Casey, bakit nakaupo siya sa sahig?!” frustrated kong tanong sa mga ito.
“They tried to harm you, nakita ko sila may ginagawa sila sayo!”
“At anong ginagawa nila Cha sabihin mo nga!” sigaw ko rin dito at dinuro-duro ang kanyang balikat.
May ibinigay siya sa aking envelop at agad ko iyong binuksan para tingnan. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko ng makita ko si Casey na nabisita saakin habang tulog ako at may dala siyang spray.
May video pa doon kung saan plinano niyang makipaglapit saakin at may binabalak silang sirain ang kompitasyon ko para masira lahat ng tiwala saakin ng mga tao at ibuntong lahat ang galit nila saakin.
“Hindi pa ba sapat na kami na ang nagsabi sayo? Ipagtatanggol mo pa din ang mga taong iyon!” sigaw ni Jake. Hindi siya nasigaw ng walang dahilan, kung hindi tama ang sinasabi niya, he is a nice person to everyone but he hate Casey very much. He have a reasons, they have a reasons.
“Sorry for doubting our friendship..” paumanhin ko sa kanila. Hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Sa ngayon I should trust myself. I should seek for more information, I should stand for the truth.
*****