Kasalukuyan kaming nasa garahe ngayon ni Emman para hintayin sila Michelle at ang mga bata. Nakalimutan kasi nilang ayusin ang mga gamit nila kagabi at ang mga uniform nila Zach at Sophie ay nakalimutan ring plantsahin kaya naghahabol na rin sila sa oras dahil male-late na rin sila. Salitan kami ni Michelle ng pag-aalaga kay Emman at ngayon, toka ko ang pagbabantay sa kanya kaya isasama ko siya sa office. Naka-upo sa kandungan ko si Emman habang nanunuod siya sa tablet ng Wonder Pets. Nakakatuwa lang siyang panuorin habang nanunuod dahil may pagkakataon na sinasabayan niya ng pagkanta 'yong mga hayop. Ang cute lang. Naaalala ko tuloy 'yong mga panahon na ganito pa kaliit si Zach, tapos naka-upo lang rin siya sa kandungan ko at kumakanta ng mga theme song ng paborito niyang cartoons, lalo

