chapter seven.
Troy Mercado
Kina-umagahan, maaga akong nagising para surpresahan sana si Michelle. Sisimulan ko sa breakfast in bed, with our kids. Alam kong hindi naging sobrang successful no'ng unang attempt kong hainan siya ng almusal, na ako mismo 'yong nagluto pero kinain pa rin niya at na-appreciate niya 'yong efforts ko. This time, sisiguraduhin kong magiging mas maayos na 'to ngayon. Ayaw kong mapahiya sa mga anak namin, though, sanay na si Zach sa ganoon.
Kinuha ko ang mga itlog at binati sa isang mangkok, nilagyan ng kaunting asin at saka hinalo. Hiniwa ko na rin ng maliit 'yong mga hotdog at pinrito. Binantayan kong maigi ang mga hotdog para maiwasang masunog at ng sa tingin kong luto na nga ito, sinalang ko na rin 'yong itlog. Pinaghalo ko ang itlog at hotdog para maiba naman. Lagi nalang kasing sunny side up at hotdog ang naka-served for breakfast. Bakit pa paghihiwalayin kung pwede namang lutuin ng magkasama? Ito 'yong niluluto dati ni Mama sa 'kin no'ng bata pa ako at ngayon, gusto kong ako naman ang magluto para sa mga anak ko at syempre, sa asawa ko.
Ayokong nakikitang na-e-stress siya kapag magkasama kami. Ayokong nakikitang sobra siyang naa-apektuhan kay Michael. Ayokong naaalala niya kung gaano siya nasaktan noon sa piling ni Michael. Ako ang kasama niya ngayon at parang nasasaktan rin ako sa tuwing makikita ko siya sa ganoong kalagayan. Gusto kong isipin niyang walang masamang mangyayari sa kanya sa pagsasama namin pero alam ko namang hindi ko siya mapipigilang mag-isip ng mga ganoong bagay. Kaya kahit sa simpleng efforts man lang, makabawi ako sa kanya. Responsibilidad ko 'yon bilang asawa niya.
Marriage is a long-term commitment. Kaakibat na nito ang lahat ng aspeto sa buhay niyo. Kung ano ang problema niya, poproblemahin ko na rin. Kumbaga, maituturing na ring conjugal property ang problema na kailangan naming paghatian. Kailangan naming tulungan ang isa't isa para maayos ang lahat. I really love Michelle that much. I don't want to see her hurt. I don't want to make her feel she was left behind. I don't want to see her sad. As much as possible, hanggat kasama ko siya, gusto ko siyang maging sobrang saya. Kasi iyon ang ipinangako ko sa kanya. To
Natapos na ang niluluto ko at hinain ko na siya sa isang plato. Nakita kong dumaan si Yhang, isa sa mga katulong namin kaya tinawag ko siya para tikman itong niluto ko at 'yong sinangag na nauna kong niluto. Kumuha ako ng isang platito at nilagyan 'yon ng mga niluto ko. Isa-isa niyang tinikman ang mga ito at ng matapos ay inilapag niya sa mesa ang platito. "How was it? Maayos lang ba? Masarap?" tanong ko sa kanya.
"Sir, walang halong biro. Masarap po siya. Mas masarap po siya kumpara sa mga nauna niyong niluto na sobrang alat o 'di kaya minsan ay medyo sunog. Tapos ang sarap nitong itlog na may hotdog, Sir Troy. Hindi ko inakalang alam niyo pala 'yan samantalang sa bahay namin, ulam na naming magkakapatid 'yan. Masarap po, Sir." dire-diretsong sabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga sinabi ni Yhang lalo na sa pagiging honest niya sa mga niluto ko dati. Totoo naman kasi, kung hindi maalat, may sunog o walang lasa.
"Talaga? Oh sige. Maraming salamat, Yhang." saad ko.
Naglakad na siya pabalik sa kwarto nila habang ako ay inaayos ang mga pagkaing ihahain ko. Hinanda ko na rin ang cereals para kay Emman. Umakyat muna ako sa kwarto nila para i-check kung tapos na ba sila sa mga cards na gagawin daw nila to surprise Michelle. Nakakatuwa lang at nagagawa nilang suportahan ako sa gusto ko. Siguro, nararamdaman na rin nila ang nararamdaman ko for Michelle. They also want to make their Mom happy same way as I want to make my wife happy.
Binuksan ko ang pintuan nila at nakita kong sinisimulan na nilang linisin ang mga kalat nila. Even Emman was helping too. Nakakatuwa lang sila panuorin. They're the reason why this family is tough and happy despite of all the problem we're facing. They served as our inspiration and motivation. Maybe without them, we're not going to able to surpass everything.
Lumabas na sila sa kwarto matapos nilang linisin ang mga kalat nila. Pinauna ko na sila sa kwarto habang kinuha ko naman ang mga pagkain sa kalapit na mesa. Pinagbuksan ako ni Zach ng pintuan at nagtungo na sa kama kung saan mahimbing pa ring natutulog si Michelle.
"Wake up, Mommy!" sabay sabay na sabi ng mga bata. Bahagya namang dumilat ang mga mata ni Michelle pero pumikit rin kaagad. Dumilat ulit siya at nilibot ang panngin niya at ng makita kami, kaagad rin siyang bumangon at nqgkusot ng mga mata.
They lend her a quick peck at her lips and lend them their cards. Isa-isa namang binasa ni Michelle ang mga cards at pansin ko ang matamis na ngiti niya habang binabasa niya ang mga 'yon.
"Good Morning, baby." I gladly greeted. Nilapag ko muna ang tray ng pagkain sa mesang malapit sa kinaroroonan namin at syempre, hindi naman ako magpapatalo sa mga bata. Humalik rin ako sa kanya. Kumawala kami sa halik dahil sa nakakatawang biglang pagpalakpak ng mga bata. "Breakfast is ready."
"Namimihasa ka sa pagluluto, Troy huh? " natatawang sabi niya.
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"May sinabi ba ko? Pero hindi tayo pwedeng kumain dito. Baka langgamin kami ng Daddy niyo mamayang gabi. Sa veranda nalang tayo."
"But Mom, nilalanggam na po kami dito sa sweetness niyo ni Daddy. Right, Sophie?" Zach stated. Natawa naman kami ni Michelle sa pagbibiro ni Zach. Humirit pa siya ng ilan pang pickup lines dahilan para mas lalong matawa kami ni Michelle at maging si Emman na kahit hindi naiintindihan ay nakikitawa rin. Habang si Sophie, patuloy rin sa panunukso sa 'di umanong pagiging corny ng kuya niya.
Dinala ko na sa labas ang mga pagkain habang inaayos rin ni Michelle ang mga upuan. Kumuha na rin ako ng bib sa loob at 'yong upuan para kay Emman. Hinain ko na sa kanila ang mga niluto ko at pinagmasdan ang magiging reaksiyon nila. Tuloy-tuloy lang naman sila sa pagkain kaya nagsimula na rin akong kumain. Well, I guess.
Matapos kumain, pinaligo na namin ang mga bata para sa pagpasok habang si Emman ay pinabantay muna namin sa isang katulong. Nasa kusina kami ni Michelle at hinuhugasan ang mga pinagkainan namin. Pinagalitan niya kasi ako no'ng nilapag ko lang sa lababo 'yong mga hugasan kaya wala rin akong nagawa kaya hinugasan ko na rin, namin. Siya ang nagsasabon habang ako naman ang nagbabanlaw.
Yumakap ako sa likuran niya at ibinaon ang ulo ko sa balikat niya habang patuloy pa rin siya sa pagsasabon ng mga kubyertos. "How's the breakfast?" I asked inquisitively.
"It's really good, Troy. Nag-improve at ibang-iba siya sa niluto mo no'ng una. I really appreciated your efforts."
"Really?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya sa 'kin at doon naman siya niyakap. "Of course, all I want for you is to be happy. Ayokong na-e-stress ka kay Michael. Just be happy. I want to see you smile because your smile makes me fall for you again and again. I want to see that smile which captivated my heart and made me realize that I was falling in love with the most beautiful girl. Baby, my wife, I love you." Hinawakan ko ang baba niya at binigyan siya ng isang halik na tumagal rin ng limang segundo.
Napansin kong ngumiti siya kaya napa-ngiti na rin ako. Hinawakan niya ang mukha ko at doon ko napagtantong may bula na pala sa may pisngi ko at ngayon naman, nilagyan niya na ang ilong ko at tumawa. "I love you, too."