"Waaah I'm so happy for you Dane. Ohh my gosh it calls for a celebration. Let's party!" masayang saad ni Cassy sabay tili. Andito kami sa kwarto ko at kakagising ko lang po.
Ang sarap pa sana matulog kaso binulabog ako ni Cassy kanina kasama ng isang letter na mula sa Juldurayt Academy. Daaang. Nawala agad ang antok ko dahil sa balitang dala niya.
Umagang-umaga ito ang bubungad sakin.
Ang goodnews na pinakahihintay ko sa lahat.
Mas lalo nitong pinaganda ang umaga ko. What a good day news to start a new beginning. Sa wakas andito na ang pinakahinihintay ko sa lahat. Sa wakas andito na ang result at kyaaaah nakapasa ako. I knew it. I really knew.
It's been a week since the academy's examnination ended. Sa totoo lang nakakatakot maghintay ng result eh. Yung tipong gabi-gabi dinadasal mong makapasa ka at sa awa ng diyos ay nangyari nga. Huhu guys mahal na mahal nga talaga ako ni Lord. Waaaah I love you talaga Lord. Ang bait niyo po sakin.
"Luhh ok ng walang party noh. Exam lang yan" natatawang sabi ko. Haha ang over naman kase ng reaction niya. Nakapasa lang sa exam party agad? haha iba din eh.
"Ano ka ba Dane kailangan mag celebrate tayo noh. Nakapasa ka kaya so meaning sabay tayong mag-aaral sa Juldurayt Academy. Waaah ang saya-saya ko Dane" sabi nito at niyakap ako.
"Kyaah excited na tuloy ako sa pasukan"
Napangiti naman ako sa ginawa nito. Haha mas masaya pa ata siya sakin noh? haha pero totoo guys. Alam ko namang makakapasa ako. Alam kong makapal ang mukha ko para sabihin ito pero totoo matalino po ako. Hindi naman po sa nagmamayabang pero parang ganun na nga po. Hahahah charoot.
"Oo na magc-celebrate tayo pero wag namang umabot sa party. My gosh Cassy, sobra na yun. Kain na lang tayo sa RCC 24/7. Libre ko hihi" sabi ko at nagpout naman ito.
"Ihh ang boring nun. Mag bar na lang tayo. May alam kaming bar ni Summer na sure akong magugustuhan mo. Tska kilala namin ang may-ari nun kaya we don't need to worry 'bout the bills. Lagi kaming libre dun" sabi nito at ngumisi pero umiling ako.
Duhh bar yun noh. Haler... minor pa kami kaya di pwede yun. Kahit sabihin niyang kilala niya ang may-ari ayaw ko parin. I hate those kind of places. Maingay, masakit sa mata yung lights, maraming sok ng sigarilyo, maraming alak at maraming tao. Ayoko sa ganun. Tska baka malasing lang kami dun kaya wag na.
"No" matigas na sabi ko kaya ngumuso ito at nagpadyak na kala mo inagawan ng candy.
"Please Dane. Pretty please" Sabi nito at nagpuppy eyes pa.
"Nako Cassy hindi mo ako makukuha sa ganyan ha" sabi ko at tumawa kaya mas lalong lumukot ang mukha nito. "Oo na ang cute mo pero no, ayaw ko parin sa bar na yan. Besides, 3 days from now opening na ng klase kaya instead of partying why not shopping for our school supplies" sabi ko. Napabuntong hininga naman ito sabay padyak ulit. Haha spolied brat lang ang peg.
And yeah. 3 days from now balik eskwela na naman. BTS is here again. BTS as in Back To School is here again. And oh.. yung about sa gala na sinabi ni Summer noon hindi yun nangyari. Busy daw kase kaya ayan tuloy hanggang ngayon di ko parin siya nakikita sa personal. At kung bumibisita din siya dito sa mansion eh wala ako. Nasa shop kasi ako dahil may trabaho kaya ayun hindi nagtatagpo yung landas namin. Haha.
"Waaah ang kill joy mo talaga Dane. Di na tayo bati" sabi nito kaya napatawa ulit ako. Tiningnan naman ako nito na nakataas amg kamay.
"Sige na nga pero sa isang condition" sabi nito at ngumisi. Luhh why do I feel that condition of her was bad. Pretty bad... seriously?
"Yaaah Cassy wag ka ngang ngumisi ng ganyan. You're so creepy" sabi ko kaya napatawa ito.
"Hahaha grabe ka naman. Pero sige ito, here's my condition" sabi nito at huminto saglit. Ano ba yan may pasuspense pa yung ate niyo.
"What is it?" tanong ko. Di na kasi ako makapaghintay sa sasabihin nito.
"Stop working at ate Roshie's shop. Pretty please" sabi nito kaya halos mabingi naman ako.
"Pardon?"
"I said stop working on ate Roshie's shop" balik nito kaya napakunot ang noo ko.
"Stop? Pero bakit?" tanong ko.
"Kase feel ko mahihirapan ka pag pinagsabay mo ang pagtatrabaho at pag-aaral." sabi nito kaya napayuko ako. "Dane please. I know ate Roshie won't be mad if you'll quit. I know she'll understand"
Tiningnan ko naman ito bago ibinaling ang atensyon ko sa pinky finger kong kinukurot ko.
"Ano kase Cas--"
"Please Dane. Ayoko lang kaseng mahirapan ka. I know mahirap para sayo ang bitawan ang trabahong meron ka sa shop pero if you'll continue being like this while working, it could affect your performance at school." sabi nito.
May point naman siya. Tama. Pag pinagpatuloy ko ito magiging sagabal ito sa pag-aaral ko. I'm officially one of the scholars of Juldurayt Academy. I have been given the priviledge to study into that elite school. But in exchange I should maintain my grades high. Yun ang kapalit. Ohh wait.. yan ang dapat naming gawin.
I know I can do both but what about the promise I've made for Cassy's mother and father? Nangako akong babantayan ko ang anak nila habang wala sila sa tabi nito. I even told Cassy that I should be her personal assistant in exchange for her goodness in me. And as her assistant gagawin ko lahat ng gusto nito kahit alam kong hindi niya gagawin iyon. I know that eventhough I already mark myself as her PA, she will still acknowledge as her bestie and not as her personal alalay.
Hassyt ang hirap. Waaaaaa huhuhu di ko na alam ang gagawin ko. Ano bang desisyon ko pipiliin ko? Mahalaga sakin ang pag-aaral dahil ipinangako ko kay papa na makakapagtapos ako. Pero pano si ate Roshie? Ang pagtatrabaho ko sa shop niya ay kabayaran ko sa lahat ng kabutihang ginawa niya sakin. That job was important for me too. Ang hirap nitong bitawan but I need to decide. Do I need to take a risk just to came up with a decision that could help me for life? aarrggg ano ba talagang gagawin ko?
"Pa--pag-iisipan ko Cassy" sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti rin ito sakin at niyakap ako.
Pagkatapos ng usapan namin ay umalis na si Cassy. Tumawag daw kase yung mommy at daddy niya at may importante itong sasabihin sa kanya sabi nung isang maid. Nung ako na lang mag-isa ay binasa ko ulit ang nakasulat sa letter. Sosyal eh. Ang aga hinatid nung letter. Ang sosyal talaga. Pwede naman nilang iemail diba or ipost online pero mas pinili talaga nilnng ilagay sa letter. Nakakatouch yung effort nila.
"Congratulations Ms. Dane Crisjen Lee for passing the Juldurayt Scholarship Examination and also for being the top examinee in the exam. You are now an official student of our school so we would like to welcome you wholeheartedly. See you at the opening and once again congratulations" napangiti naman ako matapos iyon basahin. May luha pa ngang nahulog sa mga mata ko kaya nakangiti ko itong pinunasan.
Ang saya ko. Salamat Lord. Maraming maraming salamat talaga.
Binasa ko din ang iba pang sulat na kasama sa letter na ito. Well, some of them were about the instructions on where could I get my uniforms and other stuffs like school supplies. Ahh so meaning libre lahat. Ohh my goshh. Waaaaah grabe. Hindi ko talaga 'to inexpect 'to eh. Akala ko yung pagpapaaral lang yung sagot nila pero pati rin pala ito? They even gave 90 thousand pesos as allowance for every scholars for the whole semester. Like wow. Just how rich that school is?
Now I know. Alam ko na kung bakit marami ang gustong makapasa dito. Studying in this kind of elite school was indeed a priviledge but sad to say only few people could pass the exam. Grabe... Iba talaga ehh. But oh well, as far as I know konti lang yung scholars sa school na ito kaya yung mga gantong halaga na binibigay nila sa mga scholars ay barya lamang. Haayst.
Hmm si Mia kaya nakapasa? haasyt sana nakapasa siya. I was still looking forward to meet her again.
"Oh well. congratulations ulit sakin" nakangiting sambit ko bago pumasok sa banyo.
Pagkatapos kong mag-orasyon sa kwarto ay bumaba na ako. Dun ko naabutan si Cassy na tapos nang kumain at nagr-ready na para umalis. She's now wearing a white floral dress na tinernohan niya ng white lace sandals. Napakasimple nito pero ang ganda niya pa rin. She did radiates that light aura na kahit sino hindi makakapansin. She looks like a living doll. waah ang ganda niya talaga. Ohh well, she's a literally a princess so what would you expect.
"Waah I'm really sorry Dane hindi na kita nahintay. I have some emergency to go pa kase eh. Don't worry magc-celebrate tayo pagkarating ko." Sabi nito kaya ngumiti lang ako.
"Haha it's ok. May trabaho din kase ako sa shop eh" sabi ko kaya napasimangot ito.
"Aayy basta yung sinabi ko kanina ha. Pag-isipan mo iyon" sabi nito kaya tumango ako. Tiningnan nito ang relo niya at mahinang napamura.
"s**t I'm gonna be late. Si mom kase eh. Bat ako pa yung inutusan na kunin yung files dun eh kainis. Ok bye. Gotta go" dagdag nito at nikiss ang cheecks ko bago umalis. Haha si Cassy talaga.
Nang makaalis na si Cassy ay kumain na rin ako at nagpaalam kina Lola Pinky na aalis na rin para pumunta sa shop. Ihahatid pa sana ako ni kuya Arnold na isa sa mga family driver nila sa shop ni ate Roshie pero hinindian ko. Ayoko nang makaabala kaya tiniis ko ang ilang minutong paglalakad para lang makalabas sa exclusive village nila. Wala kaseng pumapasok na mga jeepneys or taxi dito kase masyadong private ang lugar. Pero ok lang. Nabusog din naman ang mga mata ko sa ganda ng village nila habang naglalakad ako.
Nang makarating ako sa shop ay back to work agad. Buti na lang konti lang yung costumer ngayon kaya nakakaupo rin kami.
"Waaah congratiolations Dane." nakangiting bati nila sakin. Sinabi ko kasi sa kanila ito nung tinanong ako ni ate April. Yung kapitbahay daw kase nito hindi nakapasa. Sayang daw eh pero makikita mo talagang masaya sila ng malaman nilang nakaaasa ako.
"Uwuu gusto ko sanang itry magtake ng exam ehh kaso mahina talaga utak ko. Di ko kaya yung standard ng paaralang yan. Masyadong mataas" nakabusangot na saad ni Comnie kaya tinawanan siya ni Sasha.
"Hahaha ang sabihin mo mahina ka lang talaga" kantyaw nito.
"Luhh nagsalita ang with highest honor sa klase" sarkastikong resbak naman ni Comnie kaya napatawa kami.
"Hahaha sira ka talaga Comnie. Talagang with highest honor yan si Sasha. With highest honor sa pagc-cutting class" sabat naman ni Marie kayaas lalo kaming napatawa. Napasimangot naman si Sasha.
"Grabe kayong dalawa ah. Kala niyo walang pinagsamahan. Uyy baka nakakalimutan niyong sumasama din kayo sakin noon." natatawang saad nito kaya ayun nag-ingay na naman silang tatlo.
At ayun na nga po madlang kapusomg kapamilya. Dito ko nalamang magchildhood friends silang tatlo nina Comnie, Sasha at Marie. Parehas matitigas ang ulo pero mabait daw pagtulog. Partners in crimes daw silang tatlo at kung saan ang isa dapat kasama ang dalawa. Sabi pa nga nila birds of the same feathers flocks together kaya gala there, gala here, gala everywhere daw yung mga peg nila. Hahaha mga sira talaga.
"So pano ba yan ate Dane. Libre mo ah" sabi ni Letty kaya nasakin na naman ang atensyon. Tumawa naman ako bago sumagot.
"Hahahaha sure. Hindi ko kaya yan nakalimutan" sabi ko at ang laki talaga ng pasasalamat nila. haha binalaan pa nga nila ako na uubusin nila yung laman ng pitaka ko. Hahaha natakot naman ako dun eh.
Quater to two na nung dumating si ate. Ang saya pa nga nito kase galing daw siya sa date kasama yung jowa niya. Uwuu nac-curious tuloy ako kung anong mukha niyang si Prince Hendrix at ganto yung epekto niya kay ate. At wait... if totoo siyang prince saang kingdom naman siya belong? O baka pangalan niya lang yung Prince. Hehe sorry naman guys hindi ko kase alam kung saan ehh.
Based kase sa nisearch ko, may limang kingdom nangunguna ngayon. Alam kong maraming mga kaharian ang nakatayo sa buong mundo. Pero itong lima talaga ang nangunguna sa lahat. This kingdoms weren't just well-known because of their greatness but because of the power their royal family have. They were all filty rich. Much richer than those magnates in the corporate world.
The first kingdom was this land where I was born. The kingdom of Lusitania which was ruled by the King Spade and Queen Zane Lennox. They have one son which was Prince Zion. Yung dark prince na kilala ng lahat. Haha chor ako lang pala yung tumatawag sa kanya ng ganyan.
Pangalawa ay ang Saillune Kingdom. Wala akong nakuhang infos about dito. Basta ang alam ko pinamununuan ito ngayon ni Queen Penelope Amelie Atkinson. Yung hari daw wala na. Nihindi inilantad sa publiko ang totoong sanhi ng pagkamatay nito. Pero sabi ng iba namatay daw dahil sa sakit at ang iba ay car at plane crush. At ito pa ang malupit. Ang pinakamalupit. Saillune Kingdom was once a powerful kingdom. It was richer or wealthier and much more powerful than Lusitania before. Meaning top 1 ito noon. Ang kaso nag-iba ang lahat mula ng mamatay ang hari nilang si King Henry. Uwuu sayang. Sa mga anak naman nila hindi talaga detailed pero may tatlong anak daw sila kaso dalawa lang ang alam ko. Dalawa lang kase ang innanounce sa public eh. Sina Prince Alex at Prince Axl Atkinson. Uwuu sayang alang pic eh. Di ko tuloy alam kung anong mukha nila. Pero sure akong mga gwapo to haha. Abunjing abunjing. Sino kaya yung isa? for sure gwapo yun kase di pinakilala sa madla. Awiit na awit eh haha.
By the way sa lahat ng kingdoms sa kanila ako naintriga. Ang liit lang kasi ng mga infos nila. Masyadong tago yung infos kahit mga royal family sila. Ok na ok din eh haha.
Pangatlo yung Duarte Kingdom na pinamunuan nina King Rios and Queen Floran Strauss. May tatlo silang anak. Ang magmamana sa trono na si Prince Ryan Ryuu (mah bebe loves. Hahah chor ulit) at ang kambal na sina Flame at Flare.
Fourth is the Juliver Kingdom. It was ruled by King Jackson and Queen Isabelle Juvilia with their only princess and heir Princess Cassiopeia Amandra Juvilia.
At ang panghuli ay ang Ornilla Kingdom na pinamumunuan nina King Alston at Queen Nittania Wisteria. May kambal silang anak na sina Ash Trevor at Neill Travis Wisteria. At guys... isa sa kanila yung pumigil dun kay Zion nung nabuhusan ko siya ng ice coffee. Huhu pero di ko alam kung si Prince Trevor or Travis yun. Basta isa sa kanila yun haha.
Kaya ang tanong saang kingdom nagmula si Prince Hendrix na sinasabi nila? err.
"Ahm ate Roshie may sasabihin sana ako" andito kami ngayon sa opisina nito sa loob. Actually sasabihin ko na sa kanya yung about sa napag-usapan namin ni Cassy. Mukang sa lahat itong trabaho ko ang kailangan kong igive up. Pero hihingi ako ng chance kung pwede ba magtrabaho dito if ever na may mg free time ako. Huhu yun na lang kase yung magagawa ko para makabawi.
"Go on. Spill it" nilalaro ko muna yung pinky finger ko bago nagsalita. Nakita ko naman na napatingin ito sa ginagawa ko kaya agad akong nagsalita. Nahahalata na ata ni ate na kinakabahan ako.
"Ano... ahm.. nakapasa kase ako" mahinang saad ko sapat na para marinig niya.
Lumaki naman ang mata nito bago tumili. Tumayo pa ito at lunapit sakin bago ako niyakap ng sobrang higpit.
"Ugh can't breath ate" sabi ko sa pagitan ng pagyakap nito.
"Ops sorry Dane. My bad haha" paumanhin nito kaya tumawa na lang ako at tumango.
"Congratulations by the way. You really did great out there Dane. You are indeed awesome. Let's call for a celebration?" dagdag nito kaya agad akong umiling.
"Ehehe wag na po ate. Konting bagay lang naman po ito" sabi ko. nakita ko nng pag-iling nito bago magsalita.
"Anong konting bagay? nah. Let's celebrate. By the way,what is it you want to ask me?" napayuko naman ako. Humugot ako ng hininga bago nagsalita.
"Ahm.. ano kase ate Roshie. 3 days from now magsisimula na ang klase. I know it would be hassle for me na pagsabayin--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko she already cut me.
"I understand Dane. I was happy that you've already say that to me now" napatingin naman ako sa kanya ng sabihin niya iyon.
"Hindi naman sa pinapaalis kita sa shop ha pero importante din kase ang pag-aaral. Like kina Comnie, I know this job is important to them kaso may klase sila kaya pumayag akong umalis sila."
Nagulat naman ako sa sinabi nito.
"Po? aalis din sina Comnie?"
"Yep. Mag-aaral daw sila ulit. Pero iba sila sa sitwasyon mo. They already know their schedules and M,W,F lang yung klase nila. So naisip ko na why not ipagpatuloy nila ang pagt-trabaho dito tutal marami silang free time unlike sayo." Sabi ni ate kaya napatango ako
"I know this job here would be a hindrance for you lalo na't loaded ang sched mo for sure kase sa Juldurayt ka na mag-aaral. So Dane. Quitting this job is a good choice. Don't hassle yourself or else your performance in school would be affected" napatango ulit ako sa sinabi nito. Ngumiti ako at niyakap siya.
"Thank you po talaga ate. Ang bait bait niyo po. Don't worry ate babawi ako sa inyo" sabi ko na ikinatawa nito.
"Wag ka ng bumawi. The service that you have rendered in my shop was already enough"
"Nga pala ate may tanong ulit ako." napatingin naman ito ulit skkin bago tumawa. For sure nakukulitan n ito sakin.
"Haha ano yun?"
"Ahm.. sino po si Prince Hendrix? sang kingdom po siya nagmula?" nakita ko naman ang pamumula ni ate ng banggitin ko ang pangalan nung jowa niya kaya ayun kinantyaw ko haha.
"Ikaw talagang bata ka. He's from Saillune by the way. Prince of Saillune to be exact. Prince Hendrix Alexander Atkinson--" wooah seriously? Jowa or boyfriend ni ate si Prince Alex ng Saillune Kingdom? woooah ang haba ng hair ni ate. Natapakan ko nga ata eh haha.
"Your soon to be King" dagdag ko na ikinakilig nito.
"Hahaha langyang bata ka. Ang lakas mong magtrip." ani nito habang pinipigilan ang pagngiti.
"Uyy ngingiti na yan. Ayiee si ate. Iba talaga epekto ng isang Prince Hendrix ehh" kantyaw ko kaya ayun tinakpan niya ang kanyang mukha sa sobrang pula.
Hahahaha ang cute ni ate. Ang bilis kiligin at mas lalo siyang nagiging cute pagnagb-blush.
"Oo na, oo na. My soon to be king. Kyaah kinikilig ako. Kasalanan mo talaga 'to Dane haha" ani ate kaya napatawa na lang ako. Sanaol inlove.
Maaga kaming umuwi pagkatapos ng trabaho namin. Mga 4 pa natapos agad. Sa sobrang excited nilang magpalibre ang daling natapos nung trabaho nila. Huhu goodluck to my wallet talaga tayo ngayon.
Ang saya nila kase for the first time daw magl-libre daw kase ako and guess what kasama si ate Roshie. Huhu buti na lang nagdonate si ate kaya hindi ako masyadong nahirapan.
Sa isang restobar kami kumain. Ang ingay nga nila eh. Sina Sasha at Comnie nag-aagawan pa ng jowa. Ay este microphone pala. May karaoke kasi dito at kung sino ang may gustong kumanta ay libre lang. Hahhha wengya nakakahiya. Kung alam ko lang na ganto 'tong dalawa edi sana sa isang karaoke room na lang kami ng sa ganun hindi makikita ng lahat ang pagiging PDA ng mga kasama ko. Huhu public display of abnormalities. Hahaha chor. Pero totoo. Ang kukulit nila. Kahit two months ko lang silang nakasama ang gaan na agad ng loob ko sa kanila.
It looks like we've formed a small family by the bond we have. Ngayon ay masasabi kong may first circle of friends na ako ngayon. Hindi tulad noon na walang may gustong makipagkaibigan sakin kase ewan ko. Ewan ko kung bakit. baka dahil medyo distant ako sa iba kaya ganun. Ang tahimik ko kase noon di tulad ngayon hihi. To he honest... I love myself now. I can be myself all the time. Sana magpatuloy pa 'to.
It was already 7 pm ng makarating ako sa mansion ni Cassy at halos maluha naman ako sa supresang hinanda nito para sakin. Grabe. Literal na naiyak ako. First time kong naranasan na pinaghandaan ako dahil lang sa achievement na natanggap ko. Sa sobrang iyak ko halos tumulo n yung uhog ko.
Pakulo pala lahat 'to ni Cassy. She said she wanted to suprise me and congratulate me again. At dahil ayaw ko naman sa bar kami mag party eh why not sa bahay na lang daw. Haha bahay na masion. Ang rami nilang niluto. Sa totoo lang sobra-sobra na nga ito samin.
Andito rin si Summer at kyaaah ang ganda niya. Ang rami kong nalaman tungkol sa knnya at isa na iyong isa siyang sikat na model. Like wow... ang bigatin eh. Sheems.
It feels like I am a stone that have been slowly surrounded by gems. Di ko matake eh. Ang bobongga nila. Antaray.
But one thing I'm sure right now is I'm very happy. I'm very happy because of what I'm experiencing right now feels like an unexpected dream. A dream that I have longed to have. And if ever someone tries to wake me up, I won't hesitate to give that person an uppercut. Hahaha charot lang. Mabait kaya ako. Hindi lang pagtulog kundi pati na rin pag gising.