I was busy checking myself infront of the full length mirror inside my room when I heard someone knocks at my door.
"Yes?" tanong ko ng mabuksan ko ito. Si Butler Chan lang pala. Personal butler ng prinsesa nating si Princess Cassy. Yey~~ hahaha charot.
"It's time for breakfast young miss. The princess is already downstairs" nahiya naman ako sa sinabi nito.
"Hehe ok po. I'll be downstairs in a minute" nahihiyang saad ko n ikinatango nito.
Waaaah ang kapal masyado ng mukha ko para pag-intayin si Cassy. Huhu langya eh.
Agad akong bumalik sa harap full-length mirror para makita ang sarili ko sa huling pagkakataon. Napangiti naman ako ng makita ko ang kabuuan ko. Ang ganda ng uniform nila. Bagay sakin hihi. To be honest nakakahiyang suotin ang uniform nila. Makikita mo talaga na pangmayaman ito kaya ganun.
Unang kita ko pa lang sa school uniform nila masasabi ko na talagang napakaformal nito. Hanggang tuhod ang palda nito na may puting lining sa bandang dulo. Isang puting long sleeve naman ang sa loob nito na may flounce sa dulo. May black coat rin ito na dapat daw always nakasarado. We do also have some black ribbons pero pag bet daw naming tanggalin ay ok lang. May black shoes din ako kaya tada~~ complete uniform yung lola niyo sa first day of school niya. Haha.
At sa right chest din namin nakalagay ang logo ng academy. Ang sosyal talaga. Bet na bet ko talaga yung uniform nila hihi.
(Picture of the uniform at the multimedia. Photo credit from pinteres♥︎)
After kong pagsawaan at purihin ang sarili ko ay lumabas na ako. Nakakahiya nga kase pagkarating ko sa kusina lahat sila ay napatingin sakin.
"A--ahm.. goodmorning" nakangiting sabi ko sa kanila. Nakita ko naman ang malaking ngiti ni Cassy. She's so beautiful wearing that smile.
"Kyaaah I knew it. Bagay na bagay talaga sayo ang school uniform ng academy" sabi nito at sinuri ako. Napatawa ako sa ginawa nito. Umikot ba naman sakin para mas masuri ako. Hahaha sira talaga.
"Nah. Mas bagay kaya sayo ang uniform. For sure marami ang mapapalingon sayo mamaya." I said as a matter of fact. Ngumiwi naman ito kaya napatawa ulit ako.
"Hahaha I doubt that. But I know the both of us would standout later. Ayiee can't wait to see Summer and Kelly's reaction after seeing you" sabi nito.
After ng kulitan namin ay kumain na kami dahil sabi ni Butler Chan ay malapit na kaming malate sa oepening ceremony ng school. Dang. Ayokong malate. Ayokong magsimula ang school year ko na late ako or else magpatuloy na ito.
Using Cassy's personal limousine. We both went to the school. Sheems kinakabahan na talaga ako. Feeling ko para akong natatae na ewan. Yung mga paa at kamay ko nanlalamig. Feeling ko nga nilalagay ito sa freezer.
Pagkarating namin sa park ng academy makikita mo agad ang iba't ibang mamahaling sasakyan na nakaparada.
The perks of being a wealthy student and rich kid of this elite school. Just wow. First time kong nakakita ng ganito karaming mga mamahaling sasakyan. Waaaah maybe I should get use to it at wag na lang ipakita na namamangha ako sa nakikita ko or else mapagkamalan akong ignorante. Haayst. Maybe from this day on forward I should act that someone who's not really me for facade. or just maybe haha. Kase naman eh. Alams naman natin lahat na basta mayayaman grabe kung makatingin sating mga mahihirap. They would always look down on us at yan ang ayaw kong mangyari.
Marami ding mga students ang nandirito kase may hinihintay or kararating lang? haha I don't know. We all don't know what the heck are they doing here at the parking lot.
Nung naka park na yung limo na sinasakyan namin ay mas tila ayaw na umalis ng pwet ko sa inuupuan ko. Feel ko kase naglue ito dun. Waaah kase naman ehh. Halos lahat sila dito sa sasakyan nakatingin. Para bang inaabangan nila kung sino ang lalabas mula sa mamahaling sasakyan na ito. Waaaaah kinakabahan na talaga ako. Juskomaryusep tabang mga langit huhu.
Unang bumaba ang chauffeur nilang si Manong Edgar kasunod si Butler Chan na nakaupo sa passenger seat. Pinagbuksan ni Butler Chan si Cassy pero bago ito lumabas ay tumingin muna ito sakin bago hinawakan ang mga kamay ko na nanginginig na ngayon sa sobrang nerbyos. Gossh nasobrahan ata ako sa kape eh.
"You're shaking. Are you ok?" tanong nito kaya maliit akong ngumiti.
"I---I'm fine. Kinakabahan lang" nahihiyang saad ko. I heard her chuckle before responding me. Ano ba yan. Pati pagtawa ang ganda pakinggan. Ganto ba yung mga royalties ha? waaah ang unfair ng mundo eh hahhhah charoot.
"Hahaha relax Dane. Those people outside won't eat you" sabi nito kaya napatingin ako sa labas ng bintana. They can't see us here from outside coz the glass of this limo were tinted. Pero kyaaah kinakabahan pa rin ako. Narinig ko ulit ang mahinang tawa nito kaya nakuha niya ulit ang atensyon ko.
"Relax Dane. Now breath in and breath out" dagdag nito kaya ganun lang din ang ginawa ko.
Nang feel ko ay nahimasmasan ako ay nagsalita ako.
"Ok na siguro ako. Tara na baka mahuli tayo sa opening?" sabi ko kaya napatawa naman ito.
"Siguro? Seriously Dane?" after nun ay unang lumabas si Cassy na inalalayan ni Butler Chan.
Pagkalabas ni Cassy ay umingay nng paligid. May mga tili pa akong narinig.
"Oh my goshh. It's Princess Cassiopeia Amandra Juvilia."
"Woaah so totoo talaga yung sinabi ni mommy na dito na siya sa JA mag-aaral"
"Yeah my dad also told me about that one. I thought that was just a rumor but woah. I'm really suprised"
"Kyaah she's so pretty. I want to be friend with her"
"Hope I could get to know her better"
"Haha shut up dude. Dream on. She's a princess. She doesn't deserve someone like you"
"Dang bro you hurt my ego"
"As if you have some egg-os"
"Hahahaha"
"Uwuu our uniform suits her guys. She's so gorgeous in it"
Ilan lang yan sa narinig ko. Pero nung nakalabas na ako.
"Whaat? who is she?"
"Is she also a new girl in school?"
"She looks so familiar. San ko nga ba siya nakita?"
"True. I think I've saw her somewhere"
"She's pretty cute too dude."
"Tol may maliligawan ka na. Goodluck"
"Shut up bro. she's not even my type"
Wow ha. Makapagsalita kala mo naman type ko siya. Stfu mister. Grr. wag mo kong binibeast mode.
Pero yaah. Chillax Dane. Wag kang magpaapekto sa kanila.
"But why did she went out from Princess Cassy's car? who is she nga ba?"
"Is she related to her?"
"I don't know. If she's from a well known family eh sana kilala natin siya"
And that hits me. Yan yung mga reaction nila pagkalabas ko. Papunta na kami sa main hall kung saan gaganapin ang opening ceremony pero hanggang ngayon nng lakas parin ng bulungan nila. Yun ay kung bulungan pa ba ito.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Cassy ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Just don't mind them Dane. Don't let their words destroy you. Just be yourself and let them mind their own businesses" sabi nito kaya napangiti naman ako bago tumango.
Nang makarating kami sa main hall ay nagkahiwalay kami ni Cassy. Niexcuse niya kasi saglit ang kanyang sarili dahil pupuntahan niya daw sina Kelly at Summer. Sumang-ayon na lang ako ng sa ganun mabantayan ko rin ang upuan namin.
Habang nililibot ko ang mata ko sa loob ng napakalaking hall napangiti naman ako ng mapait. I've never dream of having this kind of life. I've never dream myself entering in this elite school. Haayst. Ano kayang plano ng Diyos para sakin at ginawa niya ito?
Sa paglilibot ng mata ko ay may isang pamilyar akong nakita. Kakapasok lang nito sa main hall kasama ng isang lalaki. I firmly look at her at nung napagtanto kong siya nga ay dali-dali akong umalis sa pwesto ko. Mamaya na ako magpapaliwanag kay Cassy. And besides, ang rami pa namang upuan eh.
"Miya!" kuha ko sa atensyon nito at hindi naman ako nabigo. Nakita ko ang gulat sa mukha nito pati na ang paglaki ng mga mata niya. Hahaha ang cute.
"Oh my... Dane? Ohh my gosh ikaw nga. Ang laki ng iginanda mo sa Ate gurl" masayang saad nito at niyakao ako ng sobrang higpit. I pat her shoulder to make her know na di na ako makahinga sa ginagawa niya. Tumawa naman ito at pinakawalan na ako. Haha grabe pa yung yakapan na naganap eh. Parang sampung taong hindi nagkita.
"Ohh my goshh Dane nakapasa tayo. Waaah ang saya-saya ko. Dream school ko talaga ito eh" nalukuhang sabi ni Miya kaya napatawa ako.
"Opss walang iyakan sa first day of school" biro ko kaya tumawa ito.
"Nga pala Dane si Kiel nga pala. Scholar din katulad natin. Kiel si Dane." pagpapakilala ni Miya sa kasama niyang lalaki. Ngumiti naman ako bago nakipagkamay sa kanya.
"Scholar ka din pala. Akala ko hindi. Mukha ka kasing mayaman" napatawa naman ako sa sinabi nito.
"Hahaha bolero. Itong mukhang 'to mayaman?" sabi ko at tinuro ang mukha ko.
"Mayaman sa utang baka mo" dagdag ko na nagpatawa sa kanila.
"Dane" may tumawag mula sa likod ko kaya napalingon ako dito. Si Cassy lang pala at may kasamang dalawang naggagandahang babae. Ohh my..
"P--princess Cassy" sabay na saad ng dalawa kong kasama at nagbow. Tumawa naman si Cassy sa ginawa nila.
"You guys don't need to do that" nahihiyang sabi nito.
"Pero--" hindi natapos ni Kiel ang knnyang sasabihin ng may biglang tumili.
"Kyaaah bagay na bagay sayo yung uniform natin Dane. Ohh my gosh. You're so pretty. Ang sarap mo tuloy gawing manika" gigil na gigil na saad ni Summer habang nakayakap sakin.
"Haha enough of that Summer. Hindi na siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkayakap mo" sabi nung isang kasama nina Cassy na may curly brown hair na buhok na hanggang balikat. But eventhough her hair was curly, her bangs were as straight as the flag pole. Woah ang cute niya!!!!
"Haha sorry for that" paumanhin nito.
"Haha alis ka nga jan at ako naman" natatawang sabi ni Curly girl at hinawakan pa yung balikat ni Summer bago pinaalis. Kahit maliit ito nakuha niyang paalisin si Summer sa harap ko.
"Aish. Itong pandak na 'to" nangigigil na saad ni Summer kaya tumawa lang kami.
"Shut up tag-init. By the way, the name's Keizara Kelly Miller. You can call me Kelly the prettiest among the three of us" sabi nito at nakangiting inilahad ang kamay nito kaya kinalulugod ko din itong tinanggap.
"Dane Crisjen Lee" saad ko at ngumiti.
Napatawa naman ako ng sumabat sina Cassy at Summer.
"Excuse me mas maganda kaya ako noh" saad ni Summer at nagflip hair pa.
"Ohh wait. Hot ng pala. My name can justify it. Summer Blythe Trumann. Y'all can call me Summer coz I'm hot" sabi nito at nag-evil laugh pa. Haha yan tuloy mas lalong dumami nng atensyon na nakukuha namin.
"Yaah. Mas maganda pa rin ako sa inyong dalawa" singit ni Cassy at nagsmirk sa dalawa. Napasimangot naman ang dalawa sa sinabi nito.
"Oo na. Ang ganda kasi ng genes niyo" Kelly blunt out kaya napatawa kami. Hahaha ano ba yan. Labanan ng kung sino ang mas maganda ba ito?
"Nga pala Cassy. This are my new friends. Scholars din sila katulad ko." sabi ko bago binalingan ang dalawa na kanina pa stiff sa likod ko.
"Uwuu hi there. It was nice meeting you two" nakangiting saad ng tatlo.
"T--thanks. Kamiya Sanchez nga po pala" sabi ni Miya at nagbow ganun din ang ginawa ni Kiel.
"Kiel John Lunzuran po your highness"
After ng getting to know moment namin ay bumalik na kami sa knnya-kanya naming upuan. Madali lang naman natapos ang opening kaya pinapapasok na agad kami sa designated rooms natin.
Pero imbes na hanapin ang room ko kasama sina Cassy which is kaklase ko pala ay di ito nangyari. Pinatawag at pinaiwan kasi lahat ng scholars sa school kasi may pag-uusapan pa daw.
Mga ilang minuto din bago natapos ang pag-uusap na iyon. Niwelcome lang kami at sinabihan ng mga kailangan din naming gawin as a scholar of the school like tumulong sa library. Ok lang din naman yun sakin kase alam kong di na masyading hussle ang schedule ko ngayon kaya alam kong magagampanan ko ng maayos ang mga trabahong dapat kong gawin sa school.
15 Lang pala kaming nakapasa sa exam. Nakakagulat nga ehh kase almost thousand daw yung nagtake grabe... ganun ba talaga kahirap ang exam dito? goshh. Di ko matake.
Sayang at hindi kami magkaklase nina Miya at Kiel. Nakabase kase yung section namin sa scores na makukuha namin. At dahil ang layo daw ng gap ng score ko sa second hanggang sa last na taong nakapasa tulad ko eh ako lang ang nilagay sa star section. Ang iba na tulad nina Kiel at Miya ay sa mga common rooms nilagay. Huhuhu feel ko tuloy mahihirapan ako nito kase wala sina Miya at Kiel. Waaah bakit ba kase kailangang mangyari 'to. Ang unfair eh. Haayst.
Sa sobrang laki ng academy na ito ay muntik na akong mawala. Buti na lang may nakita akong guro at nanghingi ng tulong. Sinabi naman nito ang daan kung kayat nilagay ko talaga sa isip ko yun.
At ito na nga. Nandito na ako sa harap ng classroom ko. Nahihiya akong kumatok kase alam kong late na ako. Huhuhuhu first day of school late na yung lola niyo. Waaah ayoko pa namang madetention. Wag na lang kaya akong pumasok. Ayy oo ganun na nga. Hihintayin ko na lang sina Cassy tutal 30 minutes na lang matatapos na itong unang subject.
I almost lost my balance the moment I step back. Akala ko hahalik na naman ako sa tiles na sahig nila dahil sa nangyari pero walang ganun. May pader kase sa likod ko. Mabangong pader to be exact.
wait??? mabangong pader?
Dahan-dahan akong lumingon sa pader na nasa likod ko pero hindi pala ito mabangong pader kundi mabangong tao. At hindi lang mabangong tao kundi mabangong dark prince pa talaga.
Napalunok naman ako bago tiningnan ang mata nito. Dun ko nakitang magkahalong itim at pula ang mga mata nito. Those eyes were so deep that it feels like it was digging into my soul. He also have those thick eyebrows, pointed nose and thin pinkish lips. His sharp jaw were so perfect. No... his face screams perfection. At isa lang ang masasabi ko.... ang gwapo niya lalo na sa malapitan.
His facial features seems like telling me that never to mess up with him or he will beat the hell out of me. His dominating aura is overbeating. Nakakatakot ang presensya niya lalo na yung mga malalamig na tingin niya sakin ngayon.
What the heck!
Agad akong napalayo sa kanya at humingi ng paumanhin. Sheems. Sa pagkakaalala ko galit pa ito sakin kaya kailangan ko talagang magpakabait sa kanya. Huhuhu.
"So--sorry" mahinang paumanhin ko.
"Tsk. You should just take yourself a picture of me instead of staring. It's rude" halos sumpain ko naman ang sarili ko dahil sa sinabi niya.
Ang hangin din eh. Oo gwapo siya pero hinding-hindi ako dadating sa punto na pipicturan ko siya.
"Psh. Gwapong gwapo sa sarili eh" bulong ko na mukhang narinig niya kaya ayun sinamaan ako ng tingin. Nagpeace sign na lang ako para hindi lumaki ang galit niti sakin.
Haay nako dark prince Zion. Bat ba ang sarap mong ibalibag at ipalapa sa shark. Haayst. Nakakainit siya ng ulo. Huhu for sure mamalasin ako nito ngayong araw. Wait.. feel ko for the whole year.
Nanindig naman ang balahibo ko ng bigla itong bumulong sakin. Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa batok.
"Do you really think that I've already forgot what you've done back then?" he said while using those husky voice of him. Tan---gi---na!!! papatayin na niya ako guys huhuhu.
"Ha? alin dun?" agad kong tinampal ang bunganga ko pagkatapos kong sabihin yun.
waaaah gaga ka talaga Dane. Ang dami mong atraso sa kanya kaya wag mo ng tanungin. My goshh. I'm literally digging my own grave here.
I heard his sexy chuckle which makes me flinch. Daang. What was that for?
"You amuse me" sabi nito at pumunta na sa harapan ko. Particularly sa harap ng pinto. Lumingon muna ito sakin ng may nakakalokong ngiti.
"Welcome to hell.... Dane Crisjen Lee"
Dagdag nito bago pumasok sa room ng bumukas ito.
what..... the..... heck....
Waaaaaaaaahhhh mamamiaaaa help!!! send help huhu. Gusto ko lang naman mag-aral at makapagtapos pero ganito? bakit??? akala ko langit ang Juldurayt dahil academy ito ng mga taong nasa mataas na posisyon ng lipunan pero bakit may dark prince?!! huhu bakit!!!!
"Ahw... you must be that new scholar. Come inside and introduce yourself sweetie" nakangiting saad ng magandang guro bago ako iginaya sa harap. At yun nga. Feel ko mabait ang guro na ito. Huhu sana nga mabait.
Nang nasa harap na ako ay feeling ko anytime malalagutan na ako ng hininga. Infront of me were those people who I know have a big difference from me. Their life was different from mine. Kumbaga langit sila... hampaslupa naman ako.
Their eyes were looking at me as if I am that specific speciment that they'll make fun with. Ayoko sa ganito.... bakit nga ba ako nandito?
Napatingin naman ako sa pwesto nina Cassy. Those three girls were smiling at me as if they were cheering me Napangiti naman ako pero halos magkarambola naman ang puso ko ng mapatingin ako sa grupo ng mga lalaki na nasa likod nila particularly kay Zion. Nakita ko ang nakakainis na smirk nito kaya pasimple ko itong inirapan.
May araw ka rin sakin dark prince.
"The name's Dane Crisjen Lee. It was nice to formally meet you all. Please be nice to me" sabi ko at ngumiti. Huhuhu sana nga. Sana nga maging mabait kayo sakin.
Huhu sana maging maganda at maayos ang buhay studyante ko dito. Sana malayo sa gulo at magkaroon ako ng peaceful at matiwasay na highschool life. Haayst. Sana nga.