Prologo: Kuya Azriel
"S-stop, please... ohh..."
"Umiyak ka lang, Valerie. Mas lalo mong patunayan sa akin na kahit anong pilit mong tumakas, sa akin at sa akin pa rin ang bagsak mo. Alam mo naman na akin ka lang... akin ang puso mo at katawan mo. Mapapatay ko kung sino man ang magtangkang umagaw sayo."
Bumaba ang mukha niya sa pagitan ng mga hita ko. Ramdam ko ang basang dampi ng dila niya, walang tigil akong kinakain.
"P-please, Kuya Azriel... huwag... magkapatid tayo..." umiiyak kong pagmamakaawa, pilit itinutulak ang balikat niya habang nakabaon ang mga daliri ko sa magulo niyang buhok.
Pero traidor ang sarili kong katawan. Habang umaagos ang mga luha sa mata ko at sumisigaw ang isip ko na mali ito, umaarko ang baywang ko pataas.
Mas lalong dumiin ang pagkakahawak ng mga kamay niya sa magkabilang hita ko, halos bumaon ang mga daliri niya sa balat ko para lang mas lalo akong maihila palapit sa kaniya at ibuka nang husto ang nga hita ko.
"Hmmm... K-kuya... ahhh..." Hinang-hina na ko.
"’Hm, princess, that's what I want to hear," paos na bulong niya, hindi man lang inaalis ang mukha niya sa pagitan ng mga hita ko habang patuloy ang marahas at mabilis na paggalaw ng dila niya. "Labanan mo ako, pero huwag mong labanan ang sarili mo."
~~~••°••~~~
SIMULA
Valerie
"Napakalandi mong babae ka! Puro na lang lalaki ang inaatupag mo tuwing gabi! Ano? Masarap ba yung lalaki mo!?"
"Wala kang pakialam sa buhay ko, Carlos! Magpakasawa ka sa alak mo! Wala kang kuwentang ama at asawa!"
Ang sigawan sa ibabang bahagi ng bahay ay paulit-ulit na sumisira sa aking pandinig.
Sampung taong gulang pa lang ako, pero kabisado ko na ang bawat linya ng kanilang pag-aaway. Halos gabi-gabi, ganito ang eksena. Si Mama na uuwi nang madaling araw, at si Papa na nagpapakalasing habang naghihintay sa kaniya.
Nagpakawala ako ng hikbi, pilit na tinatakpan ang aking mga tainga gamit ang aking maliit na mga kamay. Nanginginig ang aking balikat habang nakasubsob ang mukha sa unan.
Gusto ko nang huminto ang ingay. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito.
Biglang may malakas na tunog ng babasaging kagamitan mula sa baba na sinundan ng malakas na mura ni Papa. Napatalon ako sa takot, ngunit bago pa man tuluyang tumulo ang aking mga luha, isang pamilyar na presensya ang bumalot sa akin.
"Sshh... nandito lang ako, Valerie. Hayaan mo sila," mahinang bulong ng boses na nagpakalma sa aking sistema.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Kuya Azriel. Nakahiga kami magkasama sa loob ng kwarto ko. Humarap ako sa kaniya para sumandak sa d*bdib niya.
Pinakiramdaman ko ang ritmo ng kanyang paghinga. Kahit kailan, hindi ko nakitang umiyak si Kuya. Siya ang aking batong sandigan, ang tanging nagpapanatili ng katinuan ko sa loob ng bahay na ito.
Dahan-dahan akong humiwalay sa kanyang yakap para titigan siya. Pinunasan niya ang luhang tumakas sa aking mata gamit ang kanyang hinlalaking daliri.
"Kuya... bakit ba laging nag-aaway sila Mama at Papa," tanong ko habang umiiyak.
Ngumiti siya nang tipid "Wala yun, Val. Huwag mo na silang intindihin. Bukas, magbabati din yan sila. Promise."
Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay, ayaw siyang pakawalan. "Huwag mo akong iiwan, please? Dito ka lang sa tabi ko... hanggang umaga?"
"Of course, paggising mo nandito pa rin ako," sagot niya. Hinalikan niya ako sa noo, at sa sandaling iyon, uminit ang pakiramdam ko.
Hindi kami magkadugo. Inampon lang si Kuya nila Mama at Papa dalawang taon na ang nakalipas nang sagipin ako nito noong muntik na akong mabangga.
Simula noon ay naisipan nila na kaylangan ko ng nakatatandang kapatid na magtatanggol sa akin sa kapahamakan.
Pero para sa akin, hindi mahalaga ang dugo. Siya ang pamilya ko. Mahal ko siya nang higit pa sa kahit na ano sa mundo.
"Kuya," tawag ko sa kanya habang nakasiksik sa kaniyang braso. "Paglaki ko, hindi na lang ako mag-aasawa. Gusto ko, habambuhay na lang tayong magkasama."
Nakita ko ang paglambot ng kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at hinila ako palapit sa kanyang d*bdib. "Gagawin ko ang lahat para sayo, Valerie. At hinding-hindi ko hahayaang may kumuha sayo. Mapapatay ko ang kahit sino mang kukuha sayo."
Hindi pa man natatapos ang kaniyang sinasabi, biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Mama.
"Valerie! Mag-ayos ka na! Aalis na tayo ngayon din!"
Napakapit ako nang mahigpit kay Kuya. "Mama, saan po tayo pupunta?"
Hindi niya ako sinagot agad. Dire-diretso siyang lumapit at hinila ako palayo kay Azriel.
"Aalis na tayo sa impiyernong ito!"
"Mama, bitawan niyo po ako!" sigaw ko habang pilit na inaabot ang kamay ni Kuya.
"Bitawan mo sya!" Umalingawngaw sa buong kwarto ang galit sa sigaw ni Kuya.
Natigilan si Mama, bakas ang gulat sa kanyang mukha bago ito napalitan ng pandidiri.
"Hindi mo siya tunay na kapatid! Hindi mo siya pagmamay-ari, Azriel! Aalis na ako sa pesteng pamilyang to at isasama ko ang totoong anak ko!"
"A-ayoko po! Ayokong iwan si Kuya at Papa!" umiiyak kong sigaw, pero walang nakikinig sa akin.
"Ang tatay mo? Isang lasenggong walang kwenta! Walang trabaho! At ang kuya mong to? Hindi ko naman alam na may saltik yan sa ulo nang ampunin namin ng papa mo! Wala na tayong babalikan dito!"
Hila-hila ako ni Mama sa hagdan at papalabas ng pinto habang si Kuya ay nagsisisigaw sa galit sa likuran namin, ang kanyang boses ay tila isang sumpa na habambuhay kong dadalhin.
"Valerie!" ang huling sigaw Kuya Azriel na narinig ko bago ako kuhanin ng isang lalaking kasama ni Mama na nasa labas, naghihintay sa amin at sinakay ako sa kotse.
Hindi ko na narinig ang susunod na mga mura ni Papa o ang pagwawala niya sa bahay. Ang tanging nag-iwan ng marka sa aking murang isipan ay ang imahe ni Kuya... ang kanyang mga matang nagbabaga sa poot at sakit habang pilit siyang pinipigilan ng tadhana na abutin ako.
Iyon ang huling pagkakataon na nakita ko siya.
Siyam na taon. Siyam na taon ang lumipas simula nang gabing iyon.
Siyam na taon akong namuhay nang malayo sa kanya.
Akala ko ay sapat na ang panahon para mabura ang sakit ng aming paghihiwalay... ngunit habang tumatagal, mas lalo kong inaasam na makita siya.